Commercial: fast food chain
Masasayang tao sa loob ng isang sikat na fast food chain at mga nakangiting mga empleyado ang bubungad sa pagbubukas ng eksena kasabay ng isang masayang musika.
Nang may magkasintahan ang sweet at masayang slow-motion na papalapit sa counter at tatayo sila sa harap ng cashier saka titingin sa order list. Nakangiting Tatanungin ng casher ang magkasintahan.
Sabay na sasagot ang dalawa. "One Lover's meal A. please!"
Matutulala ang nakangiting casher at unti unting mabubura ang mga ngiti nito.
Unti unting magiging mellow ang background music. Hanggang sa hindi na napigilan pa ng casher ang sarili at tumakbo ito papasok ng kusina.
Umiiyak ang casher nang may tumapik sa kanyang balikat kaya nilingon niya ito.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng isang lalaki. Na animo'y kanilang boss.
Tumango lamang ang babae at pilit na ngumiti.
Iniabot ng lalaki ang isang burger. "Burger ka muna. Hwag ka na malungkot."
Ngumiti ang babae pero malungkot pa rin. "Salamat sir." binuksan ng babae ang burger. Kumagat.lumunok. at saka nagsalita.
"Kailangan po ba talagang matapos ang lahat kung kailan masaya na?" tanong ng babae sa lalaki.
Tumango ang lalaki. "Ganun talaga eh. Hayaan mo, makakahanap ka rin ng bago."
"Sana nga po.." pabulong na sabi ng babae.
Napabuntong-hininga ang lalaki saka nagsalita. "Pumunta ka sa office mamaya. Para maibigay ko ang kabuuang sweldo mo. Bigyan na rin kita ng recommendation letter para mabilis kang matanggap sa kabilang branch" wika ng lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/46908770-288-k151637.jpg)
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
Krótkie OpowiadaniaNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...