TOM 20 - Tricky Wyvern
Champagne's POV
Tanghaling tapat ng makarating kami sa Aeriakis Region at nasa ibaba na kami ng aming destinasyon, ang Nimbusco Tower.
Dahil sa mataas ang kinaroroonan noon at maulap pa doon ay naisipan na naming gamitin ang aming mga pakpak.
"Holy creature!" halos makita kong kuminang ang mga berdeng mata ni Myrtle dahil sa creature na natatanaw namin. Mahimbing itong natutulog sa tabi ng tore.
"I told you guys, legendary creatures ang paggagalingan ng Glistermos." napatango ako dahil sa sinabi ni Carlie.
"Seriously guys? Do we really need to kill this awesome creature?" naiiling na tanong ni Myr.
I can't blame her, first time naming makita ang nilalang na ito. Sa mga libro ko lamang nababasa ang tungkol dito.
Myrtle loves books, its characters, the settings, the creatures. At masasabi kong isa sa mga inaasam niyang makita o maalagaan ay ang kagay ng nasa harap namin.
"But we have to...."
"Shut up you playboy." nakita ko ang pag-irap ni Myrtle.
Ugh. Mahihirapan kami sa isang ito kapag nagkataon.
"Myr, malay mo may natitira pang ganito sa Sacred Fortress." saad ni Bubblegum.
"But I can't kill it! Ayoko Bubble!" pagmamaktol ni Myrtle.
"What do you want then Myr? Let the beast kill us instead? Lure our race and make us its food?" malalim na boses ni Azure ang nangibabaw sa aming lahat.
"Pero..."
"That's enough Myr. Marami ng napatay ang beast sa lahi natin. We can't afford to lose more." pagsabat ni Carlie.
"Ako na ang bahala sa kanya." bulong sa aking ni Flax.
Sa isang iglap ay nakulong ni Myr sa isang Earth Cage na pinalibutan ko ng Black Aura.
"Hoy pakawalan niyo ako! Ano ba?!" sigaw siya ng sigaw.
"Flax, ilayo mo na si....." natigil ako sa pagsasalita ng makaramdam ng malakas na pagbuga ng hangin sa aking likuran.
Dahan dahan kaming lumingon ng katabi kong Carlie at tumambad sa amin ang higanteng nilalang na kanina lamang ay natutulog doon sa pinakamalaking ulap sa Aeriakis Region.
"Wynvern." bulong ni Carlie.
Di hamak na mas nakakatakot ito sa personal.
Lamang ang kulay berde sa katawan nito kaysa sa bughaw, at naghuhumindik sa pagkapula ang nga mata nitong nakatingin sa amin.
Ito ay kawangis ng isang Dragona ngunit di gaya ng huli ay dadalawa lamang ang mga paa nito dahil ang dalawa pa ay ang nagsisilbing kamay para sa kanya.
May ulo ito at pakpak na kagaya sa Dragona ngunit ang katawan, paa, at buntot ay kagaya ng sa isang reptile.
"Chammy!" hinigit ako ni Carlie na agad lumipad palayo sa Wyvern.
BINABASA MO ANG
Trinket of Mauve
FantasyElementians (Feyare) Series #3 /mouv/ as the monsters rise so their hope dies compass has the answer yin and yang shall conquer Trinket of Mauve: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2015) LANGUAGE: TagLish Status: Completed