TOM 54 - Heroes' Bloodline
3rd Person's POV
Mula sa light green na pakpak ni Naia ay lumabas ang dalawang malaking Air Ball na tumama sa naunang dalawang Water Ball na kanyang ibinato patungo sa Black Space na ginawa ni Elementa.
"Get your friends out there Astrid." utos nito sa kanyang apo na si Champagne bago hinarap ang kalaban nilang pinagmulan ng lahat.
Agarang sumunod ang dalaga subalit hinarang ito ni Damond.
"Hoy kami ang kalaban mo! Huwag ka ngang pumatol sa bata!" umalingawngaw ang sigaw ni Frost at narinig ang sunod sunod na pagtama ng Ice Lance nito sa dalawang Black Sword ni Damond.
Nakuha naman ni Champagne ang ibig sabihin ng kanyang Tito kaya't dumiretso siya sa kanyang kaibigan.
"Not so fast little black worm." napangiwi siya ng hilahin ni Ciera ang kanyang buhok at kaladkalarin siya palayo sa Black Space.
Nagpumilit siyang makawala ngunit mukhang mas naging malakas ang kaharap niya ng pagalingin ito ni Elementa.
"Ack." ngumiwi si Ciera ng tumama ang ilang Frozen Arrows sa kanyang likuran at lumitaw mula sa kawalan ang nakangising si Teal.
Iminuwestra ni Teal ang kanyang mga kamay na tila ba sinasabi nitong tumuloy na ang kanyang pinsan sa Black Space.
"Save them Chams! We don't want to lose any of us." naguguluhan man sa labanang nangyayari ay sumunod ang dalaga.
Hindi pa rin niya lubos na maunawaan kung bakit dalawang elemento ang nakakayang kontrolin ng kanyang Lolo at Lola.
Isa lagabog ang kanyang narinig at nakita niya ang pagtalsik ni Elementa buhat sa naglalakihan at nag aapoy na mga bato ni Rage.
Namamangha man ay hindi niya pa rin maiwasan ang magduda.
Maaaring may hindi sinasabi sa kanila ang kanilang mga magulang.
"Elementia was true, Sweetie." nagulat siya ng makitang katabi na niya ang kanyang Lolo.
Nanlalaki ang mga ni Champagne dahil sa narinig.
"Ano yun Grappie?!" pagtataka niya.
Hindi niya malaman kung nagbibiro lang ba ito o hindi.
"We are the Oratians, me and your Grammie." kumindat sa kanya ang kanyang Lolo.
Hindi pa man nagsisink in sa kanyang utak ang kanyang narinig ay rumehistro na sa kanyang naguguluhang utak ang ilang palatandaan na tunay nga ang tinuran ng kanyang Lolo.
Kaya pala malalakas pa ang mga ito at tila hindi bumaba ang mga mana kada taon.
Kaya pala nasabing tatlong henerasyon, sila ang pangatlo, sila ni Teal.
Nagsimula ang lahat sa kanyang Lola, ayon sa kwento ay nagtago sa gubat ng maraming taon dahil sa totoo nitong pagkatao.
Ang kanyang Lolo naman ay nagawang makihalubilo sa iba simula pagkabata. Nakaya nitong kontroling ang kanyang pagiging Gnome.
Kaya pala sa tuwing maaalala niya ang kwentong iyon, o maririnig ang pangalan ng dalawang bida ay sumasagi sa kanyang isipan ang kanyang mga Lolo at Lola.
Naira Airigia at Raego Fiervus, ang dalawang Oratians na nagkaanak ng kakaibang kambal.
Bakit nga ba hindi niya napagtantong ang kambal sa dulo ng kwento ay ang mismong Ina at Tito niya?
BINABASA MO ANG
Trinket of Mauve
FantasyElementians (Feyare) Series #3 /mouv/ as the monsters rise so their hope dies compass has the answer yin and yang shall conquer Trinket of Mauve: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2015) LANGUAGE: TagLish Status: Completed