Special Chapter - TeaLet

1.7K 54 26
                                    

Special Chapter - TeaLet

Scarlet's POV

Ipinatong ko ang aking baba sa mga nakalahad kong kamay na nakatungkod sa ibabaw ng lamesa.

Ni isang kurap ay hindi ko ginawa.

Umigting ang mga panga ni Teal dahil sa aking ginagawa.

"Quit staring Scarlet Phyre." ngumisi ako ng pabiro at bigla siyang nagdabog patayo.

Hay nako!

Pikon talaga ang isang iyon.

Iniwan niya ang Appgo cheesecake na nilalantakan niya kanina at lumabas ng Flofe.

"Wait! Teal Zione!!!!" napailing ako habang sinusundan siya.

Nagseselos na naman kay Silver.

I just accompanied Silver yesterday, habang naghihintay siya kay Hueri.

We talked, big talk actually kasi nagtanong siya kung anong magandang ipangalan sa mga magiging anak nila.

Hindi naman siya halatang excited.

At mukhang wala lang sa kanya ang hula ni Lady Astrean na pito ang magiging mga supling nila.

"Huy! Selos ka na naman? You don't trust me?" hinawakan ko ang kanyang kamay bago siya makababa ng Flofe.

Nilingon niya ako gamit ang malamlam niyang mga mata.

Nakakalunod talaga.

"You already fell for him, a long time ago. You just don't recognize it because of fear. You wanted to be in a safe place, that's why you tend to pour your attention to Silver." binulong iyon sa akin ni Lady Cleatha noon.

Sa totoo lang ay iyon talaga ang nangyayari sa akin.

I love Silver, but not as much Teal. I can call that as a brotherly love.

Noong nagkaroon kami ng girian ni Bubblegum dahil kay Silver, nasaktan ako, oo lalo noong inamin ni Silver na hindi niya masusuklian ang pag-ibig ko.

Scripted lahat.

Noong umiyak ako sa pagtanggi ni Silver sa akin, si Teal ang naiisip ko.

Na baka kapag umamin ako ay umayaw siya, o di kaya naman ay mawawala rin ang pag-ibig niya, paglaon ng panahon.

Gusto kong takasan si Teal, sa pangambang baka lokohin niya ako.

I've never seen him being serious.

Wala akong tiwala.

Pero magmula ng magparamdam siya, aminin niyang mahal niya ako, doon ako unti unting nabihag.

Dahan dahang nabuksan ang pintong isinarado ko para sa kanya.

Napatunayan niya sa akin ang kanyang sarili, una sa maling paraan, pangalawa sa tama.

He betrayed us, to prove himself.

Ginusto niyang pantayan si Silver, at sa ginawa niyang iyon ay nasira siya, sila nila Chammy.

Umiyak ako noon.

Siguro kung nagtiwala ako sa kanya, kung hinayaan ko siya agad, o kung ako ang unang umamin, hindi siya gagawa ng masama.

Hindi siya matetempt.

He will stay Teal.

He will love himself.

Trinket of MauveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon