TOM 26 - Beautiful Kramaid
Champagne's POV
Mula sa bintana ng kwartong pinagsasaluhan namin ni Carlie ay natatanaw ko na ang papasikat na araw.
Gaya ng dati ay pula pa rin ang kalangitan ngunit ngayon ay napupuno na ang pag-asa ang aking isipan.
"Two more regions after this." sambit ko habang nakatitig sa Corbisla na nasa likuran ng trinket ni Mauve.
Nadatnan ko sa ibaba sila Flax at Myrtle na nagluluto.
"Good morning Chammy!" nakangiting bati sa akin ni Flax.
He seems to be in a good mood.
Hindi nakaligtas sa akin ang paghahawakan ng mga kamay nila kaya naman natawa ako at napapitlag si Myrtle.
"Sorry! Didn't mean to bother!" tumakbo ako at sinilip kung naayos ko ba iyong butas sa shield.
"Kung naiiinggit ka sa kanila, hold my hand instead. Hindi iyong nanggugulo ka sa dalawang iyon." napalingon ako kay Azure na nakangisi sa akin.
I felt those effin flying creatures in my stomach that I immediately decided to jump and get rid of them.
"You're crazy but cute." bago pa ako mahawakan ni Azure ay nagtatakbo ulit ako paakyat.
Natigil ako ng marinig ang kalabog sa loob ng kwarto at narinig ko ang boses ng aking pinsan.
"It's always been Silver! That Silver Ereth who only caused you pain! You're too focused on him that you can't even notice me! I'm always here for you, since then! I'm always waiting for my time cause I'm so ready to catch you! But heck you never give me the chance Scarlet!" bumukas ang pinto at lumabas doon ang namumulang si Teal.
Dali dali akong pumasok sa loob at niyakap ang luhaang si Carlie.
"Shhhhh you'll get through this okay?" naramdaman ko ang marahan niyang pagtango.
Matapos naming kumain ay nagpahinga kami agad saka nagpasyang lumusong sa Waterlus Region.
Si Teal na walang imik ay nasa malapit sa amin ni Carlie habang si Silver ay nasa kabilang dulo ng aming grupo.
I really wonder if these two can fix their friendship.
Bawat isa sa amin ay nasa loob ng Air Bubble na ginawa ni Myrtle. Saka ko iyon nilagyan ng Black Shield upang mapagtibay habang si Teal at Silver ang nagbigay sa amin ng Light Torch upang magsilbing ilaw.
We are going deeper.
Excited ako dahil kadiliman ang naroroon, gaya ng kapangyarihan ko.
"Welcome to Hanashien Trench." iyon ang saad ni Azure.
Iilang Glolly Fish ang nakikita namin doon na agad ring nagsialisan ng makalapit kami ng tuluyan sa kanila.
*(Glolly Fish - Glowing Jelly Fish)*
"Saan ka pupunta Silver?" tanong ni Bubblegum.
Napalingon ako at napansin ang paglayo ni Silv sa aming pangkat.
"Uy magandang babae!" puna ni Flax at nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Myrtle.
"Guys, we need to back off." halata ko ang kaba sa salita ni Azure.
BINABASA MO ANG
Trinket of Mauve
FantasyElementians (Feyare) Series #3 /mouv/ as the monsters rise so their hope dies compass has the answer yin and yang shall conquer Trinket of Mauve: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2015) LANGUAGE: TagLish Status: Completed