Special Chapter - FlaMyr
Myrtle Gwynt's POV
Kumabog ang puso ko ng makitang hinalikan ng isang babaeng Pixie si Flax.
Hindi man sila ganoon kalapit sa akin ay kitang kita ko naman ang ginawa nila.
Lapastangang Flax!
I knew it!
He's not a man of words but an emperor of bullshts!
Agad akong nakaramdam ng sakit sa dibdib, may kumikirot doon at nawala na ako sa aking sarili.
Sa isang iglap ay narinig ko na lamang ang pag angil ng babae kasunod ang pagtama ng kanyang likod sa pader na kalapit namin.
Huh!
That's what you got from flirting! Now you'll feel a different kind of hell, a windy one.
"Mytle Gywnt!" narinig ko ang boses ni Flax.
Humanda ka sakin mamaya Mountus.
Mabilis akong nakalapit sa babae at sinabunutan ko siya pagkatapos ay sinampal.
Pero ni bakas ng takot ay wala akong makita sa kanya, purong galit lamang ang aking nababasa.
"What the heck?!" napalayo ako ng maging malabo ang aking paningin.
Sht. Did she just blew some dusts to me?
Naramdaman kong may humila sa akin at pagbalik ko sa dati ay nakita kong nasa bisig na ako ni Flax, habang ang babae ay nagngingitngit sa galit.
Nakakuyom ang mga kamao niya at tila gusto akong patayin.
Come on btch. I can make you a special viand for those creatures in the forest!
"Huwag ka ngang makisali dito! Mamaya tayo maghaharap Mountus!" sinigawan ko siya at itinulak saka sinampal.
Bumakat ang aking palad sa kanyang pisngi ngunit hindi siya nagpatinag at lumapit pa rin sa akin.
"Ano ba?! Dadaanin mo na naman ako sa mga salita mong matatamis? Yung nilubog mo sa asukal at tsokolate?! Hindi na ako maniniwala! Alam ko yang laro mo!" hindi ko na napigilan ang aking sarili.
"Let me ex......" binato ko siya ng isang Air Ball na kanyang sinalag.
Nakarinig ako ng isang nakakairitang halakhak.
"See Flax? Iyan ba ang ipapalit mo sakin? Iyan ba ang babaeng sinasabi mong seseryosohin mo?! That girl?! She's a whore!" agad kong hinarap ang babae at sinampal ulit siya ng malakas.
Sinundan ko iyon ng isang tornado dahilan upang tumalsik ang babae.
Lumipad ako sa pwestong kababagsakan ng babae at doon ko siya inabangan dahilan para masugatan ang ilang parte ng katawan dahil sa pagpapalabas ko ng Air Blades.
Kung hindi niya lamang binalot ng vines ang kanyang katawan ay paniguradong mas malala pa ang aabutin niya doon.
"Myrtle Gwynt Windlow Wingfey!" mas nakaramdam ako ng sakit dahil sa pagpigil niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Trinket of Mauve
FantasíaElementians (Feyare) Series #3 /mouv/ as the monsters rise so their hope dies compass has the answer yin and yang shall conquer Trinket of Mauve: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2015) LANGUAGE: TagLish Status: Completed