TOM 30 - Venomous Hanadoku

1.7K 72 25
                                    

TOM 30 - Venomous Hanadoku

Champagne's POV

Simula ng umalis kami sa Sunkenin City ay hindi na ako nilubayan ng presensya na nararamdaman ko.

Sinusundan nila kami. Hindi ko rin sigurado kung sino ba sila at kung ano ang kanilang pakay, ngunit ang alam ko ay minamatyagan nila kaming mabuti.

"Can you feel those presence Teal?" tanong ko sa aking pinsan.

"Oo. Pero hindi naman sila nagpapakita, puro paramdam lang." sagot niya at muling tumingin sa daang tinatahak namin ngayon.

"So you're aware of those presence eh? How is that possible? So this means that you're only numb towards me?" nagitla ako ng magsalita si Azure.

Lechugas! Makapanggulat naman!

"Oh shut up Az. This is a serious matter." inirapan ko siya.

Hinawakan niya ang aking braso at iniharap ako sa kanya.

"My feelings for you are serious too." matamanan niya akong tiningnan.

Matagal iyon, hindi ko maalis ang mga paningin ko sa kanya.

Sht.

"Nakakamiss ditoooooooo!" napakurap ako ng may sumigaw.

Doon ako nakakuha ng pagkakataon na umiwas kay Azure at agad akong tumakbo patungo kay Bubble.

"Ang ingay mo!!!" sita ko sa kanya subalit napawi lahat ng inis ko dahil sa tanawing nasa harapan naming lahat.

Isang malaking gate na puno ng vines at dalawang haliging malalaki na may bulaklak sa itaas.

Ito ang Gradrien, ang napakalawak na hardin na matatagpuan lamang sa Feyrimeas Region.

Mula sa bukana ay tanaw ang hanggang ng lupain na napupuno ng mga iba't ibang klase ng bulaklak.

Maganda pa rin dito, idagdag ang epekto ng liwanag ng araw na ngayon ay papalubog na. Iyon nga lamang ay wala na ang mga pixie na laging naglalaro at mas nagbibigay ng buhay sa pabilog na lugar na ito.

"Bubble shhhh. Alam kong natutuwa ka pero pigilan mo naman." sita ni Silver at ngumiti ng tipid ang aming kasama na bigla na lamang naging maliit at mabilis na nagpalipat lipat sa mga makukulay na bulaklak.

"She's at her home, finally." nabigkas ni Myrtle na umihip ng hangin.

Ang mga petals at pollens ng bulaklak ay lumipad sa ere at nagmukhang pumapatak na makukulay na snow.

"If I'll give you a flower every time I think of you, your garden will be bigger than this." napasinghap ako hindi sa sinabi ni Azure kundi sa nilalang na bigla na lamang gumalaw.

Akala ko ay isa iyong higanteng rosas na kulay ginto ngunit iyon pala ay ang tinatawag na Hanadoku!

"Guys! Wag kayong papahuli sa Vinials niyan! Nakakalason!" sigaw ng maliit na boses ni Bubble.

Nahanap siya ng paningin ko. Mas maliit pa siya sa kanyang tatlong Forrest Pearls na umiikot sa kanyang paligid.

Naramdaman ko ang isang Vinial sa aking paanan at agad ko iyong tinusok gamit ang aking Scepter.

Trinket of MauveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon