TOM 32 - Lost

1.4K 71 13
                                    

TOM 32 - Lost

Champagne's POV

Padabog akong naupo sa isang upuan at kinusot kusot ang aking mga mata.

Kaasar. Naistorbo ang aking pagtulog. Kainis talaga.

"Now explain Bubblegum Xylia." untag ko at nag angat siya ng tingin sa akin.

Wala akong makitang pagsisisi sa pawisan at luhaang mukha ni Bubblegum.

I can feel that she's comfortable with Rouie. She trusted him real quick.

Pinalis niya ang mga luhang nangingilid sa kanyang mata. Nasaktan talaga siya sa paratang ni Teal.

"Kung hindi siya dumating nung isang araw sa Gradrien baka nalusaw ng laway nung lecheng Hanadoku ang lower body ko. Kung di dahil sa kanya baka di ko kayo nailigtas at namatay tayong lahat! He helped me. That's all." paliwanag niya ngunit hindi nawala ang pangangamba sa mukha ng aking mga kasama.

They're not convinced.

Pero kung tutuusin, tama na mas mapagkakatiwalaan si Rouie kesa kay Lilith.

"Pero may ka....." itinaas ko ang aking kaliwang hituturo at natigil si Silver.

"Ako lang ang magtatanong sa ngayon." maotoridad kong saad.

"Kilala mo ba ang mga kasama niya?" umiling si Bubblegum at mariin akong tiningnan ng matang niyang kakulay ng maputlang rosas.

"Noong una, sinabi niyang wala siyang kasama pero sa huli, meron pala. Hindi ko a....." nanlaki ang mga mata ni Bubblegum ng halos bigla siyang sugurin ni Teal.

"Basta basta ka kasi nagtitiwala!" singhal nito.

Hindi ba talaga makikinig sa akin ang pinsan ko?

Nakakabastos.

Pakiramdam ko namumula ang mukha ko dahil sa inis. Umakyat na ata lahat ng kumukulo kong dugo sa aking ulo!

"TEAL ANO BA? LET HER EXPLAIN HER SIDE! I'M NOT DONE WITH MY QUESTIONS!" padabog kong binasag ang vase na malapit sa akin at napasinghap si Myrtle at Carlie.

Bigla na lamang nagwalk out si Teal at hindi ko siya pinigilan.

Bahala siya sa buhay niya.

"There's sincerity in him Chammy. Naniniwala ako sa kanya." kuminang ang gilid ng mga mata ni Bubblegum at agad siyang niyakap ni Myrtle.

Parang kinirot ang puso ko sa aking narinig, pati na rin sa aking nasaksihan. Is it really good to trust someone that much? I really don't have any idea. What I know is that, believing in words without actions can be called as stupidity.

But it is the opposite of what Bubblegum is showing to me. Maybe at some point in our lives, the only choice we've got is to give our 101% trust.

"Bakit hindi nalang natin puntahan ang kinalulugaran nila? Sigurado akong nasa loob lamang sila ng shield." mungkahi ni Flax.

Trinket of MauveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon