TOM 41 - Nowhere to be Found

1.5K 62 13
                                    

TOM 41 - Nowhere to be Found

Champagne's POV

Nahiga ako sa isang malambot na kama, katabi si Carlie.

Sa kabila ng kwartong tinutuluyan namin ay naroon sila Bubble at Myrtle.

Si Hueri, kasama si Moirann at Silver. Sa aming lahat, kay Silver lang dumidikit si Hueri.

Ni hindi ko pa nga naririnig ang boses niya dahil kung magsalita man siya, pabulong iyon at tila si Silver lang ang nakakarinig.

"She's been from her home for a long time. Siguro ay nahihirapan siya mag adjust." bungad ni Bubblegum.

"Silver told me that Hueri never gained friends. Iyong mga kumupkop sa kanya ay inabuso siya at inalipin. Kaya tumakas siya at nagtago sa abandonadong bahay ay balak siyang ipagbili dahil sa kapangyarihan at dugo niyang kakaiba." dagdag pa nito at napabuntong hininga ako.

"Silver already saw her in his dreams, same as for Hueri. Kaya kay Silver lang siya lumalapit." ngayon ay naiintindihan ko na ang kalagayan niya.

Moirann said we should stay for awhile dito sa bahay niya.

Pag-aaralan niya muna ang compass pati na rin ang journal.

We agreed to it. We don't want to come back with only a half finished job.

Pupulaan pa kami kapag nagkataon.

Hapon ng dumating kami sa Arkaios at kagaya ng dati, si Flax at Myrtle ang naghanda ng aming hapunan.

Bumaba ako at tumulong ngunit napansin kong tila kulang kami ng isa.

"Where is Teal?" tanong ko ng makasalubong si Bubblegum.

"Dunno, haven't seen him for awhile." sagot nito at patuloy na tumikim sa mga putaheng inihanda ng dalawa naming cooks.

"Carlieeeee!" I hugged my bestfriend.

"Oh?" she's holding a pencil and a piece of paper with some drawings on it.

"Nakita mo ang pinsan kong pasaway?" umiling siya ng mariin sa akin.

Ipinagkibit balikat ko iyon.

Siguro ay lumabas siya sandali at maaaring pabalik na rin dahil paggabi na at mas mapanganib.

"Teal on the roof, heard him shouting few curses up there." naramdaman ko ang presensya ni Azure malapit sa akin.

I took three steps away bago ako lumingon.

"Uhm, thanks!" agad akong tumakbo palayo at narinig ko na naman ang paghalakhak niya.

Lagi niya na lang pinapabilis ang tibok ng aking puso.

Mula sa sala ng ikalawang palapag ay mayroong hagdang nakadikit sa isa pader, sa sulok, at iyon lamang ang tanging daan patungo sa bubong ng bahay nila Moirann.

Natanaw ko agad si Teal sa may dulo, malapit sa chimney at tila nakatanaw sa malayo.

Marahan akong lumapit at biglaan siyang itinulak.

Trinket of MauveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon