Chapter 25- Somewhere Far

24 1 0
                                    

Timecheck: 1:43am
5th day

Narrator's View

Nakarating na silang dalawa sa far-away place na sinasabi ni Bamboo. Mahimbing na natutulog si Julie na nakaside ang ulo na nangawit at marahil medyo masakit sa pagkagising niya.

Nagpark si Bamboo sa may open space sa daanan. Madilim pa, may mga guards na naglalakad sa daanan.

Binuksan ni Bamboo ang windows kanina pa at ang lamig ng simoy ng hangin.

"This is life," sabi niya sa kanyang sarili.

Gusto niyang magpakalayo-layo sa masakit na totoo na hindi niya matanggap pero kailangang tanggapin dahil ito ang magpapalaya sa kanya.

Napapikit si Bamboo dahil dinalaw siya ng antok...

6 am

Julie Tan's POV

Bakit ang ingay? Pagkabukas ko ng mga mata, may mga tao sa paligid ng car. Di naman marami, may mga sumisilip sa amin. Nakabukas yung window sa side ni Bamboo.

Natutulog siya. Ginising ko siya.

"Bamboo!"

"Bambs! Huy! Bamby!" Hinawakan ko yung tagiliran niya sakalaing magising at nagising nga.

"Bakit?" Gulat ang mukha niya.

"Naantok talaga na ako." Tinaas niya ang car window niya at nagsimula na magdrive.

Nag-nod nalang ako. Wala masabi eh.

Nasa malamig na lugar kami at medyo nasa mountain side, nasaan kami?

Tagaytay. Nakita ko sa isang sign na nadaanan namin. We are in Tagaytay. Wow. Travelling is one of my dreams by myself or with a partner perhaps.

Tumigil kami sa Seven Eleven. Nagsuot si Bambs ng shades at jacket. Nagtungo kami sa Seven Eleven. Bamboo got a cheesedog at ginaya ko siya. Siyempre, siya nagbayad ulit. Umupo kami sa chairs at tahimik na kumain.

Then binuksan ng employee ang tv nila dito.

"Bamboo in Tagaytay with a girl?  Our source said that it is his personal assistant. However we can see the only the two of them sleeping in his car as we can see in this picture. No any other persons with? He also doesn't have any schedules in Tagaytay..."  Blury yung mukha ko... Tumayo si Bamboo at bumalik kami sa kotse niya.

"Hay..." Buntong-hininga niya.
Nag-ring ang phone niya.

"Good morning."

"Yes."

"No."

"Pahinga lang po, tomorrow we will be there."

"Yes."

"Yes."

"Yes."

"Thank you."

"Si Tita Honey" sabi niya sa akin.

"Ah..." Wala talaga akong masabi. I don't know why.

"Um, ano gagawin natin?" Taning ko nalang.

"Gala tayo. I really love to relax for a while, free from the noise of the world."

8 am

Nagcheck-in kami ni Bamboo sa isang hotel, sa isang room. Naligo at nag-ayos. Wala akong kagamit-gamit. Si Bamboo naman may emergency bag sa car niya na may laman na mga damit. Pinahiraman niya ako ng isang white shirt niya at bumili kami ng shorts sa hotel na to. Cool nga eh, may shorts shop dito, yun lang nga ang meron, mga hawaiian style shorts. May big swimming pool ang hotel na ito, so grand.

Assistant ni BambooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon