"Ella kahit ano naman maganda eh," sabi ko.
Pinapapili kasi ako ni Ella anong maganda yung yellow na heels, silver heels, green heels, orange heels, pink heels or black heels. Siya ang bibili. Gusto niya opinion ko.
"Julie sige na, kahit isang color sabihin mo na mas maganda para sa iyo," sabi niya.
"Umm.. color black and white," sabi ko.
"Great!" sabi niya.
Ayun nagpahanap siya ng black and white at yun ang binili niya.
Bakit kaya black and white pinili ko? Hmm because that's neutral- sad and bleak? Ewan.
Nasa labas na kami ng store.
"Ella ibalik mo yan, ang pangit- so sad," sabi ko.
"Anong pangit? Ito ang sabi mong maganda. At hindi ko na ito ibabalik ang ganda kaya!" sabi niya.
"Hay!" sabi ko.
"Ano bang gusto mo para lumamig ulo mo Jizzy!" sabi ni Elly.
"Gusto ko ng ice cream!" sabi ko.
"Ayun lang pala, mayroon akong alam. Halika na." at kinaladkad ako ni Ella.
Hinila niya ako papunta sa isang ice cream shop. BIG POPSICLE ang pangalan ng ice cream shop.
"Anong gusto mo Julie?" tanong ni Ella.
"Gusto ko yun oh!" sabi ko sabay turo sa avocado flavor na half na lang natitira.
"Sige, Ate isang avocado-," sabi ni Ella sa babaeng nasa cashier pero naputulan.
"Ate kukunin ko po lahat ng avocado flavor," sabi ng isang lalake.
Si Bamboo?
Mayroon siyang kasamang bodyguard at babaeng nasa 30's na niya.
Yung mga tao sa paligid eh naka-nga-nga lang o napa-freeze. Pati din si Ella.
Ako hindi.
"Si-sige po sir," sabi ng babae.
"Anong sige? Kami nauna dito!" sabi ko sa babaeng cashier.
"Uy, Miss." Sabi ni Bamboo sa akin. Napatingin ako sa gwapo niyang- nothing.
"Kung ano gusto ni Miss Ganda ang masusunod," sabi niya.
Miss Ganda- yung cashier.
Napa-blush naman yung cashier girl, Anna.
"Eh pero unfair ang gusto niya, dapat masunod ang mga rules. Kaya nga mayroon nakalagay, FALL IN LINE!" sabi ko.
Bakit kasi kukunin niya lahat ng Avocado flavor?
Edi wala na natira sa akin.
"Anna paki-pack na lang," sabi ni Bamboo.
"I-rereport ko to sa Manager. Miss nasaan po manager niyo?" tanong ko.
"Dun po," sabi niya turo sa door na mayroon nakalagay 'MANAGER'.
Pumunta ko doon. Naiwan si Ella. Pumasok ako agad.
Mayroong lalakeng nasa age niya about 40's siguro na naka-upo sa desk chair.
"Sir mayroon po akong reklamo," sabi ko.
"Ano po iyon?" sabi niya.
"Kukunin po kasi nung lalake doon lahat ng Avocado flavor pero ako at ang aking kaibigan ang nauna sa pila," sabi ko.
"Sige po lalabas po ako para ayusin po iyon," sabi ni Mr. Richard, yun ang nakalagay na Tag name niya.
Lumabas na siya sa room ako din.
"Mr.- Bamboo?" sabi ni Mr. Richard.
Hala? Huwag ka sana ma-inlove sa kanya din!
"Oh, hello po tito!" sabi ni Bamboo
Tito?
"Mayroong problema daw dito sabi ni Miss-"
"Julie," sabi ko.
"Wala," sabi ni Bamboo.
"Kailan mo pa nagustuhan ang avocado?" sabi ni Mr. Richard.
"Ah-eh Ngayon lang po," sabi ni Bamboo sabay kamot sa nape niya.
"Magbigay ka na kasi kay Miss ng avocado flavor siya naman nauna eh," sabi ni Richard.
"Ayaw ko!" sabi ni Bamboo.
"Sige na," sabi ni Richard.
"Ayaw," sabi ni Bamboo.
"Ako ang manager," sabi ni Richard.
"Kami ang may-ari ng Ice cream shop na ito," sabi ni Bamboo. Kaya pala ang confident niya... -_-
"Hay..." sabi ni Manager.
"Sorry miss," sabi ni Mr. Richard.
Pumunta ako sa harap ni Bamboo.
"Alam mo Bamboo hindi ibigsabihin na gwapo ka, magaling kumanta at may-ari nitong ice cream shop eh hindi mo na susundin ang mga patakaran," sabi ko.
"May nakalimutan ka, nakaka-inlove ako," sabi ni Bamboo.
GRRRR! Kalma lang Julie.
"Ganito na lang Bamboo, pabilhin mo na ako ng Avocado ice cream ko at hindi ko sasabihin sa mundo na wala kang puso. Kapag naman hindi mo ako pinabili ng Avocado ice cream sasabihin ko sa mundo na hindi ka mabait at walang puso. Sisirahan kita sa mga Bamboo fans mo at sa mga Universities," sabi ko.
Ganito mukha ni Bamboo o_0
Parang what?! Yung ganoon. Nakakatawa!
"Bamboo sundin mo na lang ako," sabi ko.
Parang nag-iisip siya pero in the end...
"Ok," sabi ni Bamboo.
Yung kasama niyang babae ganito naman mukha 0o0
What? Yung shape ng mouth niya.
"Miss isang take-out na Mega cup ng Avocado flavor ice cream with sprinkles, marshmallows and chocolate syrup please," sabi ko.
"Sir po?" sabi ni Miss Ganda.
"Oo," sabi ni Bamboo.
After 2 minutes.
"Ma'am this will be all 110 pesos," sabi ni Anna.
Binigay ko sa kanya yung 110 pesos ko na eksakto.
"Good bye Miss Ganda at Bamboo," sabi ko at nag-walk-out na ako. Hinila ko si Ella siyempre.
Lahat ng tao doon walang imik hanggang paglabas namin.
Ano yun kami lang nina Bamboo, Miss Ganda, plus Sir Richard ang buhay doon?
"Hahahaha," napatawa ako. I did that?
Ako kinain ko na yung avocado ko habang naglalakad sa mga stores.
"Julie!!!" sabi ni Ella, buti nagsalita na siya.
"Ano?" sabi ko.
Enjoy na enjoy na nga ako dito eh.
Priceless yung mukha ni Bamboo kanina! Nakakatawa.
"Anong ginawa mo kanina?" sabi ni ella.
"Bumili ng Avocado ko," sabi ko.
Ang sarap talaga ng Avocado flavor ice cream. Pero ayaw ko kapag totoong avocado. Parang walang lasa o yung nakain ko lang dati eh walang lasa. Basta!
"Bakit mo pinahiya si Bamboo kanina?" sabi ni Ella.
"Hindi ko siya pinahiya I'm just defending our rights as a customer," I simply said.
"Bamboo iyon, artista, sikat, gwapo at nakaka-inlove!"
"Ikaw lang ang in-love doon."
"Julie hindi ako in-love. I mean ikaw yung in-love sa kanya diba?" Hirit niya.
"..." Di ako umimik. Nagpatuloy ako sa pagkain ng ice cream ko.
BINABASA MO ANG
Assistant ni Bamboo
Fiksi PenggemarAno kayang mangyayari kapag ang simpleng fangirl na si Julie Isabelle Tan ay pumunta sa kanyang idol crush's concert? Will she meet him and hate him afterwards & have World War 3 beginning or love him more? What if after the concert, she suddenly ha...