3:50 pm
Julie Isabelle's POV
Pagdating ng village, may pinindot si Bamboo sa loob ng car at nagbukas ang gate, pasok agad kami. Pinindot niya ulit iyon, tapos nagsarado iyong gate. Wow! Cool!
Pagkalabas ko ng car, nakita ko agad si Maid Fina.
"Hi Ms. Julie. Kamusta? Saan kayo galing?" ang tanong niya sa akin.
"Kumain lang at may binili si Sir Bamboo." sabi ko pakita ng dala-dala kong paper bag.
"Ahhh. Ooohhh." sabi niya. Ang cute niya nung sinabi niya iyon, parang bata. Gusto ko sanang dagdagin ng 'ehhh, iiiihhhh, uuuuhhh.' pero nauna na si Bamboo sa akin.
"Fina, sabi ni Manong Jojo, makakarating siya dito mga 5 pm. Hintayin mo siya at mag-meryienda na kayo. Dito na rin siya matutulog at sumunod nalang siya sa Manila ah." Tumango naman si Maid Fina.
"Ikaw, sunod ka sa akin." sabi niya sabay tingin sa akin ng matalim. Ok... baka may papagawa.
Sunod naman ako sa kanya hanggang sala. Umupo ako sa pinaka-side ng sofa. Linagay ko iyong paper bag sa little table dito.
"So, ano napag-usapan niyo ni Tita Honey?" sabi niya.
"Na assistant mo ako?" sabi ko. Not knowing ano ang tamang isagot kasi hindi specific ang tanong niya.
"Saan ka titira?" sabi niya.
"Ah, sama daw ako sa boss ko." sagot ko. Hindi ako makatingin sa kanya. I don't know why! Mga mata, tumingin sa kanya!... Ayan tumingin na! Buti naman.
"Ah, okay. Kailan mo kukunin mga gamit mo?" sabi niya.
"Ah, ngayon na?" sabi ko. Naka-ayos naman na kasi mga gamit ko sa apartment namin ni Ellala. Kamustahin ko nga siya mamaya.
"O sige, lika na." sabi niya at lakad ulit palabas, siyempre papunta sa sasakyan niya. Ano ba ito? Pasok at labas kami, sana dumiretso na pero sabi ng isang side ko ay 'hindi naman alam ni Bamboo eh, huwag ka ng ganyan. bad bad bad, hmmm.'
Ayun, sinabi ko sa kanya ang address, obviously parang natandaan niya yung lugar kasi dito niya ako sinundo noon doon dati sa uh- first date namin, ko?
"Oh, kunin mo na." sabi niya.
Lumabas ako ng kotse niya at nakita naman ako ni Manang Dela, nakaupo siya sa labas ng door niya.
"Oh, magandang hapon julie! Nakabalik ka na ah." sabi niya.
"Opo at kukunin ko na iyong mga gamit ko po." sabi ko.
"Sige." at pumasok na ako. Yung mga gamit ko naman nasa tabi lang kaya mabilis ko itong kinuha. 2 maleta.
"Sige po!" at bumalik na ako sa kotse.
Kumatok ako sa sasakyan ni Bambs.
"Saan ko ilalagay?"
Bumaba yung tintes window, "Diyan sa backseat." tinuro niya yung backseat. Binuksan ko yung door at linagay sa mga upuan ang dalawang maleta ko.
"Lika na." Pumasok ako sa passenger seat again.
...
So tahimik!!! Uh... Nag-people watch nalang ako sa window.
...
Saan ba kami pupunta? Ang tagal na namin sa car. Wala man lang music.
Napatingin ako sa kanya tapos sa road ulit... Nakalabas na kami ng Subic.
"Uh, kunin mo yung cd diyan sa storage sa harap mo." Ginawa ko iyon.
"Anong cd?" Andami eh.
"Yung may Fav 4."
BINABASA MO ANG
Assistant ni Bamboo
FanfictionAno kayang mangyayari kapag ang simpleng fangirl na si Julie Isabelle Tan ay pumunta sa kanyang idol crush's concert? Will she meet him and hate him afterwards & have World War 3 beginning or love him more? What if after the concert, she suddenly ha...