Disyembre 15 2015
[Celjiko]
Andito ako sa isang inuman sa parte ng Don Bosco. Namiss ko lang magadik at maginom. Alam niyo na, this past few days and weeks si Mimi inaatupag namin.
"Cerberus!" Tawag sa akin ng kaibigan ko na si Emond.
"Yow, handa na ba?" Nakangisi kong sabi.
"Yhup, 2 tabo ng marijuana, 20 case ng redhorse, 5 case ng Empi lights, sisig as pulutan at higit sa lahat chixx na pwedeng ikama." Sabi niya at ngumisi.
"Simulan na natin! Woooo!" Sigaw ko habang kinakalampag pa ang isang table.
Namiss ko to, yung malaya. This past few days ay naiistress lang ang kagwapuhan ko.
Umupo na kami sa mga 'designated seats' namin. As usual ako nanaman ang tanggero (taga salin ng alak) at ako ang napapansin ng mga bakla. Sa totoo lang ayoko ng trabaho ko (if trabaho nga ito) nakakaumay lang at nangdidiri ako sa sarili ko. Di naman ako nakikipag sex sa bakla. Tulad nga ng sabi ko kahapon, nilalasing ko sila sabay kuha ng wallet at alis. Napakabagal ko kasi malasing. Tulad ng nangyari last month. Nakailang case na kami ng red horse pero wala pa rin akong tama samantalang sila mga bange (lasing) na.
"Ano ba Louise! Halika nga dito! Maranasan mo manlang malasing bago ka mamatay." Sabi ni Emond dun sa napakaganda na kasama niya.
"Siraulo ka pinsan." Sabi nung babae at binatukan si Emond.
"Guys, eto nga pala ang pinsan ko. Pakilala ka naman pinsan!" Sabi ni Emond dun sa babae.
"Louise Francoise Salonga. Hi guys." Sabi ni Louise at ngumiti. Hindi siya sobrang maputi. Pero napakaganda ng mukha nya. Mas matangos ang ilong niya kesa dun sa nurse na nagbabantay kay Mimi. At hindi hamak na mas sexy si Louise lalo na sa suot niyang denim na super short shorts at cropped top. Mahaba ang reddish brown niyang buhok at napaka kinis niya. Shit. Boner.
"Hi ganda! Tabi ka nga sakin para mahawahan ako ng beauty mo!" Patili na sabi nung isang bakla.
"Sorry pero hindi ako nagiinom." Sabi ni Louise at nginitian kami.
"Aww, upo ka na lang kasama namin." Sabi ko at nginitian siya.
"Yun! First time magkagusto ni Cerberus!" Sabi ni Lance habang tumatawa.
"Tangina mo gago." Sabi ko at binato ng kropek si Lance.
"Pasok na ako sa loob Emond." Sabi ni Louise at kinawayan kami bago siya pumasok.
"She's such a hottie. Wooh!" Sabi ko at tumagay. "Tol, reto mo ako." Sabi ko at nginisihan siya
"Naku, bawal na tol." Sabi niya habang umiiling iling.
"Bakit? May bf na? Asawa nga naagaw eh yan pa kaya na gf at bf palang tss." Sabi ko.
"Tol, wag na pinsan ko iba na lang." Sabi niya habang inaabutan ko ng shotglass.
"Emond! Si Louise!" Natatarantang sigaw ng nanay ni Emond nagtatakbo naman si Emond na sinundan ko naman.
Umakyat kami ng secondfloor nila at dun ko nakita si Louise na umiiyak habang nakasalampak sa sahig na napapaligiran ng bubog.
"Insan! Okay ka lang ba? Uminom ka ba ng gamot mo?" Nagaalalang sabi ni Emond habang iniiwasan ang mga bubog at inaalalayan ang kanyang pinsan.
"Emond di ko maigalaw ang binti ko." Umiiyak na sabi ni Louise.
"Shh, ate gagaling ka din." Nadinig kong sabi ni Emond habang pinapasok sa isang kwarto si Louise. Naiwan ako dung nakatulala hanggang sa lumabas na si Emond.
BINABASA MO ANG
Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)
БоевикUNDER MAJOR REVISION AND EDITING Ito ang buhay ng isang tunay na Gangster. Nagsimula si Alexander Llegado sa pagiging isang gangster, small time drug dealer at kung ano ano pang raket. Ang tanging naiwan sa kanya ay ang 5 taong tinuturing niyang mga...