January 7 2016

494 40 8
                                    

January 7 2016

[Emirc]

"Kuya wake up! Wake up!" Sigaw ni Mimi.

"Ugh, bakit?" Tanong ko.

"Kuya! May pasok na ako diba! Promise mo sakin kahapon ikaw maghahatid sa akin. Si ate Louise na nga nagluto ng breakfast ko eh." Sabi niya at pinamewangan ako.

"Babangon na ako, wait mo ako sa sala." Sabi ko na agad namang sinunod ni Mimi.

Dahan dahan akong bumangon at pumunta ng CR para tignan ang sugat ko sa parteng bewang at mahabang sugat sa likod ko.

"Putapete." Sabi ko habang tinatanggal ang benda sa tiyan ko. Lilinisin ko kasi to. Naalala ko tuloy bigla yung rason bat ako napuruhan ng ganto.
------

December 29 2015

"Boss, pagmay nangyaring masama kay Emirc lalayasan kita!" Pagbabanta ni Queen kay Boss.

"Tigilan mo ako Queen!" Sabi ni Boss at tinitigan ng masama ang anak niya. "Maipanalo mo lang ang labang to ay isasabak na kita sa training bilang isang capo. Tandaan mo oras na matalo ka naman isa lang batas natin, Omerta." Sabi niya at tinitigan ako ng masama.

Umakyat na ako sa parang ring ng boxing, ang pagkakaiba ay may mga nakaharang dito na cage. Kung dati ay patayan lang sa Rap Battles ang nilalabanan ko ngayon ay umabot na ako sa Underground Battles na minsan ng nilabanan ni Bryle. Kabadong kabado ako kaya napahawak agad ako sa dagger ko.

"Ano ba naman yan! Baguhan nanaman?!" Sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa Mid 40's na. Mahaba ang balbas at may mahabang peklat sa pisngi. Napakagat ako sa labi ko. "Dinadaga ka na ba hijo?" Sabj ng lalaki at nginisihan ako. Inilabas niya ang isang improvised gun.

Putang ina. Nangatog ako bigla, nakagamit na ako ng ganung baril. Gawa lang siya sa basyo ng mga lumang baril na inassemble ulit at ang ginagamit na bala ay isang pakong binaluktot. Para pagbumaon ito sa laman ay hindi to agad matatanggal dahil kakawit ito ng parang hook.

"Come to daddy." May pangungutya niyang sabi.

Mabilis akong tumakbo at iniwasan ang una niyang putok. Kinabig ko ang kamay niya para mabitawan ang baril at nasugatan ko siya sa dibdib.

"Putang ina!" Sigaw niya at sinipa naman ako sa parte ng dibdib kaya nagpagulong gulong ako. "Unang beses akong masugatan ng isang bagito. Oras na para magseryoso." Sabi ng lalaki at inapakan ang dibdib ko at pinaputukan ako ng baril niya sa tyan ko.

Napasuka ako ng dugo. Pero hindi ako pwedeng mamatay dito, inipon ko lahat ng lakas ko para gumulong palayo at nagtagunpay naman ako. Pinulot ko ang dagger ko at tinarget ang ulo niya inihagis ko ito at isang malakas na mura ang nadinig ko sa mga manonood.

Nilapitan kong bangkay ng nakalaban ko at kinuha sa kamay neto ang baril.

"Baguhan pala tangina mo." Sabi ko at pinagbabaril siya.

"Unang panalo, Crime!" Sabi ng announcer.

"Sa kanya na ako laging pupusta."

"Sana si Hades naman makalaban niya."

"Ang cool niya."

"Nakatyamba lang."

"Kukuhanin ko siya bilang hitman."

Napangisi ako pero bigla kong naramdaman ang kirot ng nakabaon pang pako sa kaliwa kong tyan. Napalingon ako ng makita ko si Queen na may hawak hawak na kutsilyo. Napaatras ako at itinutok sa kanya ang baril.

Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon