January 27 2016

432 30 7
                                    

January 27 2016

11:30 pm Singaporean Time

[Clind]

Padapa akong nahiga sa bed dito sa Guest room sa Mansion ng mga Nolasco. Kakatapos lang kasi ng photoshoot namin, at tama nga si Kiara, model nila si Louise nakita ko kaso ang mga pictures na kuha kay Louise via email. Grabe, ang swerte ni Celjiko sa kanya. Nagonline ako sa FB Messenger at nagmessage kay Tanya.

Ako: Tanya, kakatapos lang ng photoshoot. Kamusta dyan?

Tanya: Nakipag gang war po si Bryle, Emirc at Celjiko sa Tondo. Eto nanenermon si Papa sa kanila. May tama kasi ng sumpak sa binti at likod tong si Bryle. Si Emirc naman may sugat sa mukha. Si Celjiko may saksak sa tagiliran.

Ako: Sino nakaaway nila?

Tanya: *seen*

Ako: Bastos na bata nangsi seen.

Tanya: Sorry po kuya, inalis ko lang po yung gaza sa mukha ni Emirc, nilinis ko kasi. Yung Chino daw po nakaaway nila.

Napakuyom ang kamao ko ng maalala si Chino at yung isa niyang katropa na hinampas ako ng dos por dos. Aba, 3 days injured ang kapogian ko.

Ako: Kamusta lagay ni Celjiko?

Tanya: Malandi, at boploks pa din po.

Ako: Masama nga pala siyang damo. Bunso, tulog na ako ha? Pakisabi kay Dada maguusap kami pagkauwi ko.

Tanya: Sige po kuya. Goodnight po.

Ipinikit ko na ang mga mata ko pero hindi ako makatulog. Ipinilig pilig ko ang ulo ko pero lagi kong naaalala yung nangyari kanina.
-------------
9:00 pm

"Goodevening Maam." Bati ko sa Lola ni Kiara habang bitbit ko ang mga luggage ni Kiara.

"Kiara apo, nobyo mo ba ito?" Sabi ng matanda at itinuro ako. Mukha naman kasi akong tao ngayon kasi suot ko ang mga bago kong bili na damit sa Cartimar.

"Mamita, siya po si Clind. Butler ko and bodyguard." Sabi ni Kiara at ngumiti.

"Yang gwapong yan? Butler mo lang? Aba apo, bigatin ang butler mo ha." Tumatawang sabi ng Lola ni Kiara. "Hijo, mga butlers na namin ang bahala diyan sumunod ka na samin." Sabi nung Lola ni Kiara sakin.

"Pe-pero Madame trabaho ko po to." Sabi ko.

"Matutong sumunod sa matanda." Kaswal na sabi ng lola ni Kiara na ikinapout ko.

Sumunod na ako sa kanila at napanganga ako sa sobrang ganda ng mansion nila Kiara. White and royal blue ang kulay ng kabuuan ng bahay sa loob. May mga statwa ng mga anghel sa loob at may nakita pa akong dalawang mukhang mamahaling pusa na natutulog sa sofa. Napatingin ako sa isang figurine at hinimas to, doon palang nalaman ko na na isa tong ivory tinuruan kasi ako ng mga kasama ko dati sa pier kung paano mo malalamn kung ivory ang isang statwa or figurine. Karaniwan inismugle lang ang mga ivory na napupunta sa pier ng Delpan. Sumunod ako sa kanila at talagang napapahanga ako ng mga gamit dito. Lahat mamahalin.

"Hijo maupo ka na." Sabi ng Lola ni Kiara sakin ng nasa sala na kami.

"Hindi po Madame. Tatayo na lang po ako, pangpatangkad din po to." Biro ko at ngumiti.

"Ako si Francheska Nolasco. Tawagin mo na lang ako Lola Iska." Sabi nung matanda sakin. "You looked so familiar Hijo, are you related with Louie Cruzado?" Tanong sakin nung matanda kaya lumaki ang mga mata kong chinito.

Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon