May 26 2016

310 24 4
                                    

May 26 2016

[Alex]

"Pasado ako! Pasado ako! 3rd year college na ako!" Tuwang tuwang sabi ni Clind at dinudutdot pa sa mukha ko ang resulta ng exam niya.

"Tss. Me too." Supladong sabi ni Bryle.

"Pasado din ako." Nakangiting sabi ni Celjiko. "My Loves! Pasado ako date tayo mamaya." Seryosong sabi ni Celjiko at nginitian si Kim.

"Ta-tayo? Magdedate?" Tanong ni Kim kay Celjiko.

"Oo, bakit ayaw mo?" Nakakunot noong tanong ni Jiko.

"Gusto." Mahinhin na sabi ni Kim.

"Good. Magbihis ka na My Loves." Sabi ni Celjiko at nginitian si Kim.

Nakakapanibago man pero mas maganda ng ganito silang dalawa kesa yung parang hangin sila sa mata ng isa't isa.

"Ikaw Kuya Alex nakapasa ka ba?" Tanong ni Clind.

"Oo naman. Ako pa ba?" Tumatawa kong sabi.

"Idol yan eh." Sabi ni Jiko at tumawa.

"Kuya Alex pupunta po ako sa lolo at lola ko ngayon. Alam niyo naman 19 years nila kaming hindi nakasama ni Queen." Sabi ni Clind.

"Buo na pamilya mo Clind tulad ng pangarap mo." Sabi ko at nginitian si Clind na ngayon ay inaayos ang gamit niya.

"Oo nga Kuya eh. Nga pala si Papá na ang magpapapaaral sa akin. Para hindi na ako dumagdag sa mga gastusin, dun na rin ako titira kuya sa pasukan." Sabi ni Clind sa akin na nagpatahimik sa aming lahat.

"Iiwan mo na kami tol?" Tanong ni Jiko at nagpout.

"Isang buwan lang ako dun tol." Sabi ni Clind.

"Iwanan na pala." Sabi ni Bryle at naglakad papaakyat sa second floor.

Naglakad din paakyat si Jiko kaya ako na lang at si Clind ang natira sa sala.

"Galit ba sila Kuya?" Tanong ni Clind sa akin.

"Hindi tol. Nagtatampo lang." Sabi ko at tumawa.

*ring*ring*

"Tol sagutin ko lang to." Sabi ko kay Clind tsaka ako lumabas ng bahay para sagutin ang tawag ni Mae. "Hello?" Sagot ko.

"Alex! Samahan mo naman ako sa mall mamimili kasi ako ng bagong damit eh." Sabi niya sa kabilang linya.

"Sige Mae, bihis lang ako saglit." Sabi ko, agad naman niyang binaba ang tawag. Minsan talaga bastos tong si Mae.

Pumasok ako ulit ng bahay at umakyat sa kwarto ko para magbihis.

"Clind aalis muna ako ha?" Paalam ko kay Clind matapos kong magbihis.

"Sige Kuya ingat po." Sagot niya.

Tinignan ko ang phone ko at nakita ko ang text ni Em sa akin.

"Tol nakita ko na tatay ko."
-----------------------------

[Emirc]

*boogsh*

"Em! Tama na!" Sigaw sa akin ni Queen at hinila ako palayo kay Reaper or should I say sa tatay ko.

"Bitawan mo ako Queen! Ayaw kong masaktan ka!" Bulyaw ko kaya agad niya akong binitawan. Sinuntok ko sa panga ang ama ko at napasuka siya ng dugo. Hindi siya ng lalaban sa akin. Steady lang siya at hinahayaan na bubugin ko siya.

Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon