4 am Disyembre 2, 2015
[Alex]
Nakapaloob sa jacket ko ang 500 gramo ng shabu. Mabilis akong naglalakad sa kahabaan ng Delpan Bridge patungo sa Gate 3. Nakatago naman sa isang bulsa ko ang balisong para may maipang laban ako oras na may humarang sa akin. Nilingon ko ang likod ko ng may maramdaman akong nakatingin sa akin. Maingat kong sinuri ang nasa paligid ko. Wala akong ibang nakita kundi ang mga poste ng ilaw at ilang mga pulubi na natutulog. Tinuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa dumaan ako sa eskinita patungong gate 3.
"Boss eto na po." Sabi ko at inabot sa isang lalaking naka itim rin na jacket ang shabu.
"Magaling, ikaw ba yung tinatawag nilang ZEUS?" Tanong niya sa akin habang nagbibilang ng perang ibabayad sa akin.
"Ako nga po yun." Sagot ko.
"Ikaw pala ang kapatid nung si Hades." Sabi nya at nginisian ako.
Kinilabutan ako dahil Hades ang codename ni Bryle sa Underground battle.
"Sobrang galing ng kapatid mo wala kang dapat ipagalala." Sabi niya sa akin bago ako tuluyang iniwan.
Naglakad na muna ako pauwi dahil sobra na akong nanghihina. Napaigtad na lang ako ng tawagin ako ng isang pamilyar na boses.
"Zeus!" Tawag sa akin ni Archie
"Oh, bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Tol, wag kang magugulat."
"Ano nga?!" Bulyaw ko. Ayaw ko sa lahat ay yung binibitin ako.
"Si Bryle."
Pagkadinig ko palang ng pangalan ni Bryle ay nagtatakbo na ako patungo sa lugar kung saan nagaganap ang underground battle. Sa rooftop ng tenement 2. Kahit ilang beses na ako nadapa ay di pa rin ako tumigil sa pagtakbo. Eto ang kinakatakot ko. Ang baka mapahamak siya sa pakikipagbattle.
Ang Underground Battle ay pinamamahalaan ni Bryan Lao. Ang pinakanotorius na drug pusher at Mafia "King" ng mafia na Black Mist. Wala siyang sinasanto. Kahit sino kaya niyang patayin. Ang purpose lang ng Underground Battle ay ang lumaban para sa premyo na 20k kada panalo. Yun lang yun, marami ng natalo si Bryle. Ang iba ay napatay pa niya pero ang kinakatakot ko ay baka siya naman ang mamatay dahil na rin sa sobrang bata pa niya. Hindi pa nya kaya ang mga iba niyang makakalaban.
"Bryle!" Tawag ko sa kanya ng makita kong isang Ex Convict ang kalaban niya. "Tama na Bryle! Tama na!" Sigaw ko. Nagpupumilit akong makadaan sa napakaraming guards pero hinihila nila ako palayo.
Sinugod ni Bryle yung lalaki at sinipa ang parteng paanan nito upang matumba. Gigilitan na sana ni Bryle sa leeg ang lalaki pero nasakal siya neto dahilan para mabitawan ni Bryle ang kutsilyo. Naiiyak na ako ng makitang hinang hina na siya.
"Oh ano! Nagkabaligtad na ba ang mundo?!" Tumatawang sabi nung lalaki.
"Tangina.Mo." sabi ni Bryle at idiniin ang hintuturo sa mata ng kalaban niya.
"Puta." Nasusuka kong sabi.
Sigaw ng sigaw yung lalaki hanggang sa pinulot ulit ni Bryle ang kutsilyo at ginilitan siya sa leeg.
Tuwang tuwa ang mga tao. Pero ako hinang hina na. Never ko inisip na ganito kabrutal ang buhay ng Underground Battle.
"Kuya." Dinig kong sabi ni Bryle kaya nagtatakbo akong lumapit sa kanya at niyakap. Nagcollapse naman siya habang nakayakap sa akin.
"Bryle gising! Gising! Putang ina niyong lahat! Papatayin ko kayo oras na may masamang mangyari sa kapatid ko! Putang ina niyo!" Di ko mapigilan ang hindi maglabas ng galit. Kanina si Mimi. Ngayon naman si Bryle. Putang shit.
"Pagod lang ang kapatid mo." Sabi ng isang malalim na boses mula sa isang sulok, nakita ko na papalapit siya sa amin hanggang tumambad sa akin ang kinatatakutan ng lahat.
"Bryan Lao." Binitawan ko muna si Bryle at kinwelyuhan ang lalaking nasa harapan ko. "Oras na may masamang mangyari sa kapatid ko kahit na nasa impyerno ka pa hahanapin kita para lang pahirapan." Sabi ko at patulak siyang binitawan.
"Masyado kang agresibo. Bakit di mo subukang lumaban dito?" Dinig kong sabi niya. "Eto ang 60k. Pinaghirapan yan ng kapatid mo " sabi niya sa akin at inabot ko naman ang nakasobreng pera. "Napakaganda ng mga laban niyang si Hades. Guards! Iligpit niyo na ang bangkay." Sabi ni Bryan Lao na yung nakalaban ni Bryle ang tinutukoy.
Binuhat ko si Bryle habang nakatago ang pera sa loob ng jacket ko. Takbo lakad ang ginawa ko pauwi habang nakasunod sa akin si Archie. Mahirap na baka nakawan ako. Pinaghirapan to ni Bryle kaya kailangan ko ingatan ang perang to.
----------------"Oh." Sabi ko habang inaabot jay Archie ang isang libo.
"Salamat Zeus! Pangweeds din to." Sabi niya at lumabas na ng bahay namin.
Hinimas ko ang buhok ni Bryle. Gusto ko tulungan lahat ng mga kapatid ko na maging masaya, na maibigay ang mga gusto nila. Pero wala eh sobrang napakahirap ng buhay namin.
*blagg!*
"Anak ng tinapa. Aba Emirc! Inaanay na yang pinto natin! Ingatan mo naman!" Sabi ko habang nakatalikod sa pinto dahil alam kong si Emirc lang ang padabog magbukas at magsara ng pinto.
"Ano nangyari?" Sabi niya ng makita si Bryle.
"Underground Battle."
"Dapat talaga kinakadena na yan dito eh!" Sabi niya sa akin habang dinudutdot ang pisngi ni Bryle.
"Papasok ka na?" Tanong ko kasi nakita kong maliligo na siya
"Yhup." Sabi niya.
"Tsk. Malelate ka na."
"Pinahiram naman ako ni Smugglaz ng sasakyan niya." Dinig kong sabi ni Emirc at nagbuhos na.
Napailing ako dahil napaka maparaan niya talaga.
------------------[Bryle]
Napabangon ako ng madinig ko ang paghilik ni Alexander. Pagod na pagod na siya. Tumayo ako at pumunta sa CR para maghilamos. May mga dugo pa sa damit ko na nakapagdala ng kilabot sa akin ng maalala ko ang 60k na kinita ko kanina.
"Alex alex!" Sigaw ko habang inaalog siya.
"Ugh." Sabi niya at nagkamot pa siya ng ulo.
"Yung pera ko?!" Pasigaw kong sabi.
"Andyan sa tyan ng teddy bear ni Mimi." Sabi niya at natulog ulit.
Binuksan ko tyan ng Teddy Bear ni Mimi at nakita ko ang pera na siniksik dun. Nakahinga na ako ng maluwag nun.
I was 14 when I started fighting at Underground Battles. I first won when I fought with an Ex Convict 3 years ago and I just won my 18th victory awhile ago.
Di ako dapat namumuhay ng ganto kahirap. I am the son of the deceased Angelo Mallari and Lady Lyn Ferriol. Namatay ang parents ko dahil sa isang aksidente na alam kong sinadya naman ng tiyuhin ko. As you see, my Uncle Keiffer Mallari is so envious of my Dad's success. So he planned of killing us.
Akala ko aampunin niya na talaga ako pero after my parent's funeral he left me like a fuckin cat at the Delpan's Port. Dun na ako nakita ni Kuya Alex, Em at Clind. Yhup, si Kuya Alex ang aming dakilang taga ampon.
"Alex, It's already 12 pm. I think we should better go now." Sabi ko habang nagbibihis.
Maliit lang bahay namin. Ang sala namin ang nagsisilbi na rin naming kwarto at kainan. May kusina rin naman kami. Nasa northeast naman ng bahay ang cr namin. Kasya naman kaming anim dito pero alam kong hindi namin to deserve.
Bumangon na si Kuya Alex at naghilamos ring tulad ko. Idol ko talaga siya dahil napaka tibay niya. Hindi ko katulad. Pati sa itsura idol ko din siya, nagpapula siya ng buhok kaya nagpakulay din ako. Wala eh, napakataas ng tingin ko sa kanya.
"Tara na?"
Tumango na ako at sumunod na sa kanya.
BINABASA MO ANG
Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)
AzioneUNDER MAJOR REVISION AND EDITING Ito ang buhay ng isang tunay na Gangster. Nagsimula si Alexander Llegado sa pagiging isang gangster, small time drug dealer at kung ano ano pang raket. Ang tanging naiwan sa kanya ay ang 5 taong tinuturing niyang mga...