Prologue

2.2K 100 33
                                    

Sept. 3, 1995

Humihingal na tumakbo ang isang dalaga sa kahabaan ng Delpan Bridge. Alas Dos na ng madaling araw ngunit buhay na buhay parin ang pamumuhay dito.

May mga nagbubukasang mga stalls ng pagkain, may mga adik na naglipana, mga prostitute na nagnenegosyo at mga nagiinuman.

Pero siya, kailangan niyang matakasan ang kanyang sariling ama alang alang sa kanyang anak. Putlang putla na ang dalaga at hinang hina na ang kanyang tuhod sa kakatakbo. Nagtago siya sa likod ng isang container van. Niyakap niya ang bata at hinalikan ito.

"Anak, mahal na mahal kita. Patawarin mo sana ako." Umiiyak na sabi ng Dalaga habang ipinapasok sa loob ng container van ang bata.

Tumakbo palayo ang dalaga ng madinig ang boses ng mga humahabol sa kanya.

"Ama, anak mo parin si Julia."

"Wala akong pakialam kung anak ko siya! Nagpabuntis siya sa isang Lao kailangan niyang mamatay! Kalaban natin ang mga Lao!" Sigaw ng lalaking nasa Singkwenta na ang edad.

Peroramas. Ang apelyido na iniingatan nila. Ang apelyido na siya mismo ay isinusuka niya.

"Pero ama, bigyan mo ng pagkakataon si Julia. Nakikiusap ako patawarin mo siya." Narinig ni Julia ang pagiyak ng kapatid niyang si Marlon.

"Tumahimik ka Marlon!" Sigaw ng kanilang ama.

Tumakbo siya palapit sa isang Crane ng makita niya ang isang pulang tuldok na nasa kanang dibdib niya. Napatingin siya sa itaas ng isang container van.

"A-ate." Naiiyak niyang sabi.

Her sister mouthed sorry.

-------------------------

Isang nakabibinging tunog ng baril ang gumising sa mga tao ng Parola. Kasabay noon ang sunod sunod na pagdating ng mga pulis.

Nanginginig na binuhat ni Ambet ang isang sanggol sa loob ng isang container van.

"Mahal, sa atin na lang siya." Sabi ng asawa netong si Guada.

"Ano gusto mong ipangalan?" Nakangiting tanong ni Ambet.

"Alexander. Yun ang gusto kong pangalan." Nakangiting sabi ni Guada.
--------------

Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon