Not part of Alex's Diary
January 11 2016
[Celjiko]
"Louise! Wag ka nga sobrang magpagod." Bawal ko kay Louise na kanina pa pabalik balik sa bump cars.
"Okay lang naman ako Heart." Sabi niya at niyakap ako. Inamoy ko ang buhok niya, napangiti ako dahil napaka lambing ni Louise. "Anong oras na?" Tanong niya sakin.
"1 pm na, tara maglunch tayo." Sabi ko at hinapit siya palapit sa akin. "Saan mo gusto?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm. Gusto ko sa mang inasal." Ngiting ngiti niyang sabi.
"Heart, walang Mang Inasal dito." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. "Naglilihi ka na ba?" Biro ko sa kanya.
"Lah, agad agad?" Tumatawa niyang sabi.
"Malay ko ba kung malakas ang mga spermy ko." Sabi ko na ikinangiti naman niya.
"Dun na lang tayo sa Cafe na yun." Sabi niya at hinila ako palapit dun.
"Kape? Bawal ka magkape." Sabi ko at tinitigan siya ng masama.
"Ugh, Heart naman hindi porket cafe ay puro kape na ang menu dun." Sabi niya sakin at kinurot pa ang pisngi ko.
"Okay." Sabi ko at nagpout.
"Ohayou Gozaimasu." Sabi ng isang babaeng naka maid costume. What the, anong lengwahe yan? Daig pa gangsta language ko.
"Maid Cafe to Heart." Sabi niya habang tumatawa.
"Nahalata mo bang umaariba nanaman kabobohan ko?" Tanong ko at nginitian siya.
"Yhup."
"Masters this is your seat." Sabi ng isang super cute na girl habang inaayos ang upuan namin.
"Wow, ang cute niya." Bulong ko pero napalakas ata dahil tinitigan ako ni Louise ng masama.
"Acai Berry Milk Tea, Tuna Pasta and sashimi ang sakin." Sabi ni Louise habang inaabot sakin ang menu.
"Taro milk tea, Beef Tonkatsu at sushi sakin." Sabi ko at sinulat naman nung waitress ang order namin.
"Chotto matte kudasai." Sabi nung waitress at nagbow samin.
"Wow, ang cool dito." Sabi ko.
"I know right? Ang sarap din ng foods dito." Sabi ni Louise sakin. "Tara selfie tayo wala pa pala tayong picture ng magkasama." Sabi ni Louise at inilabas ang phone niya. *click*click*click*click*
First picture namin ay nakaakbay ako sa kanya. Second picture namin ay nakatago ako sa likod niya. Third picture naman ay nakapout kami at sa 4th picture ay nakakiss ako sa kanya.
"Ang cute! Ititweet ko to." Sabi niya sa sarili niya.
Nakaharap sa wall ang pwesto namin kaya magkatabi kami ni Louise. First time ko siyang matitigan, napakaganda pala ng mga mata niya kahit magkaiba to ng kulay. Napangiti ako kasi hindi lang siya basta maganda magaling din siya sa fashion, gawaing bahay at napakatalino niya. Hinubad ko ang suot kong jacket at ipinatong sa exposed niyang likod. Nakasuot kasi siya ng cropped top, denim shorts at flat shoes. Take note yung cropped top niya ay litaw pa ang tiyan kaya kanina pa siya tinitignan ng mga manyak. (Manyak nga pala ako. I almost forgot.) Samantalang ako ay naka black polo shirt, red short pants, top sider at snapback na cap.
"Bakit mo ko pinapasuot neto?" Tanong niya sakin.
"Kanina ka pa minamanyak ng mga mukhang paa dito. Ako lang may karapatang manyakin ka okay?" Kaswal kong sabi.
BINABASA MO ANG
Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)
ActionUNDER MAJOR REVISION AND EDITING Ito ang buhay ng isang tunay na Gangster. Nagsimula si Alexander Llegado sa pagiging isang gangster, small time drug dealer at kung ano ano pang raket. Ang tanging naiwan sa kanya ay ang 5 taong tinuturing niyang mga...