January 3 2016
(Not part of Alex's diary. Story ng paghahanap ni Em at Queen)
[Queen]
"Dad? Where's our documents about human trafficking?" I asked my father habang humihigop ng mocha frappe ko.
"Sa basement anak, bakit?" Tanong niya sakin.
"Research." Maikli kong sabi at lumabas na ng office niya. Naglakad ako papunta sa elevator at sumakay na. Pinindot ko ang button na B3.
Adopted daughter ako ni Daddy. Since I was a child minulat na nila ako sa ganung katotohanan, but they never let me feel na ampon ako. Spoiled na spoiled ako ng gradparents ko since hinahanap nila si Kuya Ahrkin ko ang tunay na anak ni Daddy Bryan. Marumi dati ang sistema ng mga Lao, but they never ambushed a whole family kaya alam kong hindi sila ang pumatay sa family ni ate Louise.
*ting!*
Bumukas na ang elevator at naglakad ako papunta sa isang mahabang hall na puno ng mga folders, envelopes at kung ano anong tambak. Kahit papaano ay may signal naman kaya tinext ko si Emirc na naghahanap ako ng information kung nakasama sa human trafficking si Nathaniah Cruzado. Actually, I alreadg met Nathaniah's brother and father (they look identical), literal na nang laki ang mga mata nila ng makita ako. Well, I was alsi shocked ng makita ang childhood pictures ni Nathaniah cause I looked exactly like her.
*bzzt*bzzt*
Emirc: Text mo ako if may nahanap kang information. Pupunta pa ako sa gig ko, sasama ka?
Oh my Golly, kinilig ako isasama niya ako sa gig niya!
Me: Ge. Saan ba?
Tinignan ko muna yug shelves na nakalagay ay HT- Batch 15 year 2004-2005. Binuklat ko ang isang folder at nakita kong mula sa Don Bosco, Baseco, at ilang parte ng Tondo ang files na andun. Nasa sistema na kasi nila Daddy na maglagay ng ilang files and information about sa mga ibebenta nila. Iniisa isa ko ang bawat page. Puro random names ng mga batang lansangan, adik at mga may utang sa Lao ang andito. Napabuntong hininga ako, bakit nga ba ako nagpapakapagod para hanapin ang hindi ko naman kadugo?
Maybe because I dont want to see another family losing their loved ones.
*bzzt*bzzt*
Emirc: B-Side, 10:00 pm See ya.
"Kyaaahhhh!" Nagtatalon ako sa tuwa habang akap akap ang phone ko. Grabe di ko akalaing makakaclose ko ang idol ko. Technically, kasama ako ni Daddy nun ng pumunta siya sa B-Side about 2 years ago, siya kasi mismong nagabot ng Opium at Heroina kay Kuya Aric. 13 palang ako nun and 18 na si Emirc, unang laban niya sa Fliptop.
-------Sept 12 2013
"Seriously dad? Suki mo yang mga jejemon na yan?" Sabi ko at umirap pa.
"Oo Queen, di mo alam kung gaano kayayaman yang mga tinatawag mong Jejemon. Heroina and opium is worth a great fortune." Sabi ni Daddy habang buhat buhat ang isang attache case ng mga pinagbabawal na gamot. Kasunod namin ang sampu naming bodyguard. Sa backstage kami dumaan kaya di kami nakipag gitgitan sa mga tao pero dinig na dinig parin ang nagrarap dun sa stage.
"Ikalawang dalawang minuto kay Crime, Ahon 2." Sabi nung payat na adik. Kasabay nun ang hiyawan ng mga nanonood.
"Anong sinasabi mong porke't baguhan ako mahina na? Eh putang ina mo pala eh ang tagal mo na dito sa liga wala ka paring panalo!" Sigaw nung lalaki. Sumungaw ako sa stage at nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Unlike sa mga ibang rapper hindi nakakairita ang porma niya, Polo shirt, pantalon at snapback na sumbrero lang ang porma niya. "Mukha palang talo na kahit sino kalaban! Sobrang panget mapapamura ka kahit di mo tawaran! Sobrang panget pagsinuntok mo sa mukha panget parin kahit di mo tamaan!" Sabi niya at kasabay nun ang tawanan ng mga nanonood.
BINABASA MO ANG
Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)
ActionUNDER MAJOR REVISION AND EDITING Ito ang buhay ng isang tunay na Gangster. Nagsimula si Alexander Llegado sa pagiging isang gangster, small time drug dealer at kung ano ano pang raket. Ang tanging naiwan sa kanya ay ang 5 taong tinuturing niyang mga...