December 16 2015

655 62 19
                                    

Disyembre 16 2015

[Alex]

Andito ako sa tapat ng Andrade Group of Companies. Napakalaki ng building, kulay gray ang kabuuan nito at napakaraming floors. Marahan kong hinimas yung polo ko para maging deretcho ang damit ko. Papasok na ako ng building ng harangin ako ng guard.

"Sir, ano po appointment mo?" Tanong ng guard.

"Job jnterview po." Sabi ko at pinakita yung Resume ko.

"Dun ka na lang sa receiving area." Sabi nung guard.

Naglakad ako patungon receiving area. Pinagawa ko pa sa Recto tong resume ko para lang mawala ang police records ko. May kasama pa akong mga nagaapply as Secretary. Inilabas ko ang phone kong MyPhone Q19I Duo para lang maitext si Mimi kung okay lang siya. Nagtatype na ako ng madinig ko ang pagtawa ng isang lalaki.

"Hoy ikaw, ano inaapply mo?" Tanong niya sakin.

"Janitor." Simple kong sagot.

"Di ka nakapagtapos no? Halata naman kasi sa itsura mo." Sabi niya at nginisihan ako.

"Ano ba natapos mo?" Sabi ko at tinitigan siya ng matalim ang famous gangster look ko.

"Business Administration sa University of The Philippines." Sabi niya na taas noo pa.

"Tsk. Daig pa kita. Sa susunod umasta kang mas edukado." Sabi ko at nginisihan siya.

Natatawa naman yung iba pa naming kasama sa pangbabara ko sa kanya. Ang yabang kasi masyado. Nasa isang oras na akong naghihintay, nakaramdam na ako ng 'Call of Nature' kaya naghanap na ako ng Cr. Sa left wing ang cr, nasa right wing ako kaya kailangan kong daanan ang main lobby. Palagapas na ako ng main lobby ng makita ko ang picture ng CEO ng Andrade Group of Companies.

Sobra niyang ganda. Mukha siyang wala sa late 30s. Una kong napansin ang mga mata niya. Mga mata niya na katulad ng akin.

"Morticia Andrade." Pabulong kong sabi.

Napakunot noo ako ng makita ko ang kwintas na suot niya sa portait. Ilalabas ko na sana kwintas ko ng may magsalita sa likod ko.

"Isang magaling na painter sa France ang gumawa ng portrait kong yan." Sabi ng isang babae nilingon ko ito at nagitla na lang ako ng marealize kong ang CEO yun ng Andrade Group of Companies.

"Maam Morticia." Sabi ko at yumukod tanda ng paggalang.

"Secretary ba hijo ang iniaapply mo?" Tanong niya sakin.

"Ja-janitor po." Sabi ko na hiyang hiya.

"Ang gwapo mo namang janitor." Sabi niya at tumawa.

"Highschool graduate lang po ako Maam." Sabi ko.

"Ganun, ano pangalan mo Hijo?" Tanong niya sa akin.

"Alexander Llegado po." Sabi ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at nakita ko ang pagluluha ng mata niya.

"Kasing edaran mo lang ang anak ko. Sayang lang at iniwanan ko siya." Sabi niya habang umiiling. "Nga pala, mukha ka namang mabait na bata, halika sumama ka sakin sa opisina ko." Sabi niya at ngumiti sakin.

Sana naman tanggapin niya ako kahit PA niya.

[Emirc]

Fuck shit ang Hematology. Grabe naiiyak na ako habang nagrereview para sa long quiz namin mamaya. May laban pa ako sa susunod na buwan kay Fongger. Di ko na alam kung paano ko babalansehin ang trabaho ko, pagrarap, at pagaaral. Uminom ako ng kape habang nandito sa library. Kaclose ko na kasi ang librarian dito dahil tinutulungan ko siya sa pagaayos ng mga Archives dito. Napadako ang tingin ko sa isang babaeng tumatalon para abutin ang nasa 4th row na mga libro sa tingin ko saktong 5 feet lang siya. Aliw na aliw ako sa panonood sa kanya ng tignan niya ako ng nakakunot noo. Iniwasan ko na lang siya ng tingin.

Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon