This chapter is not a part of Alex's Diary
December 29 2015
[Bryan Lao]
"Nakita niyo na ba ang anak ko?" Tanong ko sa dalawang imbestigador na kaharap ko pero tanging iling lang ang sagot nila. "Mga walang silbi! Binabayaran ko kayo para hanapin ang anak ko hindi tumunganga! Aba! Bente anyos na siya ngayon! Dalawampung taon niyo na siyang hinahanap pero niyo parin makita?! Sagad sagaran na ba ang kabobohan niyo?! Putang ina niyo! Lumayas kayo sa harapan ko
kung gusto niyo pa mabuhay!" Sigaw ko at ikinasa ang baril ko."Daddy, kalma ka lang po." Sabi ng anak anakan ko na si Queen.
"Anak, hindi ko mahanap ang tunay kong anak na si Ahrkin. Paano ako kakalma? Malamang hinaharangan ng mga Peroramas ang mga impormasyon tungkol sa anak ko." Sabi ko at napahawak sa sentido ko.
"Daddy, tutulong po ako sa paghahanap. Tutal po may kaibigan ako na naghahanap rin ng nawawalang kapatid. I guess I can get some help." Sabi ng anak kong si Queen habang minamasahe ang likod ko.
Napulot ko si Queen ng personal kong hinahanap ang anak kong si Ahrkin. Nawawala siya, sinubukan ko siyang isauli sa kanyang mga magulang pero di niya alam ang apelyido niya kaya hindi ko na siya naibalik pa. Dahil sa pangungulila ko sa anak ko na ipinagkait sa akin ng sarili kong nobya ay kinupkop ko na siya. Pinalitan ako ang pangalan niya pero hindi ko binago ang nagiisang bagay na naaalala niya. Ang pangalan niyang Nathaniah.
"Salamat anak. You never failed to make me proud." Sabi ko kay Queen. As of now ay kinse anyos pa lang si Queen, at kahit hindi ko siya tunay na anak ay ayaw kong may mga lalaking umaaligid sa kanya.
"Daddy, ano itsura ng naging nobya mo galing sa Peroramas Clan?" Tanong niya sa akin at umupo sa kanyang pink swivel chair na nasa harap ko.
"Napaka ganda niya anak." Yun ang tangi kong nasabi.
"Dad, bakit ayaw mong ihinto ang Underground Battles?" Tanong sa akin ni Queen.
"Anak, eto lang ang tanging paraan para maibigay ko ang luho mo. At magiging luho ng kuya Ahrkin mo." Maikli kong paliwanag.
"Ganun. Okay lang naman na maghirap tayo dad eh." Sabi niya at nagpout. "As long as masaya tayo." Sabi niya.
"Queen, bago pa man isilang ang mga magulang ko ay eto ng mafia ang tangi naming buhay. Eto ang legacy ng angkan natin since 1800's okay? At ipagpapatuloy natin to. Kaya anak lumabas ka na muna, kailangan kong kausapin si Mr.Arizala." Pagtataboy ko kay Queen.
"Bye dad!" Masaya pa niyang sabi bago lumabas ng office ko.
Pumasok sa loob ng opisina ko ang matagal ko ng kaibigan na si Anthony Arizala. Professor siya dati sa St. Euphemia Elite Academy kaso pinaalis dahil nabuntis niya ang isa niyang estudyante.
"Kamusta ang imbestigasyon mo sa loob ng Mafia ng Andrade at Peroramas?" Tanong ko habang magkasalikop ang dalawa kong kamay.
"Masama, Ang Salonga at Matsumoto Clan ay umaanib sa Andrade at hindi lang yun, sa atin nila sinisisi ang pagkamatay ng ilan sa kanilang mga kamag anak. For Fuck's sake! Ano bang problema ng Andrade at Peroramas sa atin! Hindi lang yun, hinaharangan nila ang impormasyon tungkol sa anak mo na si Ahrkin pati na rin sa anak ko na si Emirc! I'm going crazy about this shit. Kailangan na natin malaman kung sino ang Boss ng mga Andrade." Sabi ni Anthony habang nakakuyom ng kamao. Matagal na siyang galit sa mga Peroramas, wala lang siyang magawa dahil di hamak na isa lang siyang Professor dati.
BINABASA MO ANG
Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)
ActionUNDER MAJOR REVISION AND EDITING Ito ang buhay ng isang tunay na Gangster. Nagsimula si Alexander Llegado sa pagiging isang gangster, small time drug dealer at kung ano ano pang raket. Ang tanging naiwan sa kanya ay ang 5 taong tinuturing niyang mga...