May 5 2007,
Patakbong lumapit si Alex sa kanyang ina na naghihingalo. Tulo ng tulo ang luha niya habang hawak ang kamay ng babaeng nagpalaki sa kanya.
"A-anak. Nasan ang tatay mo?" Nanghihina na sabi ni Guada.
"Nay, ayaw palabasin ng kulungan si Tatay." Umiiyak na sabi ni Alex ng maalala ang ama na nakulong sa maling bintang.
"Anak, wag ka na umiyak. Naiintindihan ko kung di man makarating ang iyong Tatay." Sabi ni Guada habang hinihimas ang pisngi ng anak. "Anak, para sayo ang notebook na yan. Dyan mo ilabas lahat ng sama ng loob mo. Magkwento ka sa notebook na yan na parang ako ang kausap mo." Nahihirapang sabi ni Guada.
"Nay naman eh! Idadala kita sa ospital. Tatawag lang ako ng tulong." Nagmamadaling maglakad si Alex pero hinila siya ng kanyang ina.
"Wag na anak, dito ka lang." Sabi ni Guada.
"Nay, mahal na mahal kita." Sabi ni Alex at idinantay ang ulo sa dibdib ng kanyang Ina.
"Mahal na mahal din kita anak. Maging mabuti kang tao. Naintindihan mo ba yun? Wag na wag kang papatay. Wag kang gumaya sa mga tiyuhin mo. Ingatan mo rin ang kwintas na suot mo simula nung sanggol ka pa lamang." Sabi ni Guada na kahit hirap ng magsalita ay tuloy pa din.
Tango lang ang naisagot ni Alex. Hanggang sa hindi na muling nagsalita ang kanyang ina.
[Alex]
(Ika-Una ng Disyembre 2015)
Nakamasid ako sa mga tropa ko na ngayon ay nakikipag away sa mga taga gate 28 ng Parola. Mamaya na ako sasabak pagnakita kong di na nila kaya.
*blaagg*
Hinampas ng isang kaaway namin ang kaibigan ko na si Clind gamit ang isang dos por dos sa likod. Binaligtad ko na ang aking Snapback at mabalis na sinapak sa panga ang gagong nagpabagsak kay Clind.
"Boss!" Nanglaki ang mata ni Celjiko ng makita nyang nakatiim bagang na ako.
Ayoko ng dinadaya kami. Ang usapan sa Gang War namin ngayon ay di kami gagamit ng Armas. Tsk. Gaguhan pala gusto nila.
Kinuha ko dun sa lalaking may hawak ng Dos Por Dos ang kahoy at sa kanya ko to inihampas. Lahat sila napatingin sa akin. Alam nila na pagako na ang nagalit wala akong sinasanto. Humakbang paatras ang Leader nila na si Chino. Dun na ako napangisi.
"Anong usapan natin." Seryoso kong sabi habang nakatingin ng masama.
"Wa-wag gagamitin ng kahit anong armas. Fist to Fist lang." Nangatal pang sabi ni Chino.
"Oh, anong ginawa niyo?!" Bulyaw ko dahilan para mapaigtad sila. "Hindi kayo marunong sumunod sa usapan eh!" Sabi ko papalapit dun kay Chino. "Tumakbo na kayo." Bulong ko kay Chino kaya nagtatakbo siya palabas ng eskinita, agad naman sumunod mga kasama niya.
"Clind, okay ka lang ba?" Tanong ni Emirc kay Clind habang inaalalayan siyang tumayo.
"Fuck, Fuck. Ang sakit ng likod ko." Naiiyak na sabi ni Clind kahit kelan talaga iyakin tong negrong to.
"Tss. Stop your gay shits Clind." Pairap na sabi ni Bryle habang pinupunasan ang iilang dugo sa gilid ng labi niya.
"Wag mo kong inglishin hayop to." Sabi ni Clind na ikinatawa ko na lang dahil hindi gaanong nakakaintindi ng english si Clind manang mana sa Tatay niya.
BINABASA MO ANG
Diary ng Gangster (The Gangster's Series #1)
AcciónUNDER MAJOR REVISION AND EDITING Ito ang buhay ng isang tunay na Gangster. Nagsimula si Alexander Llegado sa pagiging isang gangster, small time drug dealer at kung ano ano pang raket. Ang tanging naiwan sa kanya ay ang 5 taong tinuturing niyang mga...