Chapter 1

634 16 4
                                    

YURI'S POV

Matagal na kaming mag bestfriend as in sobrang tagal na para ngang naka destined kami na maging mag bestfriend eh pero hanggang bestfriend lang ba talaga ang tingin niya sakin? Ako kasi higit pa sa bestfriend ang tingin ko sakanya. Gusto ko siya...hindi...mahal ko siya...mahal ko siya matagal na pero di ko masabi sakanya kasi ayokong masira ang friendship namin na inalagaan namin ng halos 10 years.

Habang nagmumuni muni ako ay bigla nalang akong nakarinig ng sigaw mula sa labas ng kwarto ko.

"Kwon Yuri!" sigaw ni Mama. Dali dali akong lumabas para tignan kung anong nangyayari sakanya.

"Mama. Bakit anong nangyari sayo?" alalang tanong ko kay mama.

"Wala naman. May naghahanap lang sayo." sagot ni mama. Napatingin ako sa labas kung nasan ang noodle shop namin at doon nakita ko ang pinaka makulit kong bestfriend na si Yoona inaasikaso ang mga customer namin.

Dahan dahan akong naglakad palapit sakanya at kitang kita ko na nag eenjoy siya sa ginagawa niya.

"Goodmorning po. Ano po order niyo?" tanong niya sa isang grupo ng mga may edad na babae.

"Yung dati nalang iha." sagot nung nasa tabi niya.

"Naku ayaw niyo po bang dagdagan ng tofu yung order niyo? Masarap po ang tofu dito. The best tofu in the world!" nakangiting sabi ni Yoona habang nakataas ang dalawang kamay niya sa ere. Napangiti naman ako sa ginawa niya maging ang mga matatanda napangiti.

"O sige iha. Dagdagan mo na ng tofu." nakangiting sabi nung matandang nasa tabi niya. Mas lalo namang napangiti si Yoona.

"Naku hinding hindi po kayo magsisisi. Masarap talaga tofu nila dito promise. Kapag hindi po masarap iinumin ko po yung sabaw ng pinaka maanghang na noodle nila dito." ngiting ngiti na sabi ni Yoona habang nililista ang order nila. Naramdaman ko nmang may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako sa likod ko.

"Buti pa yang bestfriend mo ang agang gumising para lang tumulong dito." sabi ni mama.

"Naku ma makikikain lang ng libreng noodles dito yan." sabi ko naman tsaka lumapit kay papa na nagluluto ng noodles.

"Goodmorning pa." bati ko sakanya. Tumingin naman siya sakin at ngumiti. Bumalik naman si Yoona sa pwesto ni papa tsaka nagbigay ng bagong order. "Aga aga nandito ka na naman." sabi ko sakanya. Medyo nagulat naman siya nung makita niya ako.

"Goodmorning best! Ganun talaga alam mo naman malakas sina mama at papa sakin." nakangiting sabi niya sakin. Napailing naman ako sa sinabi niya.

"Mama at papa ka diyan bakit anak kaba nila? Kapatid ba kita?" biro ko naman sakanya. Tinignan lang niya ako ng masama tsaka nagsumbong kay Papa.

"Papa oh. Inaaway niya ako." sumbong ni Yoona. Tumingin naman si Papa sakin.

"Ikaw talagawa Yuri. Tulungan mo na nga lang siya dun at kumuha ka ng mga order. Buti pa si Yoona ang agang gumigising para lang tumulong dito kahit di namin sabihin." sabi ni Papa tsaka bumalik sa pagluluto ng noodles. Binelatan naman ako ni Yoona.

"Aga aga pinagkakampihan niyo na naman ako." sabi ko naman tsaka kumuha ng papel at ballpen at tinulungan si Yoona na kumuha ng mga order.

By the way ako nga pala si Kwon Yuri simple lang ang buhay ko. May ari kami ng isang noodles shop ang "Kwon Noodles" sabi nila ang shop daw namin ang nagtitindan ng pinaka masarap na noodles sa buong Korea. Panong hindi sasarap ang noodles namin eh si Papa mismo ang gumagawa ng noodles ng shop namin tapos punong puno pa ng pagmamahal. Sa likod ng shop namin at makikita niyo ang simpleng bahay namin kung saan kami nagbabonding nila Papa well sige sabihin na nating pati si Yoona ang bestfriend ko. Parang anak na kasi ang turing nila sakanya lagi ba namang nandito yun at nakikikain.

Anak si Yoona ng isang kilalang business tycoon sa buong Korea ang Mommy naman niya ay isang sikat na theater actress. Hindi tulad ni Yoona hindi ako close sa parents although tanggap naman nila ako bilang bestfriend ng anak nila. Bihira lang ako makapunta o makapasok sa bahay nila kasi madalas si Yoona ang pumupunta samin tapos minsan nakikitulog lalo na kung sobrang busy ang parents niya kaya naman parang anak na ang turing nila Mama at Papa sakanya.

Natapos ang buong araw ng shop at eto kami ngayon ni Papa kasama si Yoona naglilinis ng shop.

"Oh tama na muna yan. Kain muna tayo." yaya ni Mama habang bitbit ang pagkain na hinanda niya.

"Wow! Yung favorite ko tofu!" excited na sabi ni Yoona tsaka agad na umupo sa mesa kung saan nilapag ni Mama ang mga pagkain. "Mama tulungan na kita." sabi ni Yoona tsaka kinuha ang bitbit ni Mama.

"Sus! Yan lang naman habol mo dito eh." biro ko naman habang papalapit sa pwesto niya.

"Uy! Hindi ah siyempre gusto ko ding makatulong kina Mama at Papa dito sa shop." sabi naman ni Yoona habang inaayos ang mga pagkain namin sa mga pwesto nito.

"Aba. Memorize mo na kung saan naka pwesto ang mga pagkain ah." sabi ni Mama habang nakangiti.

Kumain na kami ng hapunan at gaya ng dati ay napuno ito ng tawanan at asaran sa pagitan namin ni Yoona at siyempre as usual wala akong kakampi. Yung totoo si Yoona ba anak nila o ako? Haha.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kami ni Yoona na kami nalang ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Habang naghuhugas kami ay nag usap kami.

"Best. Full Scholar ka sa SHIDAE UNIVERSITY diba. Naka enroll kana ba?" tanong niya sakin habang nagbabanlaw siya ng mga plato.

Oo best. Sila na nag enroll sakin. Ikaw naka enroll ka na?" tanong ko sakanya. Tumango lang naman siya. Pagkatapos naming maghugas ng mga plato ay sakto naman ang dating ng driver niya.

"Mam Yoona. Hinahanap kana po ng Mommy at Daddy mo." sabi ni Kuya Heechul.

"Sige kuya kunin ko lang gamit ko." sabi naman ni Yoona tsaka pumasok sa loob ng bahay para kunin ang gamit niya.

Habang nasa loob si Yoona ay lumapit naman si Kuya Heechul sakin.

"Ano ng balita sainyo?" tanong niya sakin habang nakabulsa ang dalawang kamay niya. Napatingin naman ako sakanya.

"Ha? Anong pinagsasabi mo kuya?" balik na tanong ko sakanya kahit na alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Sumandal si Kuya Heechul sa side ng isa sa mga mesa ng shop.

"Kung ako sayo aminin mo na yang tunay mong nararamdaman para sakanya baka maunahan kapa ng iba. Ikaw din." sabi ni Kuya Heechul. Magsasalita pa sana ako nang biglang lumabas si Yoona.

"Tara na Kuya." yaya ni Yoona kay Kuya Heechul. Nauna namang lumabas si Kuya Heechul. Napatingin naman si Yoona sakin. "Ano na naman sinabi niya sayo? Inasar ka na naman niya no. Yaan mo lang siya. Goodnight. Pakisabi kina mama nauna na ako ha. Bye bestfriend!" pagpapaalam niya sakin habang nakangiti at kumakaway. Para naman akong naistatwa nung makita ko siyang nakangiti.

Nang makaalis sila ay napaisip ako sa sinabi ni Kuya Heechul. "Sasabihin ko na ba? Handa na ba ako sa mga pwedeng magbago?" tanong ko sa sarili ko hindi napansin na umaapaw na pala ang lababo namin. "Ay sh*t!" sabi ko tsaka pinatay ang gripo at kinuha ang map.

Mahal kita Yoona higit pa sa kaibigan. Mahal na mahal kita.



A/N

This is my YoonYul story guys sana po suportahan at magustuhan niyo din tulad ng "Eternal Love." :) :) :)

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon