Chapter 30

165 10 0
                                    

(A/N Lets fastforward abit medyo mabagal takbo ng kwento eh)

*Summer Vacation*

YURI'S POV

They say it feels great to have a bestfriend. There's someone who will protect you. There's someone who will make you happy. But are you willing to risk the friendship in exchange for love that you've always dreamed of.

"Aga aga. Nagdadrama ka na naman Yuri." sabi ko sa sarili ko. 7 months... 7 ng nanliligaw si Luhan kay Yoona and so far mas nakikilala na daw nila ang isa't isa sabi ni Luhan sakin. "Buti pa si Taeyeon." sabi ko sa sarili ko. "Kung umamin na din kaya ako kay Yoona?" tanong ko sa sarili ko tsaka dumapa. Nakita ko na naman yung picture namin ni Yoona nung bata pa kami. Naalala ko bigla yung scrapbook kaya nilabas ko na naman ito. "Kamusta ka? Wag kang mag alala kahit hindi maging kami ni Yoona tatapusin parin kita at ibibigay sakanya." sabi ko habang nakatingin sa scrapbook na ginagawa ko. Konti nalang matatapos ko na siya. Binuksan ko yung scrapbook sa bandang gitna kung nasan yung mga memory namin bago dumating si Luhan sa eksena. Nakit ko yung susunod na date pero wala pang mga pictures... "May 30." basa ko dito tsaka napangiti. "Yung bracelete." bigla kong sabi tsaka hinanap yung bracelete na binili ko. Sh*t! Nawawala na yata. "Nasan kana ba?" tanong ko sa sarili ko habang naghahanap sa ilalim ng kama ko. Hanggang sa may nakita ako naka supot sa bandang sulok. "Ayun!" sabi ko tsaka inabot yung plastic. Agad ko itong binuksan para tignan yung bracelete. "Dont worry mabibigay na kita 1 week nalang." sabi ko habang hawak ko yung bracelete at nakangiti.

"Kwon Yuri!" sigaw naman ni Mama mula sa shop. Ayan na naman po siya. "Pinsan mo nandito!" sigaw ulit ni Mama. Binalik ko naman yung bracelete sa kahon nito tapos plinastic ulit tsaka nilagay sa drawer ko. "Yah! Kwon Yuri!" sigaw ulit ni Mama.

"Opo! Nandiyan na po!" sigaw ko naman tsaka nagmadaling pumunta sa shop. Agad kong nakita si Luhan sa bukanan ng shop namin muka siyang malungkot. "Luhan!" tawag ko. Lumingon naman siya pero malungkot talaga ang itsura niya. Lumapit ako sakanya tsaka umakbay. "May problema ba?" tanong ko sakanya. Tumango naman siya. "Ano? Sabihin mo sakin. Baka matulungan kita." sabi ko naman.

"We're going back to China dude." sabi niya sabay yuko. Babalik na sila sa China? Pano na si Yoona?

"Pano panliligaw mo?" tanong ko sakanya.

"Tutuloy ko pa din." sagot naman niya. Tumango nalang ako kahit di siya nakatingin sakin. "Dude may favor sana ako sayo." sabi pa ni Luhan. Napatingin ulit ako sakanya. Tumingi siya sakin at kitang kita ko na seryoso siya. "Habang wala ako. Please bantayan mo muna si Yoona para sakin." seryosong sabi niya. Ngumiti at tumango naman ako sakanya.

"Di mo kailangang sabihin sakin yan dahil simula pa noon ginagawa ko na yan." sabi ko naman sa sarili ko habang nakatingin kay Luhan. Ngumiti naman si Luhan sakin.

"Salamat dude. Hmmm... Sige yun lang pinunta ko dito. Uwi na ako. Mag aayos pa ako ng mga gamit ko." sabi naman niya. Tumango nalang ako at ngumiti. Pagka alis ni Luhan ay siya namang dating ni Taeyeon kasama yung dalawang alipores niyang kapre at dwende hahaha si Sunny at Sooyoung po yun.

"Si Luhan yun?" tanong ni Taeyeon pagkababa niya ng kotse niya. Tumango naman ako.

"Bakit nandito ka? May kasama ka pang kapre at dwende." sabi ko naman. Napatingin naman sakin sina Sooyoung na kakababa lang ng kotse ni Taeyeon.

"Nakita ko lang sila sa daan." sabi naman ni Taeyeon.

"Pagala talaga kayong dalawa." sabi ko naman kay Sooyoung at Sunny. Napatingin naman ulit ako kay Taeyeon. "Ano sadya niyo?" tanong ko sakanya.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon