Chapter 3

230 14 3
                                    

AUTHOR'S POV

First day of classes nila Yuri kaya naman maaga siyang nagising pero hindi dahil maaga ang pasok nila kundi dahil sa ingay sa noodle shop nila. Tamad na tamad na bumangon si Yuri mula sa higaan niya tsaka naglakad papunta sa shop nila.

"Uy Yats. Ang aga aga nandito ka na naman. Goodmorning Ma... Pa." sabi ni Yuri habang nag iinat at humihikab. Nang hindi sumagot yung kausap niya ay napatingin siya dito pero hindi muka ni Yoona ang nakita niya kundi ang muka ng pinsan niyang si Luhan na nakangiti sakanya. "L-luhan?" takang tanong niya. Nakangiti lang naman si Luhan sakanya.

"Goodmorning dude." nakangiting bati ni Luhan sakanya. Nakatulala naman si Yuri sakanya. "Oh ano? Ganyan na lang?" nakangiti paring sabi ni Luhan. Tumakbo palapit si Yuri sa pinsan niya at tumama pa ang tagiliran niya sa gilid ng isa sa mesa kaya naman natawa ang Mama, Papa at ang Pinsan niya. "Oh. Dahan dahan lang dude." natatawang sabi ni Luhan. Nag bro hug ang dalawa tsaka sila umupo sa upua sa shop nila Yuri.

"Kamusta kana dude? Akala ko nasa China ka?" nakangiting bati ni Yuri.

"Yeah I was." sagot naman ni Luhan.

"So dito kana ba ulit? Hindi kana babalik sa China?" sunod sunod na tanong ni Yuri. Umiling naman si Luhan.

"No dude. Vacation lang ako for 3 months dito. Dito kasi naka assign si Daddy ngayon eh." sagot naman ni Luhan. Tumango naman si Yuri. Habang nag uusap ang mag pinsan ay nag hahanda naman ang parents ni Yuri para sa pagbubukas ng noodle shop nila.

"Anak diba first day of classes niyo ngayon?" tanong ng mama ni Yuri. Napatingin naman siya sa mama niya.

"Oh sh*t! Oo nga pala!" sabi naman ni Yuri tsaka ito nagmadaling bumalik sa loob ng bahay nila. "Dude diyan ka lang ha! Maliligo at magbibihis lang ako." sabi ni Yuri habang nagmamadaling bumaliksa bahay nila.

Habang naghihintay si Luhan ay dumating naman si Yoona para sunduin si Yuri.

"Goodmorning pa. Goodmorning ma." bati niya sa parents ni Yuri tsaka ito nagbeso sakanila. Napatingin naman si Luhan sakanya at parang nag slow motion ang paligid ni Luhan nang makita niya si Yoona. Agad siyang tumayo tsaka lumapit kay Yoona na kausap ang parents ni Yuri sa counter. "Naku yang si Yuling talaga hindi na nagbago." sabi ni Yoona habang umiiling iling. Nang makalapit si Luhan ay agad itong nagpa kilala kay Yoona.

"Hi." bati ni Luhan habang nakangiti kay Yoona. Si Yoona naman ay tinignan lang siya. "Im Luhan." pakilala ni Luhan pero tinignan lang siya ulit ni Yoona. "You are?" tanong ni Luhan habang nakangiti parin sakanya.

"Yoona." sagot naman ni Yoona tsaka humarap ulit sa parents ni Yuri. "Mama. Anong oras matatapos maligo si Yuling?" tanong ni Yoona sa Mama ni Yuri.

"Mama?" takang tanong ni Luhan. Napatingin ulit si Yoona sakanya.

"Can you please scoot away?" pagtataray ni Yoona. Ngumiti lang naman si Luhan.

"Taray mo naman." nakangiting sabi ni Luhan. Napataas naman ang kilay ni Yoona magsasalita sana siya nang biglang nagsalita si Yuri.

"Yats!" nakangiting tawag ni Yuri kay Yoona. Napalingon naman si Yoona at Luhan sakanya. Nagmadaling lumapit si Yuri sakanila. "Goodmorning." nakangiting bati ni Yuri kay Yoona.

"Yats?" takang tanong ni Luhan. Napatingin naman si Yuri sakanya.

"Ay dude siya nga pala si Yoona bestfriend ko. Yoona si Luhan pala pinsan ko." pakilala ni Yuri. Nagkatinginan naman ang dalawa.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon