Chapter 16

156 10 0
                                    

Continuation...

Nandito kami ngayon ni Jessica sa mga nagtitinda ng iba't ibang klaseng street foods. Kung tatanungin niyo kung kumain na kami? Opo naka kain na kami pero parang walang kabusugan tong kasama ko.

"Kris come here!" sabi habang hila hila ako. "Dito... Dito kami laging kumakain ni Tiffany ng spicy rice cake." sabi pa niya tsaka niya ako hinila papasok sa loob ng tent.

"Oh Jessica. Long time no see ah." sabi nung isang babae sakanya.

"Hi Luna Unnie. Oo nga eh. Long time no see." sabi naman ni Jessica. Napatingin naman sakin yung Luna.

"Uy. First time to ah. Hindi si Tiffany kasama mo ngayon. Boyfriend mo?" sabi ni Luna habang nakaturo sakin. Napatingin naman si Jessica sakin.

"This is Kris... Kris this Luna Unnie." pakilala ni Jessica. Teka hindi niya sinagot yung tanong ni Luna.

"Hi nice to meet you." sabi naman ni Luna sabay abot ng right hand niya sakin.

"Hi nice to meet you too." sabi ko naman tsaka inabot yung kamay niya.

"Alam mo ikaw yung unang lalaki na dinala ni Jessica dito." sabi ni Luna. Napatingin ako kay Jessica pero wala na siya sa tabi ko. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa may bandang dulo. "Favorite spot nila ni Tiffany yun." sabi ni Luna. Tumango naman ako. "Sige na punta kana dun at iseserve ko nalang yung pagkain niyo." sabi pa ni Luna. Nag bow naman ako tsaka pumunta kung nasan si Jessica.

"Diyan kana pala. Sorry ah sakit na kasi ng paa ko eh." sabi niya. Ngumiti naman ako.

"Ok lang." sabi ko naman tsaka umupo sa tapat niya. Napansin ko namang nakatingin lang siya sa labas. "Ok ka lang?" tanong ko sakanya. Napatingin naman siya sakin.

"Wala naman I just miss my Mom, my Dad and my sister." sagot naman niya. Tumango naman ako. "Bata palang ako actually dalawa kami ni Tiffany... pangarap na namin pumunta dito sa Korea kaya lang yung araw na dapat pupunta kami dito... Tiffany's mom passed away... 11 years old lang si Tiffany noon nung nangyari yun." sabi niya habang nakatingin sa labas. Napansin ko naman na may tumulong luha sa mata niya kaya lumapit ako sakanya tsaka ko pinunasan yung luha niya. Napatingin naman siya sakin nung ginawa ko yun. "That was also one of my dream na gagawin ng boyfriend o magiging boyfriend ko. Yung pupunasan ang mga luha ko kapag umiyak ako." sabi niya habang nakatingin sakin. Ngumiti naman ako tsaka bumalik sa pagkaka upo ko.

"Eto na ang spicy rice cake niyo." bigla namang sabi ni Luna sabay lapag ng order namin sa mesa samin. "Oh napano ka Sica? Ok ka lang ba?" alalang tanong ni Luna. Ngumiti at tumango naman si Jessica. "Ikaw ha. Wag mong pinapaiyak to... parang kapatid na turing ko dito pati kay Tiffany." sabi naman ni Luna. Tumango naman ako.

"Opo. Promise hindi na siya iiyak." sabi ko naman sabay taas ng right hand ko. Ngumiti naman si Luna tsaka umalis na dala yung tray.

"Anong promise promise ka diyan." sabi naman ni Jessica sabay hila ng isang plato ng spicy rice cake sa harap niya.

"Wala lang." sabi ko naman tsaka hinila din yung isang plato palapit sakin tsaka sumubo. Hmmm... Masarap nga siya. Di ko napansin na sunod sunod na pala yung subo ko at nakatingin na pala sakin si Jessica. Maya maya pa ay bigla akong naubo.

"Dahan dahan lang kasi." sabi naman niya sabay abot ng tubig sakin.

"Saan galing to?" tanong ko sakanya.

"Sa mall. Bakit gusto mo ng soju?" tanong niya sakin. Hindi naman ako sumagot tapos bigla siyang sumigaw. "Ate Luna! Apat na soju nga samin!" sigaw niya. Grabe siya.

"Uy. Ano kaba. Wag kang sumigaw tsaka anong apat?" sabi ko sakanya habang umiinom ng tubig.

"Tig dalawa tayo. Ate Luna padagdag pa ng dalawang plato pa ng spicy rice cake!" sigaw niya ulit.

"Uy ano ba. Sakit sa tenga." sabi ko habang nakatakip dalawang kamay ko sa mga tenga ko.

"Naku masanay kana diyan. Ganyan talaga yang gilrfriend mo." sabi naman ni Ate Luna medyo nagulat pa ako at napatingin sakanya.

"No. He's not my boyfriend. Friends lang kami diba." sabi naman ni Jessica habang puno yung bibig niya.

"Yah. Lunukin mo muna yang nasa bibig mo." sabi ko naman sabay abot ng tissue sakanya.

"Hindi ba? Akala ko naman boyfriend mosiya. Bagay pa man din kayo." sabi naman ni Ate Luna. Nagtinginan naman kami ni Jessica.

"Kami? Bagay? Hindi kaya." sabi naman ni Jessica. "Soju dali." sabi pa niya sabay kuha ng isang bote ng soju sa tray na hawak ni Ate Luna tapos agad niya itong ininom. Napangiti nalang ako.

"Amin na po yan. Salamat po. Pagpasensiyahan mo na po si Jessica." sabi ko naman sabay kuha ng tray kay Ate Luna.

"Naku. Sanay na ako diyan. Mas maingay pa yan kapag nalasing na siya. Dalawa sila ni Tiffany." sabi naman ni Ate Luna habang nakatingin kay Jessica na tinungga ng diretso yung isang bote ng soju.

"Uy ano ka ba. Lasenggera ka ba?" sabi ko sabay agaw ng bote sakanya.

"No. Im not lasenggera." sabi naman niya sabay kuha ng isa pang bote ng soju. Si Ate Luna naman ay napailing nalang tsaka nagpaalam samin.

"Oh siya ikaw na bahala sakanya ha. Maya maya lasing na yan. Balik na ako sa pwesto ko." sabi niya tsaka naglakad pabalik sa pwesto niya kanina. Napatingin naman ako sa kasama ko.

"Alam mo nung una... akala ko sosyal at maarte ka. Hindi naman pala." sabi ko habang pinapanuod siyang uminom.

"Yeah right. Ganyan din tingin nila sakin dati." sabi naman niya tsaka nilapag yung bote tapos hinila niya yung plato ng spicy rice cake palapit sakanya.

"Iba siya. Iba siya sa mga babaeng nagustuhan ko dati. I kinda like her." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin kay Jessica na sarap na sarap sa kinakain niya.

"Ayaw mo na yan? Sakin nalang." sabi niya habang puno yung bibig niya. Napangiti naman ako tsaka pinunasan yung bibig niya. Siya naman nakatingin lang sakin.

"Let me guess. Isa rin yun sa mga pangarap mong gawin sayo ng boyfriend or magiging boyfriend mo. Tama?" sabi ko. Ngumiti at tumango naman siya. "Pano yan nagawa ko na lahat mga dapat gawin ng boyfriend o magiging boyfriend mo." biro ko naman. Tinaasan naman niya akong kilay.

"Meron pang dalawa." sabi naman niya tsaka nagbelat sakin. Parang bata lang. Napangiti nalang ako tsaka kumain at umiinom ng soju. Si Jessica naman ay patuloy sa pag order ng spicy rice cake at soju. Grabe talaga siya.





A/N

KrisSica naman tayo ngayon. Hehehe. Kung dati TaecSic ngayon naman KrisSica. Hehehe. :) :) :)

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon