Chapter 22

201 11 1
                                    

SOOYOUNG'S POV

Papunta kami nila Hyoyeon, Sunny at Seohyun ngayon sa SONE Bar. Nandun kasi si Taeyeon at Yuri ngayon nagyaya daw na uminom si Yuri alam niyo kung bakit? Ayun 2 weeks na daw na nanliligaw si Luhan kay Yoona.

"Yah! Hyoyeon alam mo ba talaga kung saan yung daan?" tanong ni Sunny na katabi si Seohyun sa back seat.

"Wag kayong maingay para makapag concentrate ako sa pagdadrive." sabi naman ni Hyoyeon habang nakatingin sa daan.

"Hinto mo! Hinto mo!" sabi ni Sunny habang hinahampas yung upuan ni Hyoyeon. Hininto naman ni Hyoyeon yung kotse tsaka tumingin kay Sunny.

"Ano ba problema mo?" iritang tanong ni Hyoyeon.

"Naiihi ako." sagot naman ni Sunny. Nung akmang bababa si Sunny ay agad na hinawakan ni Seohyun ang kamay niya.

"Ano kaba. Mamaya may makakota sayo diyan." sabi niya kay Sunny.

"Ihhh... Naiihi na talaga ako promise." sabi naman ni Sunny tsaka pilit na bumaba sa kotse pero ayaw siyang bitawan ni Seohyun.

"Ano ba. Iabot mo na sa bar yan." sabi ko naman tsaka tumingin kay Hyoyeon. "Auto lock mo mga pinto." sabi ko sakanya at ginawa naman niya.

"Yah! Palabasin niyo ako." sabi ni Sunny habang pilit na binubuksan yung pinto. Hindi naman nakinig si Hyoyeon tsaka pinaandar yung kotse. Habang nasa biyahe kami ay di mapakali si Sunny sa pwesto niya.

FF

7:30pm na kami nakarating sa bar at ang usapan eh 6:30pm. Si Hyoyeon kasi ang sabi niya alam niya yung daan pero di naman pala naligaw tuloy kami.

Pagkababa namin ng kotse ay agad na tumakbo si Sunny sa loob diretso ng cr. Kami naman eto we're taking our time to walk haha. Pagpasok namin ng bar ay agad naming hinanap si Taeyeon at Yuri.

"Dudes! Dito!" sigaw ni Yuri habang kumakaway samin agad naman kaming lumapit sakanila. "Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Yuri.

(A/N Readers imagine niyo nalang ne medyo pasisgaw sila magsalita dito kasi diba sobrang ingay sa bar. Hehe)

"Eto kasing si Hyoyeon ang sabi niya alam niya yung daan. Hindi naman pala." sagot ko naman habang nakaturo kay Hyoyeon.

"Alam ko naman talaga eh. Malay ko bang nilipat na pala nila itong bar." sabi naman ni Hyoyeon. Napansin naman namin na si Taeyeon mukang lasing na.

"Lasing na yata kasama mo." sabi naman ni Seohyun habang nakaturo kay Taeyeon. Napatingin naman si Yuri sa katabi niya.

"Kanina pa nga umiinom yan eh. Mukang mas malaki ang problema niya kesa sakin." sabi naman ni Yuri habang nakatingin kay Taeyeon na umiinom ng beer.

"Haaay. Success." sabi naman ni Sunny na kakagaling lang sa cr.

"Uy kasama ka pala nila." sabi naman ni Yuri.

"Oo diretso cr yan." sabi naman ni Hyoyeon.

"Pano naman kasi ihing ihi na ako ayaw nila ako pababain kanina." sabi naman ni Sunny.

"Gusto ba namang umihi sa gilid ng daan." sabi naman ni Seohyun.

"Yuck! Kadiri ka Sunny." sabi naman ni Yuri. Sinamaan naman siya ni Sunny ng tingin. Nung natahimik except sa tugtog sa bar hehe ay biglang nagsalita si Taeyeon na halatang lasing na talaga

"Yah! *hik* isa pang beer *hik* dali! Kuha mo ako *hik*" sabi ni Taeyeon habang nakaturo kay Sunny.

"Yuck.. Taeyeon amoy beer kana. Ang baho mo." sabi naman ni Sunny tsaka lumayo ng konti kay Taeyeon.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon