Chapter 40

189 11 5
                                    

Continuation...

TAO'S POV

Nakakainis! Sobrang naiinis na ako sa Jessica na yun. Ang arte, ang taray tsk di naman maganda. Kung di lang dahil sa bet namin nila Baekhyun eh hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa babaeng yun tsk. Matatalo ako sa bet neto eh. Kotse ko at negosyo ni Daddy ang makukuha nila sakin. Bakit ba kasi pumayag ako sa bet na yun eh kung sabagay kapag ako naman ang nanalo siguradong may 50 million won ako.

"Ano Tao? Napasagot mo na ba?" biglang tanong ng isang boses mula sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Baekhyun kasama ang barkada niya.

"H-hindi pa nga pre eh. P-pero malapit na." uutal utal na sagot ko. Ngumisi naman si Baekhyun.

"Malapit na? Hmmm... Sabihin na nating 5 weeks ahhh hindi... 6 weeks mo ng sinasabi yan samin. Baka nakakalimutan mo. Kotse mo at negosyo ng Daddy mo ang nakasalalay sa bet natin." sabi naman ni Baekhyun sabay akbay sakin. Napayuko nalang ako.

"Be sure na mapasagot mo siya. Kung ayaw mong mawala ang kotse mo at ang negosyo ng daddy mo." sabi naman ni Suho sabay akbay din sakin.

"O-oo naman. Oo m-mapapasagot ko siya. Konti palugit lang naman mga pre." sabi ko naman. Ngumisi lang sila tsaka tinapik tapik yung balikat ko.

"Make it sure Huang Zhi Tao." sabi naman ni D.O tsaka ngumiti sakin tsaka sila umalis. Tumango nalang ako

Damn! Ano bang dapat kong gawin para mapasagot ko na si Jessica. Habang naglalakad ako ay biglang tumunog yung cellphone ko.

*Phone convo*

Hello?

*Hello Tao? Anak nasan kana?

Ma... Pauwi na po. Bakit po?

*Etong Daddy mo lasing na naman. Bilisan mo anak at kailangan ka namin dito.

Napapikit nalang ako sa sinabi ni Mama. Lagi nalang ganun si Daddy. Laging lasing.

*Hello Tao. Anak.

Po? Ma... Opo uuwi na po ako.

*Mag iingat ka anak.

*End of phone convo*

Hindi na ba matatapos ang problema sa bahay? Si Daddy laging lasing dahil sa negosyo niya tapos ako... "Aaahhh!!! Ang gulo ng buhay mo Huang Zhi Tao!!!" sigaw ko tapos bigla nalang nagtahulan yung mga aso kaya naman napatakbo ako. "Sh*t! Di ko naisip na may mga aso pala dito." sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo.

Habang tumatakbo ako ay may napansin akong isang pamilyar na lalaki papasok sa isabg napaka sosyal na hotel. "Kris? Si Kris ba yun?" tanong ko sa sarili ko. Medyo lumapit ako konti sa hotel tsaka tiningala yung hotel... Grabe ang laki... Sobrang laki at sa itsura palang mukang pang sosyal na.

"Excuse me sir. Ano pong kailangan nila?" tanong nung guard sakin. Napatingin naman ako sa guard tsaka ngumiti.

"Wala po. Wala po." sabi ko habang nakangiti. Aalis na sana ako pero bigla kong naalala yung nakita ko kanina. "Ahh... Kuya? Si Kris po ba yung pumasok kanina?" tanong ko sa guard.

"Kris? Ahhh... Si Sir Yi Fan... Opo sir siya nga po yun." sabi naman nung guard. Yi Fan? Parang narinig or nabasa ko na yung name na yun. "Bakit po sir? May kailangan po ba kayo sakanya?" tanong nung guard. Umiling naman ako tsaka ngumiti.

"Wala po kuya. Sige po alis na ako." sabi ko naman tsaka nagbow at umalis na. Yi Fan? Yi Fan? Yi Fan? Bakit parang narinig ko na talaga pangalan niyang yun?

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon