Chapter 32

168 10 3
                                    

*May 28*

YOONA'S POV

I feel weird ganitong araw dati binabati na ako ni Yuri pero ngayon ni isang text wala. Well simula nung nanligaw si Luhan ganun na siya di na masyado nagtitext dati kahit walang kwenta sasabihin niya magtitext siya eh pero ngayon kahit "Hi" or "Hello" wala. Di man lang niya kamustahin bestfriend niya. Tapos eto namang si Luhan kung kelan malapit na birthday ko tsaka naman sila bumalik ng China pero 3 months lang naman daw sila dun tapos Korea na sila ulit.

"Yah! Anong problema mo? Bakit ganyan ka? Ang sama ng ugali mo." sabi ko habang nakatingin sa picture ni Yuri dito sa phone ko. Kinuhanan ko tong picture na'to nung inaasar namin si Sooyoung. "Ang gwapo mo dito Yuling." sabi ko pa habang nakatingin sa picture niya. Habang nakatitig ako sa picture ni Yuri ay bigla namang kumatok yung yaya namin sa pinto ng kwarto ko.

"Mam. Nandiyan na po sila mam Jessica." sabi ng yaya namin. Agad akong bumangon mula sa pagkaka higa ko tsaka nilock yung phone ko mahirap na baka makita nila wallpaper ko.

"Yah! Im Yoona! Di ka paba ready?" bungad ni Jessica. Grabe nakakagulat naman tong babae na'to. Lumapit siya sakin tsaka chineck yung mga gamit ko. Magbabakasyon daw kasi kami sa Jeju libre daw ni Taeyeon. Neks nemen! Hahaha. "Oh you're ready now. Lets go!" sabi pa niya tsaka ako hinila patayo. "Yah. Kris Wu. You carry her things ok." utos niya kay Kris. Napatingin naman ako kay Kris nakangiti lang ito.

"Ako nalang Kris. Nakakahiya naman." sabi ko naman tsaka kinuha yung isang bag sakanya.

"Naku wag na. Ako nalang." sabi naman ni Kris sabay bawi ng bag sakin tsaka lumabas ng kwarto ko.

"Let him." sabi naman ni Jessica sabay hila sakin palabas ng kwarto ko.

"Yoona!" sigaw naman ni Tiffany at Sooyoung na nasa sala kasama si Nickhun.

"Yah! Parang ang tagal niyong di nagkita ah." mataray na sabi ni Jessica habang pababa kami ng hagdan.

"Bakit ba. Ihhh. Yoona." sabi naman ni Tiffany tsaka tumakbo palapit sakin tapos niyakap pa ako. Hala. Anong meron?

"Yoona hindi ba sasama si Luhan?" tanong naman ni Nickhun. Tumingin naman ako sakanya tsaka umiling.

"Hindi eh. Nasa China na sila ulit." sagot ko naman.

"What?!" gulat na tanong ni Nickhun kaya napatingin kaming lahat sakanya. "Hmmm... Sayang naman hindi siya makakasama sa vacation natin." sabi pa niya. Lumapit naman si Tiffany sakanya tsaka kinawit yung right hand niya sa braso ni Nickhun.

"Hayaan niyo na may next pa naman. Lets go girls!" sabi pa ni Tiffany sabay hila ka Nickhun palabas.

"Girls daw. Eh kasama niyo kaya kami ni Nickhun." sabi naman ni Kris sabay bitbit ulit sa gamit ko tsaka lumabas ng bahay. Nagtinginan naman kami nila Jessica tsaka sabay sabay na lumabas.

FF

Halos 30 minutes palang kaming nasa biyahe pero bakit feeling ko halos magdadalawang oras na kaming nasa biyahe.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Kris. Siya kasi nagdadrive ng sinasakyan namin. Actually van daw nila Sooyoung itong gamit namin. Lumingon saglit si Kris sakin tapos nagfocus siya ulit sa pagdadrive.

"Medyo. Kung gusto mo matulog ka muna. Tignan mo tong mga kasama natin tulog na tulog oh." sabi naman ni Kris. Nilibot ko yung paningin ko si Jessica na katabi ni Kris sa harap tulog na tulog. Nilingon ko si Tiffany, Sooyoung at Nickhun sa likod tulog na tulog din napansin ko pa na si Nickhun yung nakasandal sa balikat ni Tiffany. Bakit parang baliktad?

"Di nalang. Samahan nalang kitang gising baka antukin ka eh." sabi ko naman. Tumango naman si Kris.

"Nga pala. Kamusta kayo ni Yuri?" biglang tanong ni Kris sakin. Kamusta nga ba kami?

"Kami? Hmmm... Sa tingin ko ok naman kami." sagot ko naman.

"Bakit pansin ko parang di kayo nag uusap." sabi naman ni Kris. Siya kaya hindi kumakausap sakin.

"Ewan ko dun. Hinihintay ko lsng naman na kausapin niya ako eh." sabi ko naman. Sinandal ko nalang yung katawan ko sa upuan tsaka nag muni muni.

"Look Yoona! Tingin ka sa kaliwa mo." biglang sabi ni Kris. Napatingin naman ako sa kaliwa ko tapos nakita ko yung napakagandang view ng beach.

"Ang ganda." sabi ko habang nakatingin sa view.

"You wanna take a picture?" tanong ni Kris sakin.

"Sana. Pwede ba?" balik tanong ko sakanya. Tumango naman siya tsaka pinark sa gilid ng daan yung van. Bumaba muna kami ni Kris sa van.

"Go on. Take a picture." sabi ni Kris sakin. Nilabas ko naman yung camera ko tsaka kinuhanan ng picture yung view. Sobrang ganda talaga kasi. "Ano tingin mo kay Jessica?" biglang tanong ni Kris sakin. Napatingin naman ako sakanya tapos kay Jessica na natutulog parin sa loob ng van.

"Si Jessica? Maganda, mabait, masaya kasama." sagot ko naman sabay tingin ulit sa view.

"Yeah. Maganda, mabait, masaya kasama, walang arte sa katawan, makulit at maingay. Kahit mahilig mag shopping I know she can control it naman. Mataray yes but hindi tulad ng ibang mataray na mataray talaga siya yung pagtataray niya nasa lugar." sabi naman ni Kris habang nakatingin sa view na tinitignan namin.

"Do you like her?" tanong ko kay Kris. Napatingin naman siya sakin tapos kay Jessica.

"If liking someone means you always think of that person na pag gising mo sa umaga siya agad ang naiisip mo at gusto mong makita na kahit minsan naasar kana sa kakulitan, kaingayan at katarayan niya pero gusto mo parin siyang makasama... I would say yes... I like her... I like Jessica." mahabang sagot ni Kris habang nakatingin kay Jessica. Napangiti naman ako kasi mukang sincere naman si Kris sa mga sinabi niya.

"By the way do heard about the news?" tanong ko sakanya habang nakatingin sa view.

"News about what?" balik tanong naman niya sakin.

"About the only grandson of the owner of SM Ent." sagot ko naman.

"Yung nag aaral daw sa school natin na pinag kaka guluhan ng mga babae kahit di pa nila nakikita at nakikilala." sabi naman ni Kris. Tumango naman ako.

"Jessica told me about that news. Naiinis nga siya sa mga babae sa school eh. Kasi naman daw hindi pa nga nila nakikita sa personal tapos sabi daw ng ibang babae papakasalan na daw nila." sabi ko naman. Narinig ko naman tumawa si Kris kaya napatingin ako sakanya.

"Sorry. Nakakatawa lang kasi. Adik ba mga babae sa school natin? Eh pano nalang kung manyakis pala yung lalaki na yun? Diba. I mean is that even posible to like a person na never mo pang namimeet tapos gusto mo pang pakasalan." natatawang sabi ni Kris. Hala baliw ba'to?

"Maybe yes. Tignan mo si Tao. He already like Jessica within 30 minutes only." sabi ko naman. Nahinto naman yung pagtawa ni Kris tsaka naging seryoso ang ekpresyon ng muka niya. "Uy selos. Haha. Ang cute mo magselos Kris. Halata ka masyado." biro ko sakanya. Iniwas naman niya yung tingin niya sakin.

"Ewan ko sayo. Tara na nga bsgo magising yung mga kasama natin." sabi naman niya tsaka naglakad pabalik sa van.

"Uy eto naman di na mabiro. Joke lang yun uy." sabi ko naman habang sumusunod sakanya.

"Ewan ko sayo Im Yoona! Sumakay ka na kundi iiwanan kita dito." sabi naman ni Kris. Tumakbo naman ako pabalik sa van tsaka agad na sumakay. Pagkasakay ko ay agad na nag drive si Kris. Yieeeh ano kayang magiging reaksyon ni Jessica kapag nalaman niyang may gusto si Kris sakanya.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon