Chapter 31

183 9 1
                                    

Continuation...

*May 25*

5 days nalang birthday na ni Yoona at malapit narin namin matapos yung plano namin na surprise birthday para sakanya. Nandito na kami sa Jeju ngayon nila Taeyeon, Sunny, Hyoyeon at Seohyun para iprepare yung surprise para kay Yoona. Naiwan naman sa Seoul si Jessica, Kris, Nickhun, Tiffany, Sooyoung at Yoona. Nagulat nga ako kasi pumayag si Taeyeon na sumabay nalang si Tiffany kay Nickhun. Alam din nila ang tungkol sa plano ko well maliban kay Yoona siyempre. May 28 nalang daw sila susunod dito sa Jeju.

"So dude ano? Eto lang ba? Wala kana ipapa dagdag?" tanong ni Taeyeon sakin. Napatingin naman ako sa mga pinamili namin.

"Oo dude nandito na lahat." sabi ko naman habang tinitignan laman ng push cart namin.

"Oh tara na at ng makapag ayos na tayo." sabi naman ni Sunny tsaka tinulak yung push cart.

Habang pinapunch nung babae yung mga pinamili namin ay nakatitig lang ako sa presyo grabe umabot na ng 550 won tapos ang dami pang laman ng push cart namin. Bawat punch ng babae ay lalo namang lumalaki yun babayaran ko. Napalunok ako nung umabot na sa 3,500 yung pinamili namin. Nilabas ko yung wallet ko tsaka binilang yung pera. Patay! Short ako sa budget.

"4,350 won po lahat." sabi nung babae samin. Napalunok ako ulit kasi 3,000 won lang laman ng wallet ko. Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko.

"Wag ka mag alala ako na bahala." sabi ni Taeyeon habang nakangiti sakin tsaka niya nilabas yung credit card niya at inabot sa babae.

"Thank you po mam. Come again po." sabi naman nung babae tsaka inabot samin yung mga pinamili namin.

"Dude thank you." sabi ko kay Taeyeon nung makalabas kami ng convenience store. Ngumiti at tumango lang siya sakin.

"Yah! Tara na!" sigaw ni Sunny na nasa loob na ng kotse ni Taeyeon kasama si Hyoyeon. Tsk mas excited pa sila kesa sakin.

"Tara na baka magwala pa si Sunny" sabi naman ni Seohyun tsaka naglakad papunta sa kotse ni Taeyeon. Napailing nalang kami ni Taeyeon tsaka sumunod kay Seohyun.

"So ngayong nakabili na tayo ng mga materials. Anong plano?" tanong ni Hyoyeon na nakaupo sa backseat kasama si Sunny at Seohyun. Tumingin naman kami ni Taeyeon sakanya.

"Si Yuri na bahal dun. Assistant lang niya tayo." sagot naman ni Taeyeon. Tumango nalang si Hyoyeon.

"Lets go! Operation surprise birthday party for Yoona!" sigaw ni Sunny habang nakataas sa ere yung kanang kamay niya.

"Yeah!" sigaw naman ni Hyoyeon at Seohyun sabay taas din ng mga kamay nila sa ere. Napailing nalang kami ni Taeyeon.

"Yah! Dapat kayo din." sabi naman ni Seohyun habang nakataas parin yung kamay niya sa ere. Umiling naman kami ni Taeyeon. "Dali na ang kj niyo." sabi pa niya. Nagtinginan naman kami ni Taeyeon.

"Operation surprise birthday party for Yoona!" saba naming sigaw ni Taeyeon sabay taas ng kamay sa ere.

"Yeah!" sigaw naman nung tatlo sa backseat. Infairness para kaming mga timang dito sa loob ng kotse ni Taeyeon haha.

FF

Pagkatapos ng halos 30 minutes na drive ay nakabalik na din kami sa resort kung saan kami naka check in. Yung tatlong maingay sa backseat kanina na kanta ng kanta eto at tulog na tulog.

"Gisingin na ba natin sila?" tanong ni Taeyeon sakin habang nakatingin siya sa backseat.

"Wait lang. Remembrance." sabi ko naman sabay labas ng cellphone tsaka kinuhanan ng picture yung tatlo. Sarap ngbtulog eh haha. "Yan gisingin mona." sabi ko pa pagka save ko ng picture nilang tatlo.

"Yah! Gising na!" sigaw ni Taeyeon. Nagulat naman yung tatlo. Si Seohyun nauntog sa bintana. Si Hyoyeon naman biglabg tinaas yung mga kamay niya. Si Sunny napatayo sa kotse ayun nauntog sa kisame ng kotse ni Taeyeon haha. "Baba na." sabi pa ni Taeyeon tsaka siya bumaba ng kotse. Ako napailing nalang tsaka sumunod kay Taeyeon.

"So saan mo gustong iset up ying surprise?" tanong ni Taeyeon sakin habang nilalabas niya mula sa compartment ng kotse niya yung mga pinamili namin.

"Gusto ko sana yung tayo tayo lang ang tao sa venue." sagot ko naman habang tinutulungan ko siya.

"Edi dun sa tabing dagat tapos gabi natin gawin para walang tao." sabi naman ni Hyoyeon na kakababa lang ng kotse at nag iinat pa.

"Oh kaya kung gusto mo underwater nalang para mga isda kasama natin oh tayo tayo lang tao nun." sabi naman ni Sunny na kakababa lang din ng kotse.

"Oh kaya mag camping tayo sa gubat para tahimik tayo tayo lang din tao nun." sabi naman ni Seohyun. Sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Infairnes ganda ng mga suggestion niyo." sabi naman ni Taeyeon.

"Actually gusto ko yung suggestion ni Hyoyeon." sabi ko naman. Nag thumbs up naman si Hyoyeon sakin. "Tabing dagat tapos gabi gaganapin. Mahilig mag star gazing si Yoona eh." sabi ko naman.

"So ano? Yun na?" tanong ni Taeyeon sakin. Tumango naman ako. "Ok operation surprise birthday party for Yoona!" sigaw ni Taeyeon sabay taas ng kamay niya sa ere.

"Yeah." sabi naman nung tatlo sabay taas din ng kamay nila sa ere pero wala na silang energy.

"Ayan. Ingay ingay kasi sa kotse kanina eh." sabi ko naman sakanila. Di naman nila ako pinansin kundi tinulungan nalang si Taeyeon sa mga pinamili namin.

"Goodafternoon po Mam Taeyeon." bati nung isang lalaki kay Taeyeon mukang empleyadong resort.

"Good afternoon po. Kuya tanong lang po. Pwede po sa 30 ng gabi mga 7pm po siguro paclose po yung beach sa ibang tao hmmm... Maghahanda po kasi kami ng surprise birthday party para sa love of her life niya." sabi ni Taeyeon sabay turo sakin. Wait what?! Anong sabi niya? Napatingin sakin yung lalaki tsaka ngumiti.

"Sige po mam. Ipapareserve na po namin yung beach sa 30." sabi naman nung lalaki sabay tingin at ngiti ulit sakin. "Ang swerte naman po ng girlfriend mo mam." sabi niya sakin.

"Po? Ah eh. Hindi ko po girlfriend yung magbi birthday sa 30 bestfriend ko lang po yun." sabi ko naman sabay ngiti.

"Naku mam sa friendship naman po nag uumpisa ang lahat eh." sabi naman nung lalaki. Ngumiti nalang ako tsaka sumunod kina Taeyeon. Iwanan ba naman ako dun sa lalaki.

Sana maging successful itong gagawin naming surprise for Yoona. Sana magustuhan niya pati yung regalo ko para sakanya.




A/N

Medyo fastforwaed na natin ang story readers ha. Medyo mabagal takbo ng kwento sabi ni Kuya eh. Hahaha. Pati kasi siya binabasa niya tong story ko. Salamat po readers. :) :) :)

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon