Chapter 39

166 12 1
                                    

AUTHOR'S POV

Break time nasa cafeteria ngayon ang magkakaibigan maliban lang kay Yoona dahil kasama niya si Luhan.

"Bakit parang ang boring na." sabi ni Seohyun. Yung iba kasi nakapatanong ang ulo sa mesa. Maliban kay Tiffany na nakapatong sa balikat ni Taeyeon ang ulo niya. Si Sooyoung naman kumakain. Si Nickhun nagme make up.

"Yuri di ka kakain?" tanong ni Taeyeon. Siya nalang kasi ang hindi pa kumakain sakanila.

"Ako? Di naman ako gutom eh." sagot naman ni Yuri tapos biglang tumunog ang tiyan niya.

"Oo nga di ka nga gutom." sabi naman ni Taeyeon.

"Panong kakain yan eh wala na siyang kashare sa plato." sabi naman ni Hyoyeon. Palihim namang siniko ni Sunny sa tagiliran si Hyoyeon.

"Ako nalang. Ako nalang. Share tayo sa foods." sabi naman ni Sooyoung.

"Plato sinabi ko hindi pagkain." sabi naman ni Hyoyeon.

"Bakit kinakain na ba yung playo ngayon?" takang tanong naman ni Sooyoung. Si Hyoyeon napa facepalm nalang.

"Ewan ko sayo Sooyoung. Ewan ko sayo." sabi naman ni Hyoyeon. Napatingin naman si Tiffany sa entrance ng cafeteria at nakita si Yoona.

"Akala ko magkasama sila?" tanong ni Tiffany habang nakatingin kay Yoona. Napatingin naman sila kung saan nakatingin si Tiffany pero si Yuri ay agad na inalis ang tingin kay Yoona.

"Asa pa kayong makakasabay satin yan." sabi ni Yuri tsaka dinukdok ang noo sa mesa.

"Ayan na siya." sabi naman ni Sunny pero hindi parin tumingin si Yuri.

Nang makalapit si Yoona sakanila ay si Yuri agad ang tinignan nito. "Tulog?" tanong ni Yoona. Umiling naman sila. Nag pekeng ubo si Yoona pero di parin inangat ni Yuri ang ulo niya. Nagsasalita sana si Yoona nang biglang dumating si Luhan.

"There you are. Bigla ka nalang nawala." sabi ni Luhan nang makalapit siya kay Yoona tsaka siya napatingin kina Taeyeon. "Oh hi dudes and girls." nakangiting bati ni Luhan. Tumango nalang sila sakanya.

"Pwede maki share sa table niyo?" tanong ni Yoona. Tumango naman si Tiffany.

"Oh. No we cant because we're going to eat outside." sabi naman ni Luhan sabay akbay kay Yoona. Napatingin naman si Yoona sakanya.

"Outside? Pero 1hr. lang ang lunch break." sabi naman ni Yoona. Nginitian lang naman siya ni Luhan.

"Bye dudes and girls." sabi ni Luhan sakanila tsaka tumingin kay Yoona ulit. "Kaya nga we should get going para na makabalik tayo before our afternoon classes." sabi ni Luhan tsaka ngumiti kay Yoona.

"Why dont we invite them." sabi naman ni Yoona. Magsasalita sana si Luhan pero naunahan siya ni Taeyeon.

"Dina na Yoona. Ok lang kami dito. Sige na. You two should get going." sabi ni Taeyeon tsaka ngumiti kay Yoona. Tumango nalang si Yoona. Si Luhan naman nag salute kay Taeyeon. Pagakaalis nung dalawa ay ganun parin ang pwesto ni Yuri.

"Yah. Kwon Yuri. You can raise your head now." sabi ni Jessica habang niyuyugyog si Yuri. Dahan dahan namang inangat ni Yuri ang ulo niya.

"Ano kaya mo pa?" tanong ni Kris sakanya. Ngumiti naman si Yuri.

"Ako pa! Almost 11 years ko ngang tinago feelings ko para sakanya eh. 6 weeks palang naman... 6 weeks palang kaming hindi nakakapag usap. Kaya ko'to. Kayang kaya." sagot naman ni Yuri. Napakunot naman ang noo ni Kris.

"Ibig kong sabihin. Kaya mo pa bang tiisin yang gutom mo." sabi naman ni Kris. Nawala naman ang ngiti ni Yuri.

"Halata ka Yuri." sabi naman ni Tiffany. Napayuko nalang si Yuri.

"Alis na pala ako pupunta pa ako sa Dean's office." pagpapaalam niya tsaka tumayo ay binitbit ang gamit niya. Sinundan lang naman siya ng tingin ng mga kaibigan niya.

"Ano bang meron sa dean's office at lagi siyang pumupunta dun?" takang tanong ni Sunny.

"Scholarship." sabay sabay na sabi naman ni Tiffany, Sooyoung at Hyoyeon tapos nagkatinginan silang tatlo.

"Alam niyo din?" takang tanong ni Tiffany sa dalawa. Tumango naman si Sooyoung at Hyoyeon.

"Nakasabay namin siya nung minsan galing siyang dean's office nun tapos sabi niya tungkol daw sa scholarship niya kaya nandun siya." sabi naman ni Hyoyeon.

"Akala ko naman ako lang may alam na pupunta siyang France." sabi naman ni Tiffany. Napatingin naman sila sakanya.

"France?!" gulat na tanong nila sakanya. Napatingin naman si Tiffany sakanila.

"H-hindi niyo alam?" tanong ni Tiffany. Umiling naman sila. "Sooyoung... Hyoyeon... Akala ko sinabi niya sainyo?" tanong ni Tiffany. Umiling naman yung dalawa.

"Ang sabi lang niya samin scholarship. Walang sinabi kung dito sa school o sa France." sabi naman ni Hyoyeon. Napa facepalm nalang si Tiffany.

"Ano na Tiffany? Totoo? Pupunta na siya ng France?" tanong ni Seohyun. Tumango nalang si Tiffany.

"Bakit di niya sinabi satin?" sabi naman ni Sunny.

"Alam na ba ni Yoona?" tanong naman ni Taeyeon. Umiling naman si Tiffany.

"May balak ba siyang sabihin kay Yoona?" tanong naman ni Kris. Nagkibit balaikat naman si Tiffany.

"When will she fly to France?" tanong naman ni Jessica.

"I dont know. She just told that maybe. After our 1st or 2nd semester here." sagot naman ni Tiffany.

"So gogo na siya sa France before ng last year natin dito sa school?" tanong naman ni Nickhun.

"Siguro. Baka. Ewan." sagot naman ni Tiffany.

"Ay. Kagulo mo namang kausap." sabi naman ni Sooyoung.

"Teka nga. Bakit ba ako ang iniinterview niyo ha? Ako ba pupunta sa France?" iritang tanong ni Tiffany. Umiling naman sila. "Ako ba si Yuri?" tanong niya ulit at umiling naman sila ulit. "Eh bakit ako pinagtatanong niya ng mga ganyan." sabi ni Tiffany.

"Kasi ikaw lang ang may alam tungkol dun maliban kay Yuri." sabay sabay naman nilang sabi sakanya. Napangiti nalang si Tiffany at nag peace sign sakanila.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon