Chapter 15

153 9 0
                                    

KRIS' POV

Nandito ako ngayon sa mall at nag lilibot kasi walang magawa sa bahay hehe. Wala rin kasi kaming pasok kasi nasa conference daw mga prof. namin. Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Oh my God! Miss may pink ba kayo neto" tanong niya. Sinundan ko kung saan nang gagaling yung boses at tama nga ako siya nga yun. Boses palang kilala ko na hehe. Sumilip ako sa stall kung saan ko naririnig yung boses at nakita ko siya. Ang dami na namang binili.

"Mam eto po." sabi nung saleslady sabay abot ng sapatos sakanya. Kinuha naman niya ito tsaka agad na sinukat.

"Ay maliit. Hmmm... Miss size 8 meron kayo?" tanong niya ulit. Tumango naman yung saleslady tsaka pumunta sa stock room nila.

Habang hinhintay niya yung sapatos na kinuha nung saleslady ay nagtingin tingin muna siya ng iba pang sapatos. Dahan dahan akong lumapit sa likod niya tsaka hinahawakan ang balikat niya.

"Oh my God!" medyo pasigaw na sabi niya. Lumingon siya sakin tsaka ako sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko habang nakatingin sakanya. "Kris? Oh my God... Im so sorry." sabi niya sakin. Ngumiti naman ako sakanya.

"Ganyan ka pala bumati ng tao." biro ko sakanya habang nakahawak parin sa pisngi ko. Nag peace sign naman siya sakin.

"Sorry. Nagulat lang ako." sabi naman niya sakin. Ngumiti naman ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Bumibili ng gamot." sarcastic na sagot niya. Napailing naman ako. "Hindi pa ba obvious? Im doing shopping." sabi pa niya. Tinignan ko naman yung mga pinamili niya.

"Konti naman niyan." sabi ko sakanya. Isipin niyo may apat na paper bag sa lapag tapos tatlo yung bitbit niya pang apat yung sapatos na bibilhin niya. Tinignan naman niya yung mga binili niya.

"Ahhh... Yeah. Im not really on my shopping mood today." sabi naman niya. Ano daw? Wala pa siya sa shopping mood niya?

"Wala kapa sa mood mag shopping niyan?" takang tanong ko sakanya. Tumango naman siya. Wow! Just wow!

"Mam eto na po yung size 8." biglang sabi naman ng saleslady. Napatingin ako sa saleslady at sakto nakatingin din pala siya sakin. Nginitian ko yung saleslady at ganun din siya sakin. Bigla ko namang naramdaman na may humawak sa balikat ko. Paglingon ko sa kanan ko nakita ko si Jessica na sinusukat yung sapatos habang nakatayo.

"Stand still." sabi niya sakin habang sinusuot yung sapatos. Tumayo naman ako ng maayos habang nakatingin sa sinusuot niyang sapatos. "Oh my God this is hard." sabi pa niya habang sinusuotpadin yung sapatos.

"Umupo ka kaya." sabi ko naman pero di niya ako pinansin. Hinawakan ko nalang yung kamay niya sa balikat ko para kung sakaling magkamali siya hindi siya matutumba.

"Geez! I cant wear it properly." sabi pa niya habang pilit na sinusuot yung sapatos. Napabuntong hininga nalang ako tsaka ko siya dinala sa may upuan.

"Amin na nga." sabi ko tsaka ko sinuot yung sapatos sa paa niya. She has a nice foot. I mentally shake my head. "Ok na ba?" tanong ko sakanya pero di siya sumagot kaya napatingin ako sakanya at nakatingin lang din siya sakin. "B-bakit? Anong problema? May dumi ba ako sa muka?" sunod aunod na tanong ko sakanya. Umiling naman siya.

"Alam mo ba nagpromise ako sa sarili ko na kung sakaling may magsuot sakin ng sapatos gusto ko yung boyfriend ko yung gagawa nun." seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Patay baka magalit boyfriend niya sakin.

"Ahhh... Ganun ba. Sorry ah. Di ko sinasadya." sabi ko naman tsaka nag bow sakanya.

"No its ok. I think he's not coming." sabi naman niya kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit nasan ba boyfriend mo?" tanong ko sakanya.

"My boyfriend?" balik na tanong niya sakin. Tumango naman ako. "I dont have a boyfriend." sabi pa niya. Ano daw? Wala siyang boyfriend?

"Ikaw? Walang boyfriend? Imposible naman yun." sabi ko naman tsaka ako tumabi sakanya.

"Yeah. I really dont have a boyfriend." sabi naman niya. Totoo? Seryoso siya?

"Sa ganda mong yan? Wala kang boyfriend? Naging boyfriend o nagbalak man lang na manligaw sayo." sabi ko naman. Teka ano? Anong sinabi ko? Napatingin ako sakanya. Nakatingin lang siya sakin.

"Nanligaw oo pero naging boyfriend? Wala." sabi naman niya tsaka tumingin sa sapatos na sinuot ko sakanya tapos tumingin siya sa saleslady. "Miss Im gonna buy this. Two pairs." sabi niya sa saleslady tsaka niya tinanggal yung sapatos at inabot sa saleslady.

"Two pairs?" takang tanong ko sakanya. Tumango naman siya. "Bakit two pairs?" tanong ko ulit.

"Para kay Tiffany yung isa." sagot naman niya tsaka niya sinuot yung sapatos niya at tumayo na. Ako naman nakatingin lang sakanya. "Diyan ka lang?" tanong niya sakin. Tumayo naman ako agad. Habang naglalakad kami papunta sa counter ay napansin ko na hirap siya sa mga bitbit niya.

"Here let me." sabi ko sabay kuha ng mga paper bag niya. Napatingin lang naman siya sakin tsaka ngumiti. "So where are you going after this?" tanong ko sakanya. Nagkibit balikat naman siya. Nang makarating kami sa counter ay agad siyang nagbayad.

"Wait. Wala kabang kasama? Mommy... Daddy... Sister or Girlfriend?" tanong niya sakin. Umiling naman ako.

"Wala naman parents ko dito eh nasa China sila tsaka only child ako. Amin na yan." sagot ko naman sabay kuha nung bagong bili niyang sapatos. Hinayaan naman niyang kunin ko yung paper bag sa kamay niya.

"Girlfriend? Baka nandito din makita niya tayo. Magselos pa yun." sabi naman niya tsaka lumayo ng konti sakin.

"I dont have a Girlfriend." sabi ko naman sabay ngiti sakanya.

"Weh? Di nga? Sa gwapo mong yan? Wala kang girlfriend. Imposible naman yata yun. I mean walang bang nagkakagusto sayo or wala kabang nilagawan."sabi niya. Napangiti naman ako. We have the same reaction.

"She broke up with me." maikling sagot ko sakanya habang nakatingin ng diretso. Nung hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "She broke up with me maybe because I never brought to some high class restaurants. Alam mo yun? Siya kasi mahilig siyang kumain sa mga mamahaling resto eh ako kabaligtaran niya. Kahit sa karinderya or street foods ok na sakin." pagpapatuloy ko. Nung hindi siya sumagot ay napatingin na ako sakanya. Nakatingin lang pala siya sakin. "Kuripot ba?" tanong ko sakanya sabay ngiti. Umiling naman siya.

"Hindi kuripot yun. Ang tawag dun pagiging praktikal. Siguro mas iniisip mo lang yung mga magagastos niyo kapag kumain kayo sa mamahaling restaurant. Eh sa street foods at karinderya mura na madami kapang makakain." sabi naman niya. Napangiti naman ako sakanya.

"So kung yayain kitang kumain sa karinderya or street foods ngayon papayag ka?" tanong ko sakanya.

"Oo namam! The best kaya ang spicy rice cake sa lahat ng nakain kong street foods." excited na sabi niya na parang bata kaya mas lalo akong napangiti. "Wait. Are you asking me out?" tanong niya sakin. Tumango naman ako habang nakangiti. "Well madami tayong bitbit. Pano yan?" tanong naman niya sakin.

"Ako bahala." sagot ko naman tsaka ko hinawakan yung right hand niya at naglakad palabas ng mall.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon