Chapter 35

186 12 0
                                    

Continuation...

TAEYEON'S POV

Nabobored ako. Ano ba pwedeng gawin? Hmmm... Alam ko na! Nilabas ko yung cellphone ko tsaka ko tinext si Tiffany.

To: Eyesmile Princess

Goodmorning! Gising kana ba? Pwede ba kita puntahan sa condo niyo? Bonding tayo.

*Sent*

Pagkasend ko ng message ay agad kong kinuha yung towel ko at mga susuotin ko tsaka pumasok sa banyo. Pagkatapos ng halos isang oras... tagal ko maligo no haha. Tinignan ko ulit yung cellphone ko kung nagreply si Tiffany. "Wala? Tulog pa kaya siya?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa cellphone ko. Nagkibit balikat nalang ako tsaka humarap sa salamin. "Oh! Grabe nagulat ako. Akala ko kung sinong gwapo. Reflection ko lang pala." sabi ko habang nakaharap sa salamin. "Gwapo mo talaga Taeyeon." sabi ko pa tsaka nag pose ng parang Mr. Pogi sa harap ng salamin. Pagkatapos nun ay kinuha ko na yung wallet, cellphon at susi ng kotse ko tsaka bumaba. "Manang pakisabi kila Daddy. Di ako magla lunch at dinner dito ha." bilin ko sa yaya namin tsaka ako lumabas ng bahay. Pagkasakay ko ng kotse ay tinignan ko ulit yung sarili ko sa rear view mirror ko. "Nice. Gwapo mo talaga." sabi ko tsaka ko inistart yung makina ng kotse ko.

Bago ako pumunta sa condo nila Tiffany ay bumili muna ako ng pagkain tsaka ng bulaklak siyempre alam mo na... dagdag pogi points sakanya hehe. "Ate isang bouquet nga ng pink roses." sabi ko sa tindera at agad naman niya akong inabutan ng bouquet ng pink roses. "Salamat po." sabi ko pa tsaka inabot yung bayad. Inamoy ko muna yung mga rose bago ako bumalik sa kotse ko.

FF

Pass 10 na nung makarating ako sa condo nila Tiffany. Agad ako bumaba ng kotse ko dala yung pagkain at roses na binili ko. "Goodmorning kuyang guard." bati ko sa guard ng condo nila. Nagbow naman siya sakin. Nung papasok na ako sa elevator ay hinabol ako ng guard.

"Ay mam. Saan po pala kayo?" tanong niya sakin.

"Kay Tiffany Hwang po kuya. Nandiyan po ba siya?" tanong ko sa guard at tumango naman siya. "May kasama po ba siya?" tanong ko ulit. Tumango naman ulit siya.

"May kasama po siyang babae sa taas." sabi nung guard. Tumango naman ako. Bumati naman at babae ang kasama niya.

"Si Jessica po kasama niya kuya?" tanong ko pa. Umiling naman siya.

"Umalis po si Mam Jessica kasama po yata yung boyfriend niya." sabi namab ng guard. Boyfriend? May boyfriend si Jessica? Pero teka kung hindi si Jessica kasama niya sa taas... Sino naman kaya? Magtatanong pa sana ako nung biglang bumukas yung pinto ng elevator.

"Sige kiya akyat na po ako. Wag niyo po tatawag kay Tiffany na nandito ako ah. Surprise to." sabi ko pa sabay ngiti sa guard tsaka ako pumasok sa elevator. Habang nasa elevator ako ay nagawang ko pang sabayan yung tugtog sa elevator. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumukas na yung pinto ng elevator. Agad kong binitbit yung mga pagkain tsaka lumabas ng elevator at dumiretso sa unit nila Tiffany peeo nasa pinto palang ako ay may naririnig na ako mula sa loob.

"Infairness magaling ka nga sa ganyan." sabi nung boses at kung di ako nagkakamali boses ni Tiffany yun. Nilapit ko yung tenga ko sa may pinto para pakinggan yung usapan nila nung kasama niya sa loob. "Diyan diyan. Yan. Grabe Nickhun ang galing mo ah infairness. Sarap sa pakiramdam." sabi pa ni Tiffany. Teka teka... Anong sabi niya? Nickhun??? Si Nickhun ang kasama niya sa loob?! Anong ginagawa nila?! Nilapag ko muna sa sahig yung mga bitbit ko tsaka nagmadaling tumakbo pababa ng hagdan para kunin yung spare key sa unit nila Tiffany.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon