Chapter 9

172 12 1
                                    

YURI'S POV

Grabe naalala ko yung araw na pinagtatanggol ko si Jessica dun sa lalaking yun este si Kris pala. Haha. Nakakatawa lang bakit ba. Hahaha.

Nandito ako ngayon sa bahay namin since hapon pa ang pasok namin ngayon.

"Maaga pa. Mamaya pa dadating yun." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa orasan sa kwarto ko. Umupo ako sa higaan ko tsaka nilabas ang scrapbook na ginagawa ko. "Kelan kaya kita matatapos?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa scrapbook. Binuksan ko ito at napangiti sa mga nakita ko. Nandito lahat... as in lahat lahat ng memories namin ni Yoona hindi niya alam ang tungkol dito sa scrapbook na'to kasi nakalagay din lahat dito yung nararamdaman ko para sakanya. Napangiti ako nung makita ko yung first time ko siyang makilala. Salamat kay Kuya Heechul at lagi siyang kumukuha ng picture namin ni Yoona ng palihim kaya ayun sabi ko sakanya bigay niya sakin lahat haha.

Habang nagmumuni muni ako ay narinig ko na namang sumigaw si mama. Grabe talaga si mama.

"Kwon Yuri! Lumabas kana diyan at tumulong ka dito sa shop!" sigaw ni Mama. Di ko alam ah pero natatawa ako sa tuwing sumisigaw si mama haha. Sinuot ko na yung paborito kong hoodie na regalo ni Yoona sakin nung last birthday ko at tsaka dumiretso sa shop.

"Kwon Yu--" putol na sabi ni Mama dahil sumigaw din ako haha.

"Opo! Eto na po oh! Eto na!" sigaw ko habang naglalakad papunta sa shop namin. Napalaki ang mata sa nakita ko... Wow! Ang daming tao! Nilibot ko ang paningin ko. "Wala siya?" tanong ko sa sarili ko.

"Yuri ano pang ginagawa mo diyan? Halika kana dito at tumulong kang mag serve." sabi ni Mama. Sumunod naman ako kay Mama. Kumuha ako ng apron tsaka ko tinulungan si Mama na mag serve.

Habang nagseserve ako ay nakarinig ako ng isang pamilyar na boses ay hindi mga pamilyar na boses. Sinundan ko ang mga boses na yun at nakita ko ang mga kaibigan kong sina Taeyeon, Hyoyeon na kumukuha ng mga order tapos si Sooyoung at Seohyun naman ay tumutulong sa pag serve.

"Hoy serve mo na yan sa table 5 kanina pa hinihintay yan." sabi ni Taeyeon sakin nung napadaan siya sa tapat ko. Tumango naman ako tsaka naglakad papunta sa table 5. Nilibot ulit ang paningin ko pagkatapos kong iserve yung order ng table 5.

"Wala talaga siya." sabi ko sa sarili ko tsaka naglakad pabalik sa counter.

"Uy Yuling eto serve mo sa table 10. Bilisan mo ha." utos sakin. Kinuha ko yung tray tsaka naglakad papunta sa table 10. Pagka serve ko ay napaisip ako.

"Yuling? Isang tao lang tumatawag sakin na Yuling." sabi ko sa sarili ko tsaka nagmadaling bumalik sa counter at dun nakita ko siya... Si Yoona tinutulungan si Mama at Papa sa pag aayos ng mga order. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako at kinakausap na ako ni Sooyoung.

"Hoy! Kwon Yuri! Bilisan mo madami pang nakapila sa labas. Mamaya mo na siya titigan." sabi ni Sooyoung sakin. Napatingin naman ako sakanya pero nakalayo na siya.

"Baka matunaw siya. Mamaya na ang pagtitig." bulong naman ni Taeyeon sakin kaya napatingin ako sakanya. Naka smirk siya sakin. Nagpatuloy kami sa pagserve at pagkuha ng order hanggang sa maubos na ang mga tao sa shop.

"Haaay. Grabe. Daming tao kanina." sabi ni Hyoyeon tsaka umupo sa isa sa upuan sa shop.

"Ganito pala ang feeling ng isang service crew." sabi naman ni Sooyoung tsaka tumabi kay Hyoyeon.

"Pero aminin niyo ang sarap sa feeling diba." sabi naman ni Seohyun na umupo din sa tabi nila.

"Ulitin natin 'to." sabi naman ni Taeyeon. Tumango naman yung tatlo.

"Uy dudes thank you sa pagpunta ah. Alam ko kasi late magigising tong si Yuling ngayon eh kasi hapon pa pasok natin. Sorry sa istorbo." sabi naman ni Yoona. Habang nakaupo sa counter.

"Uy bumaba ka nga diyan." saway ko sakanya. Binelatan lang niya ako. Tignan mo tong bata na'to. Magsasalita sana ako ulit nang may magsalita sa likod ko isang pamilyar na boses.

"Goodmorning Tito... Tita at sainyong lahat. Hi Yoona." bati ni Luhan. Napatingin kaming lahat sakanya.

"Goodmorning din." bati naman ni Mama at Papa sakanya. Tumango at ngumiti lang naman sila Taeyeon sakanya.

"Ahhh... Nga pala dudes si Luhan... Pinsan ko." pakilala ko kina Taeyeon.

"Hi." bati naman si Luhan sakanila. Ngumiti lang naman sila sakanya.

"Ahhh... Luhan eto pala si Taeyeon, Seohyun, Hyoyeon at Sooyoung mga kaibigan ko." pakilala ko kay Luhan. Nag bow naman siya sakanila.

"Hi. Nice to meet you all." sabi niya sabay ngiti.

"Nice to meet you din." sabi naman nila. Hah sabay sabay talaga. Napansin kong napatingin si Luhan kay Yoona na nakaupo parin sa counter kaya napatingin din ako kay Yoona.

"Hi Yoona." nakangiting bati niya. Ngumiti naman si Yoona.

"Hi din." bati naman ni Yoona.

"Anong meron bakit nandito kayo?" tanong ni Luhan.

"Wala naman tumulong lang kami kkay Mama at Papa. Ang dami kasing tao dito sa shop kanina eh alam kong late magigising si Yuling ngayon kasi hapon pa pasok namin kaya ayun pinapunta ko sila dito para tumulong." mahabang sagot ni Yoona. Napatingin ako kay Luhan. Grabe makatitig kay Yoona.

"Ganun ba... Hmmm... Ok lang ba kung tumulong din ako sa susunod na tutulong kayo dito?" tanong niya ulit. Tumango naman si Yoona habang nakangiti. Nung akmang baba na si Yoona sa counter ay nag unahan pa kami ni Luhan para tulungan siya kaya napatingin si Yoona saming dalawa.

"Ok lang kaya ko naman bumaba mag isa eh." sabi ni Yoona samin ni Luhan. Tumango naman kami ni Luhan tsaka bumalik sa pwesto namin. "Anong oras na?" tanong ni Yoona. Sabay sabay naman kaming napatingin sa orasan.

"Lunchtime na." tuwang tuwa na sabi ni Sooyoung. Naku eto na po siya. Ngumiti naman si Mama tsaka hinanda ang mga kakainin namin.

"Mama. Tulungan na po kita." sabi ni Yoona tsaka sumunod kay Mama sa kusina. Habang naghahanda sina Mama ng pagkain namin ay lumapit naman si Luhan sakin.

"Dude. Nakausap mo naba si Kuya Heechul niyo?" tanong niya sakin. Napatingin naman ako sakanya.

"Ha? Ahhh... Hindi pa dude. Dipa kami nagkikita eh." sagot ko naman. Tumango lang naman si Yoona. Nung makita kong medyo madaming dala si Yoona ay agad akong lumapit sakanya. "Tulungan na kita." sabi ko sakanya. Napatingin naman siya sakin na punong puno ng pagtataka di ko nalang siya pinansin tsaka kinuha ang ibang bitbit niya. Ganun din ang ginawa ni Luhan.

"Ok na ba?" tanong ni Sooyoung na naka upo na sa harap ng mga pagkain.

"Oh siya kumain na tayo." sabi ni Mama. Umupo na kami sa mga pwesto namin well maliban kay Luhan.

"Oh iho bakit di kapa umupo?" tanong ni Papa. Nilibot naman ni Luhan ang paningin niya at nakita niyang may space pa sa pagitan namin ni Yoona.

"Ok lang ba diyan nalang ako?" tanong niya habang nakaturo sa pagitan namin ni Yoona. Nagtinginan naman kami ni Yoona.

"Sige ok lang." sabi ko naman tsaka umusog sa tabi ni Taeyeon. Si Yoona naman nakatingin lang sakin parang disappointed siya. Si Luhan naman ngumiti lang sakin tsaka tumabi kay Yoona.

Habang kumakain kami ay di ko maiwasang mapatingin kay Luhan na todo asikaso kay Yoona. Si Yoona naman parang naiilang sa ginagawa ni Luhan para sakanya.

"Ikaw kasi eh. Ayan tuloy." bulong ng katabi kong si Taeyeon. Napatingin naman ako sakanya pero ngumiti lang siya sakin tsaka nagpatuloy sa pagkain. Ako naman napatingin ulit kay Yoona at this time nakatingin din siya sakin kaya nag iwas ako ng tingin tsaka nagpatuloy sa pagkain.



A/N

More Chapters to come. :) :) :) Thank you for reading this story. :) :) :)

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon