Chapter 6

178 12 2
                                    

AUTHOR'S POV

Naglalakad papuntang palengke si Yuri para bumili ng mga kakailanganin nila para sa noodle shop nila nang makasalubong niya ang kotse ni Luhan.

"Yul!" pagtawag ni Luhan nula sa loob ng kotse niya. Napatingin naman si Yuri sakanya.

"Uy! Luhan." sabi naman ni Yuri tsaka ito lumapit sakanya.

"San lakad mo?" tanong ni Luhan.

"Ah. Sa palengke lang may pinapabili si Mama sakin." sagot naman ni Yuri.

"Tara samahan na kita." sabi ni Luhan. Tumango naman si Yuri.

Sinamahan ni Luhan si Yuri sa palengke para mamili. Habang namimili si Yuri ay nag iisip naman si Luhan kung pano siya nagpapaalam na manligaw kay Yoona.

"Anong problema?" biglang tanong ni Yuri. Napatingin si Luhan sakanya pero hindi ito nakatingin sakanya kundi sa mga binibili niya.

"Ha? Ahmmm... Ano kasi..." putol na sabi ni Luhan.

"Ano? Sabihin mo na baka matulungan kita." sabi ni Yuri pero di parin siya nakatingin kay Luhan.

"Gusto ko lang sana magpaalam sayo." sabi ni Luhan. Napatingin naman si Yuri sakanya.

"Magpaalam? Babalik kana sa China?" tanong ni Yuri. Umiling naman si Luhan. "Eh ano?" tanong ulit ni Yuri.

"Ano kasi... Hmmm... I-i think I like Yoona." sabi ni Luhan. Napatingin naman si Yuri sakanya.

"Na naman parang kay Hyuna lang dati." Sabi ni Yuri sa sarili niya.

"Your mom and dad told me that if I want to court Yoona... Hmmm... Magpaalam muna daw ako sayo tsaka dun sa Kuya Heechul niyo." sagot ni Luhan. Si Yuri naman ay nakatingin lang sakanya. "So I was thinking hmmm... Papayag kaba na ligawan ko ang bestfriend mo?" tanong ni Luhan.

"Hindi." maikling sagot ni Yuri. Napatingin lalo sakanya si Luhan at nakita nitong seryoso ang muka ni Yuri pero unti unti itong ngumiti sakanya. "Joke lang. Hahaha. Grabe you should see your face dude." tumatawang sabi ni Yuri. Napangiti naman si Luhan.

"So pumapayag ka?" tanong ni Luhan. Tumango naman si Yuri.

"Sino ba naman ako para pigilan kang manligaw sakanya diba. Pero dude na kay Yoona parin ang desisyon ha at kung papayag man siya. Siguraduhin mong hinding hindi mo siya sasaktan." sabi ni Yuri at tumango naman si Luhan.

"Oo dude promise. I wont hurt her. Thank you dude! Thank you talaga." tuwang tuwa na sabi ni Luhan.

"Im happy for you dude." sabi ni Yuri sabay ngiti. "Really happy." sabi pa niya. "Sinungaling ka Yuri. Masaya? G*g* ka ba? Mahal mo ang bestfriend mo more than bestfriend tapos masaya ka kasi mangliligaw pinsan mo sakanya." sabi ni Yuri sa sarili niya habang nakatingin sa pinsan niyang sobrang saya habang namimili ng mga kailangan nila di niya napansin na kinakausap na pala siya ni Luhan.

"Uy ano na? Yan lang ba kailangan natin?" tanong ni Luhan sakanya.

"Ha? Ahhh... O-oo eto lang tara na." sabi ni Yuri sabay kuha ng mga binili nila.

Buong biyahe ay nakangiti lang si Luhan habang si Yuri naman ay iniisip parin ang pag payag niya sa gusto panliligaw ni Luhan kay Yoona.

"We're here!" masayang sabi ni Luhan. Napatingin naman si Yuri sa labas at nakita niyang wala sila sa bahay nila.

"Teka anong ginagawa natin dito?" takang tanong ni Yuri. Ngumiti naman si Luhan sakanya tsaka ito bumaba ng sasakyan.

"What are you doing there? Lets go inside. Mom and Dad is waiting for you inside." nakangiting sabi ni Luhan.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon