Chapter 4

202 14 2
                                    

TAEYEON'S POV

Naku tong mag bestfriend na'to kung di lang namin alam na mag bestfriend sila siguro npagkamalan na naming mag syota to ang sweet ba naman kasi eh. Nagsusubuan, laging share sa pagkain este sa lahat.

"Dude? Ok ka lang." tanong ni Hyoyeon sakin. Napatingin naman ako sakanya taaka ngumiti at tumango."Sure ba kayong bestfriend lang sila?" tanong niya ulit sakin. Napatingin naman ulit ako kina Yuri.

"Ewan ko nga eh." sagot ko naman. Lumapit at umupo naman si Sooyoung at Sunny sa tabi nung dalawa.

"Hala sige lang. Hiyang hiya sa mga langgam sainyo oh." sabi ni Sooyoung sabay subo ng pagkain niya. Napatingin naman ang dalawa sakanya.

"Grabe daming langgam." biro naman ni Sunny habang nagkakamot ng binti niya. Napatingin naman si Seohyun sa ilalim ng mesa.

"Madami talagang langgam." sabi niya. Sabay sabay kaming napatingin sa ilalim at nakita namin madami ngang langgam kaya nagtaas kami ng paa.

"Grabe ah. Ang yaman ng school natin pero may langgam sa cafeteria." sabi naman ni Sunny habang nagkakamot parin ng binti niya. Si Sooyoung naman eto kain lang ng kain parang si Yuri at Yoona. Maya maya pa...

"Oh my God! Hi guys! Namiss ko kayo!" sigaw ng isang matining na boses mula sa likod namin nila Yuri. Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Jessica at Tiffany.

"Ikaw lang nakamiss sakanila? Ganun." sabi naman ni Tiffany. Tinignan naman siya ni Jessica.

"Bakit namiss mo ba sila? If I know si T--" putol na sabi ni Jessica kasi tinakpan ni Tiffany yung bibig niya.

"Sino? Sino?" tanong ni Sooyoung.

"Ahhh... Wala. Wala yun. Hayaan niyo 'to gutom lang siya kaya kung anu ano sinasabi niya." sabi naman ni Tiffany habang nakatakip parin ang kamay niya sa bibig ni Jessica.

"Yah! Take off your hand on my mouth!" iritang sabi ni Jessica. Grabe talaga tong babae na'to may takip na ang bibig pero malakas parin boses niya. Napatingin si Jessica kay Yuri at Yoona na kumakain sa isang plato. "Oh my God! Are you two together now?" tanong niya sa dalawa habang salitan niya silang tinuturo. Nagtinginan naman si Yuri at Yoona bago sabay na tumingin kay Jessica.

"Hindi ah! Mag bestfriend lang kami!" sabay nilang sagot. Napatingin naman halos lahat ng estudyante sa pwesto namin.

"Hala. Defensive." sabi naman ni Sunny tsaka nakipag apir kay Sooyoung at Hyoyeon.

Umupo si Jessica sa tabi ni Yuri si Tiffany naman ay pinatabi ni Jessica sakin.

"So what's the news?" tanong ni Jessica.

"Absent kayo sa first 3 subjects natin. That's the news." sabi naman ni Sooyoung. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jessica.

"Well. Wala pa namang ginawa kanina except for the introduction." sabi naman ni Seohyun. Tumango naman si Jessica.

"So Yuri. Ano balita sa noodle shop niyo?" tanong ni Jessica kay Yuri. Napatingin naman si Yuri sakanya.

"Yung noodle shop? Hmmm... Ganun parin naman wala parin nagbago pero mas madami ng dumadayo sa shop ngayon." sagot naman ni Yuri. "Sayo anong balita?" tanong ni Yuri sakanya.

"Well except sa maganda parin ako. Hmmm... Wala naman masyado. Maganda parin ako." sagot naman ni Jessica. Napatingin naman kami sakanya. "What?" mataray na tanong niya samin. Umiling naman kami.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon