Chapter 14

179 11 1
                                    

TIFFANY'S POV

It's been 3 days simula nung naglaro kami ng football. Grabe parang totoong laban yung laro namin ang seryoso ng mga kasama kong naglalaro pero di ko makalimutan yung sinabi ni Taeyeon sakin. Distract? Nadidistract ko siya? Distraction pala ako sakanya. Pero meron pa siyang sinabi na isa na nakapag pabilis ng tibok ng puso ko.

"I love you? She said I love you to me? or maybe to Jessica kasi katabi ko si Jessica that time." sabi ko sa sarili ko. Kelan niya sinabi yun? After niyang matamaan ng bola sa muka.

*Flashback*
After niya akong sabihan na nadidistract ko siya ay hindi ko na siya nilapitan kaya kapag nakaka score ako ay Hyoyeon at Nickhun ako nakikipag apir at hindi sakanya.

"Last 2 minutes!" sigaw ni Sunny. Napatingin naman ako sa field nakapwesto na silang lahat. Talo na kami grabe naman kasi sila Yuri parang totoong laban tong laro namin masyadong seryoso. Maya maya pa ay nakarinig ako ng isang sigaw na sobrang ikinagulat ko.

"Woooh! Go Hyoyeon! Go Tiffany! I love you!" sigaw ni Nickhun. Napatingin ako sakanya. Ano daw? I love you? Nag I love you siya sakin? Maya maya pa isang sigaw na naman ang narinig ko.

"Taeyeon!" sigaw ni Hyoyeon. Napatingin ako kay Taeyeon. Bakit di siya gumagalaw? Yah! Kim Taeyeon iwasan mo yung bola. Gustong gusto kong sumigaw pero parang di ko mabuka ang bibig ko st ayun na nga tinamaan siya ng bola sa muka.

Agad kaming lumapit sakanya para icheck kung ok lang siya. Maging si Seohyun, Sunny, Luhan, Nickhun, Jessica at Kris at pinuntahan din siya.

"Hala ka Yuri." sabi ni Sooyoung habang papunta kami kay Taeyeon. Nang makalapit kami kay Taeyeon ay agad namin siyang pinalibutan.

"Ok lang ba siya?" tanong ni Yuri habang chinicheck si Taeyeon. Adik ba siya? Kita niyang nawalan ng malay eh malamang hindi siya ok.

"Is she still alive?" tanong naman ni Jessica. Ay grabe ah.

"Grabe ka naman. Bola lang yung nakatama sakanya uy." sabi naman ni Sunny.

"Dalhin na natin siya sa clinic." sabi naman ni Yoona.

"Oo nga. Halos 1 minute na siyang walang malay oh." sabi naman ni Hyoyeon.

"Sige sige tara. Oh dahan dahan lang ah." sabi naman ni Kris pero nung akmang bubuhatin na nila si Taeyeon ay biglang siyang nagka malay. Pumwesto ako sa harap niya at tumabi naman si Jessica sakin. Unti unti niyang minulat yung mga mata niya at unti unting bumango pero inalalayan siya nila Kris sa likod.

Nakatingin siya direkta sa mga mata ko gusto kong umiwas pero ayaw sumunod ng utak ko. Maya maya pa...

"I love you." biglang sabi ni Taeyeon. Para sakin ba yun?

"Ano daw?" tanong ni Hyoyeon.

"I love you daw." sagot naman ni Sooyoung.

"Taeyeon... Dude... Ok ka lang?" tanong ni Yuri sakanya. Dahan dahan namang tumayo si Taeyeon pero nung makatayo siya ay muntik na naman siyang matumba.

"Oh oh oh. Wag mong pwersahin sarili mo dude." sabi naman ni Hyoyeon.

"Anong nangyari?" tanong niya.

"Hala! May amnesia na siya. Lagot ka Yuri." sabi naman ni Sooyoung habang nakatakip yung kamay niya sa bibig niya tapos yung isang kamay niya nakaturo kay Taeyeon.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon