Chapter 41

190 11 1
                                    

NICKHUN'S POV

Ay bongga oh may moment ako haha. Hi readers kilala niyo ako? Hindi noh... Ok I will introduce myself... My name is Nickhun at ako lang naman ang pinaka magandang babae sa balat ng Earth at Universe... oh diba... ganyan dapat magpakilala. By the way nandito pala kami sa mall ngayon sa pangunguna ni... Tada! Jessica Jung! at dahil Birthday ni Seohyun ngayon manlilibre daw siya pak!

Habang naglalakad lakad kami ni Tiffany, Jessica at Taeyeon dito sa mall kasi nga nauna kami sa mga kasama namin ay napansin ko na hindi maingay si Jessica ngayon. Ang tahimik niya sobra dahil kaya wala si Kris? Lagi silang magkasama dati ah bakit ngayon wala yung buntot niya. Bihira na ding pumasok si Kris sa school di kaya ma drop out yun.

"Girl. Tara samahan mo ako tumingin ng mga make up." yaya skain ni Jessica. Ay finally nagsalita din siya.

"Ay game ako diyan." sabi ko naman. Kinawit naman niya yung kamay niya sa braso ko.

"Sama kami." sabi naman ni Tiffany na kaholding hands si Taeyeon.

"No! Mag date kayong dalawa at magdidate kami." sabi naman ni Jessica. Inalis ko naman yung kamay niya sa braso ko kaya napatingin siya sakin.

"Date your face. Hindi ako lesbian noh." sabi ko naman tsaka lumayo ng konti sakanya. Napangiti naman si Tiffany at Taeyeon.

"Hindi rin ako lesbian noh. Duh!" sabi naman ni Jessica. "Baka nga type mo ako eh dinideny mo lang." sabi pa niya sabay ngiti ng nakakaloko sakin. Umakting naman akong parang nasusuka.

"Yuck! Kadiri ka girl! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo." sabi ko tsaka tumabi kay Tiffany.

"Actually kinilabutan nga ako eh." sabi naman niya tsaka nanginig na parang naiihi na ewan.

"Naku. Samahan mo nalang kasi siya Nickhun." sabi naman ni Taeyeon. Tinignan ko naman siya.

"Bongga! Infairness nasasabi mo na ng tama ang name ko ah. I love you na." pagbibiro ko naman kay Taeyeon. Hinampas naman ni Tiffany yung kanang balikat ko.

"Yah! She's mine. Back off." sabi ni Tiffany sakin.

"Ay ang taray. Oo na! Sayong sayo na siya. Di ako pumapatol sa midget." sabi ko naman tsaka tumabi ulit kay Jessica tapos nag apir pa kami.

"Alam mo ok na sana eh. Sama mo ah. Ikaw na matangkad." sabi naman ni Taeyeon.

"Yah! Samahan mo na nga ako." sabi naman ni Jessica tsaka ako hinila papunta sa kung saan.

"Jessica! Kita kita tayo sa foodcourt mamaya!" rinig kong sigaw ni Tiffany.

FF

Grabe tong kasama ko ah. Kanina pa kami palakad lakad dito sa loob ng department store pero wala parin siyang magustuhan na make up. Ang choosy teh!

"Yah. Wala ka pa bang nagustuhan? Ang sakit na ng feet ko te ah." reklamo ko kay Jessica pero di niya ako pinansin.

"Ate may shade ba kayo ng pink neto?" tanong niya dun sa saleslady tsaka siya lumapit sakin. "What do you think? Red or Pink?" tanong niya sakin.

"Bet ko yung pink te. Hintayin natin yung pink." sagot ko naman. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Narinig niyo na ba yung balita? Ipapakilala na daw si Wu Yi Fan." rinig kong sabi nung isang saleslady.

"Ay oo girl. Dito daw papakilala eh sa may event center sa ground floor." sabi naman nung isa.

"Ano kayang itsura niya? I bet gwapo siya." sabi pa nung isa. Makikisali sana ako sa kalandian ng mga saleslady sa likod namin nang biglang magsalita si Jessica.

My Bestfriend, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon