Hara's POV
"Magandang umaga mga bata" bati samin ng filipino teacher namin.
"Magandang umaga Bb. Concepcion" bati naman namin. Dalaga pa si ma'am at ngayong year lang na-hire bilang guro dito sa academy. Sa pagkakaalam ko, mga 24 years old pa lamang siya.
Pang-apat na subject namin ngayon ang filipino ngunit wala pa ring pumapansin sa bag na nakapatong sa teacher's table. Kahit ang mga kaninang guro ay ipinag-sawalang bahala na lamang ito.
"Kanino tong bag?" tanong ni ma'am pagkalapag niya ng gamit niya sa teacher's table. Natanong na din sa amin yan ngunit iisa lang ang sagot namin.
"Hindi po namin alam" sagot ng iilan.
"Okay." at idinikit na ni ma'am ang mga visual aids niya sa pisara at nagsimulang magturo.
Hindi ko alam kung paano niya parin natitiis kami kung karamihan sa amin ay hindi nakikinig at binabastos lamang siya. Siguro hindi pa niya alam ang sikreto ng mga estudyante at guro dito. Sa tingin ko ay inosente si Ms. Concepcion, baguhan palang kasi.
"AAAAAAAAAAAHHHHHHHH!" nabigla kami ng biglang sumigaw si Irene na nasa unahan at katapat ng teacher's table. Akala ng iba ay nagpapapansin na naman siya dahil isa siya sa mga teacher's pet dito. Maraming naiinis sa kanya sa pagiging spoiled brat at attention seeker.
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!" sumigaw ulit si Irene kaya nagsibulungan ang ilan.
"May problema ba Irene?" tanong ni Ms. Concepcion.
"M-may... may tumutulo!" pautal utal na sagot niya habang nakaturo at titig na titig sa sahig.
"Ha?" itinigil muna ni ma'am ang pagtuturo at mas lumapit kay Irene na nakaturo pa din sa sahig.
"Teka, saan galing to?" nagtatakang tanong ni ma'am na ikinasanhi ng kuryosidad namin kaya nagsitayuan ang mga naka-upo sa likod at lumapit sa harap para maki-usyoso.
Ginaya ko naman ang mga kaklase ko at lumapit din sa harap.
Hinanap ni ma'am kung saan nanggagaling ang tumutulong likido sa sahig at galing iyon sa bag.
Ipinahid ni ma'am ang kamay niya sa ilalim ng bag kung saan nagsisitulo ang likido at nagulat naman kami ng makakita kami ng isang pulang-pulang likido mula sa kamay niya.
"D-dugo?" di siguradong sabi ni ma'am.
"Ma'am, dugo ba talaga yan?" tanong ni Trisha na halata mong natatakot na.
"Hindi ako sigurado. Malalaman natin kung makikita natin ang nasa loob ng bag na ito" sagot naman ni ma'am at akmang bubuksan na sana ang zipper ng may sumigaw.
BINABASA MO ANG
10270171127D
Teen FictionLabing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutiegogo for the lovely cover ^O^