Hara's POV
"Anak, lumabas ka na diyan sa kwarto mo. Kumain ka muna kahit saglit" sabi sakin ni manang na nasa labas ng kwarto ko. Tulad ng dati, hindi ako umimik.
"Hara naman... nandito si Sean. Mag-usap daw kayo" medyo nagulat naman ako ng marinig ko ang pangalang Sean ngunit hindi ko parin nagawang magsalita man lang. May tumulo na namang luha sa aking mga mata kaya nakayakap ako ng mahigpit sa unan.
Kahit sobrang miss ko na sila Sean, ayoko paring makipag-usap sa kanila. Ayokong harapin sila... hindi ko pa kaya. Baka pangunahan lang ako ng galit. Ilang araw na din kasi ako nagmumukmok dito sa kwarto ko simula ng sabihin nilang patay na ang mga magulang ko.
Sobrang sakit kasi.
Maya maya, naramdaman ko na lang na nagbukas ang pintuan at may umupo sa kama ko. Nanatili akong walang imik kahit alam kong nandyan na si Sean, marahil ay ginamit na nila ang spare key ng kwarto ko.
"Tumayo ka muna diyan" panimula niya.
"Hara... kumain ka na. Please wag mong pabayaan yang sarili mo" nagsalita siyang muli ngunit hindi ako sumasagot. Ayoko... ayokong magsalita.
"Hara ano ba? Mag-usap nga tayo, harapin mo ako..."
"A-ayoko" pinilit kong magsalita ngunit nabasag parin ang boses ko. Napakagat na lang ako ng labi upang pigilan ang pag-iyak.
"Hara ano ba? Hindi naman pwedeng magkulong ka lang sa kwarto mo buong araw. Hara nandito pa naman ako... kausapin mo naman ako" sabi niya. Humarap na ako sa kanya at umupo sa kama.
"Hindi mo ako maiintindihan kaya umalis ka na. Hindi kita kailangan." sabi ko. Sabi na eh. Kaya ayokong magsalita kasi wala naman akong magandang sasabihin. Ayokong magsalita ng masama kay Sean ngunit hindi ko mapigilan. Mas lalong nadudurog ang puso ko sa mga salitang binibitiwan ko.
"Pwes ako kailangan ka! Hara ilang araw mo na akong sinasaktan. Akala mo ba wala lang sakin ang mga nangyayari? Boyfriend mo ako at dinadala mo ang anak natin kaya sobrang nag-aalala na ako sayo. Hara gumising ka! Hindi lang sayo umiikot ang mundo kaya tama na! Tumigil ka na... lagi kitang iniitindi pero please lang, tama na" sabi niya habang dinuduro ako.
"Bakit ba? Edi iwanan mo na ako! Mukhang pabigat na lang naman ako sayo... umalis ka na! Sino ba kasing nagsabing mag-alala ka sakin? Sinabi ko bang pahirapan mo yang sarili mo para sakin hah?!" sumbat ko sa kanya.
"Ano? Iwanan na lang kita?! T*ngna Hara! Ilang taon na tayo! Ngayon pa ba kita iiwan? Hara mahal kita, nandito lang naman ako eh... ang sakin lang, wag mong sarilinin yang mga problema mo. Handa naman akong makinig" sabi niya ng direktang nakatingin sa mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin.. ayokong makita ang malulungkot niyang mata.
"Ayoko. Natatakot ako..." bulong ko.
"Bakit ka ba natatakot? Yang killer na yan? Hindi ba nagsumbong ka na sa pulis? Magiging maayos din ang lahat. Bakit ka ba ganyan? Nasaan na ang kilala kong Hara na napaka-tapang."
BINABASA MO ANG
10270171127D
Teen FictionLabing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutiegogo for the lovely cover ^O^