Hara's POV
Dissmisal time na.
Inayos ko na ang mga gamit ko atsaka hinintay na makalabas ang lahat. Ayokong makipag-sabayan sa kanila. Baka mapansin na naman nila ako...
Nang wala ng natirang tao, lalabs narin sana ako ng mapansing may isa pang tao ang nandito sa classroom. Nilapitan ko siya atsaka kinilala ko ito.
Si Eron lang pala. Natutulog siya at mukhang walang kaalam alam na nakauwi na ang mga estudyante.
Tatapikin ko na sana siya upang gisingin ng may maalala ako.
*flashback"
"Hara sabay tayong umuwi" sabi ni Eron sakin habang nakaakbay. Mabilis ko namang tinanggal iyon atsaka nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko namang nakikisabay siya akin sa paglalakad.
"Kasabay ko si Sean" sabi ko ng walang tingin tingin upang tigilan na niya ako.
"Ano naman?"
"Susunduin niya ako"
"Tss. Wala pa naman siya eh, ako muna sasabay sayo sa paglalakd" sabi niya at muli, inakbayan na naman niya ako. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Humarap ako sa kanya.
"Boyfriend ko si Sean" tipid kong sabi ngunit alam kong maiintindihan naman niya yun. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at nawala ang kaninang malalapad niyang ngiti. Tinanggal na din niya akbay sa akin.
"Ah? pasensya na..." sabi niya habang nakahawak sa batok.
"Siya ang mahal ko kaya sana..." hindi ko na tinapos ang pagsasalita bagkus ay nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad at iniwan ko siyang mag-isa dun.
Ayoko ng ituloy ang sasabihin ko sana dahil baka masaktan ko lang ang damdamin niya.
Eron, pero di ko kayang suklian ang nararamdaman mo para sakin...
*end of flashback*
Nabalik ako sa realidad ng iminulat niya ang mga mata niya at nagkatitigan kami.
Halos hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Para banag nanlamig ang katawan ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang paningin namin. Isama mo pa ang pagkalapit ng mga mukha namin sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya at unti unting nakikita ko ang kanyang mga ngiti na kahit sinong babae ay mahuhumaling.
BINABASA MO ANG
10270171127D
Teen FictionLabing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutiegogo for the lovely cover ^O^