October 9, 2001
Lumipas ang pitong taon...
Nakapag-tapos sila ng kolehiyo ngunit malaking palaisipan sa mga estudyante noon ang biglang pagkawatak-watak ng barkada nila William.
"Sir, may naghahanap po sa inyo" sabi ng isang sekretarya.
"Papasukin mo na" sagot naman ni William habang nakaupo sa table ng opisina niya. Isa ng ganap na may-ari ng kompanya si William at may asawa na rin ito at may apat na taong gulang na anak. Maayos ngayon ang pamumuhay niya ngunit minsan ay nasa isip parin niya kung ano ng nangyari sa mga kaibigan niya. Simula kasi mangyari ang insedenteng iyon, nagka-iwasan na ang mga binata hanggang sa magtaposng pag-aaral hanggang sa wala na siyang balita sa barkada. Tanging isa na lamang sa mga kaibigan niya ang patuloy niya paring nakakausap.
Pinapasok na nga ng sekretarya niya ang bisita habang patuloy pa din sa pagbasa ng mga paples si William.
"K-kamusta ka na?" biglang napatigil si Qilliam at para bang nanigas siya sa kinauupuan niya ngayon...
Ang boses na iyon....
"Naaalala mo pa ba ako.... William?" mala-anghel ang boses ng babae. Lumipas man ang mga taon, hindi parin lubusang nakalimutan ni William ang babaeng iyon...
Ang babaeng nagpabaliw sa kanya.
Ang babaeng una niyang inibig.
"Ang babaeng inakalang patay na.
"C-Cassandra..." hindi makapaniwalang sambit ni William.
'Hindi maari! P-paanong... patay na siya diba?!' sabi nito sa sarili.
"Ako nga" at ngumiti si Cassandra. Isang simpleng kasuotan lamang ang kanyang suot at may kapayatan din ito. Mahahalata mong maraming problema ang dala dala nito dahil sa itsura. Ngunit kapansin pansin din ang kasama nitong bata.
"P-paanong..." hindi padin makapaniwala si William sa nangyayari.
"William, kailangan ko ng tulong mo" nagingiusap ang mga mata ng babae.
"Paano ka nabuhay?" sa wakas at nasabi narin niya ang kanina pang bumabagabak sa kanyang isip. Medyo nag-iba ang aura ng babae dahil na din sa alaalang muling nag-balik.
"Sa tingin niyo ba namatay talaga ako noon? Buhay ako William. Buhay na buhay" nagpipigil ng galit si Cassandra. Hindi niya pwedeng taasan ang pananalita dahil sa pagkagipit nito.
"P-pero bakit hindi ka nagpakita noon?"
"Natatakot ako... Simula ng nangyari, natakot na ako sa mga tao... hindi ko kayo kayang harapin" at may nagingilid ng luha sa mga mata nito at mas napakapit ng mahigpit sa kamay ng bata.
BINABASA MO ANG
10270171127D
Teen FictionLabing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutiegogo for the lovely cover ^O^