25 : His side

7.2K 184 41
                                    

Sean's POV

"Huminahon po kayo, ginagawa naman po namin ang lahat mahanap lang siya" sabi ni chief Angeles kay manang Sena.

"Ilang araw na din kasi siyang wala. Di ko mapigilang mag-alala sa batang yun. Diyos ko, wag naman sana siyang mapahamak" nanginginig na sabi ni manang habang pinapakalma siya ni Justine, ang apo niya. Dumayo pa talaga siya dito sa Maynila para alagaan niya yang lola niya, alangan naman ako pa? Di ko naman yan obligado. Kung sana noon palang hinayaan na niya si Hara, kung sana di siya nagtagal sa pagtatrabaho sa pamilyang Cereza, edi sana hindi siya nag-aalala ngayon. Ang bobobo kasi. Tsk.

"Magpahinga na lang muna kayo at kami na ang bahala dito. Babalitaan na lang namin kayo kapag may nasagap kaming balita" mahinahong pagkakasabi ng pulis.

Nga pala, nasa prisinto kaming lahat, nakikibalita kung nahanap na si Hara. Syempre t*ngina aarte na naman ako. Nakakasawa pero napakasaya.

"Kuya Sean, ako na lang po ang bahala kay lola. Pumasok na lang po kayo sa school niyo kasi baka malate pa kayo" sabi sa akin ni Justine. Tumango ako habang nakangiti ngunit pagkatalikod nila sa akin at nabura agad ang mga ngiti ko.

Kung alam niyo lang lahat na nasa akin ang taong hinahanp niyo. Tsk tsk tsk.

Sumakay ako ng kotse ko at dumiretso sa Cresent Academy. Isang kabaliwan lang din itong paaralang ito. Biruin mong madami ng pinatay at sumabog na ang ibang mga gusali, hindi parin tumitigil sa kalokohan nila. Hindi naman ito isang paaralan. Isa itong impyerno kung saan lahat ay makikinabang.

Naglakad lakad ako sa highschool department. Madaming alaala ang lugar na ito. Sa ngayon, may klase na dapat ako ngunit hindi ako pumasok. Para saan pa? Kung hindi naman pantay-pantay ang tingin ng mga guro dito, bakit ako mag-aaksayang mag-aral kung pwede namang ituon ko lang ang buong sarili sa misyon ko. Bakit pa ako mag-aaksaya ng oras? Ano ako g*go? Siguro nga gag* ako, pero sila naman ay mga p*tangina!

Tumambay ako sa may school field at sumandal sa isang puno doon. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Unti na lang makakmit ko na ang sukdulan ng kasiyahan ko. Unti na lang makakamit ko na ang hustiyang inaasam ko.

Naiyukom ko ang mga palad ko ng muling maalala ang masilumot kong nakaraan. Kung hindi lang dahil sa kanilang lahat hindi naman ako magiging ganito. Tama, sila ang may dahilan. Sila ang gumawa sa demonyong ito kaya hindi ko pagsisisihan lahat ng nasimulan ko.

**

"Mama!" sigaw ko atsaka pinilit na makawala sa mga lalaking nakawak sa akin. Ilang minuto simula ng titigan ko ang orasan. Ilang minuto matapos mawalan ng hininga ang mama ko. Lalaban na ako.

 

"Aray ko! T*ngna kang bata ka!" at binatukan ako ng malakas ng lalaking kinagat ko ang mga braso. Tinignan ko silang lahat ng masama.

 

"Wag mong saktan ang bata" napalingon kaming lahat sa lalaking nagsalita. Pamilyar siya. Siya ang lalaking pinuntahan namin ni mama noon. Siya ang lalaking inilihim sa akin ni mama. Siya ang tunay kong ama. William Cereza.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon