October 27, 2001
"A-anong ginagawa niyo dito? Anong gagawin niyo sakin?!" natatakot na tanong ni Cassandra.
Kaharap niya ngayon ang pitong lalaking nagpamiserable sa buhay niya. Hindi man niya alam kung paano siya napadpad ng mga lalaking eto ngunit di niya maitatanggi ang labis na takot na nadarama.
"Hindi ba dapat mahimbing ka ng natutulog sa hukay mo?" tanong ng isa sa kanila.
Nilibot naman ni Cassandra ang mga mata at nagbabasakaling wala sana doon ang kanyang anak.
"Bakit? Tutulungan niyo ba ako?"
"Tutulungan? Ang sabi ni William, nasa ospital daw ang asawa mo... biruin mong di na kami mahihirapan sa gagawin namin"
"A-ano?"
"Ayos na sana eh. Nagpakita ka pa"
"Bakit Kayo naman ang may gawa ng pagkamiserable ng buhay ko ah?! Ang sasama niyo... sasabihin ko to sa lahat!" buong lakas na sabi ni Cassandra.
"At balak mo pang sirain ang pamilya namin! Di naman mangyayari to kung di ka nagpanggap na namatay noon!"
"Walang hiya kayo! Lumayas kayo dito!" at tinulak niya ang mga lalaki palabas ng pamamahay ngunit aad na napahinto ng makaramdam ng talim s loob ng kanyang katawan.
"A-ah..." iling neto at napahawak sa tagiliran at nakita ang pagdagak ng kanyang dugo.
"B-bakit...."
"Kung di ka na sana nagparamdam pang muli edi sana di kami nagkakasala ngayon."
"N-nangangailangan lang naman ako ng tulong..."
"Kung mamamatay na ang asawa mo, hayan mo na lang. Pero nandito naman kami para di kayo magkahiwalay ng asawa mo. Yun nga lang, baka mauna ka muna sa impyerno"
"Tarantad* kayo!" at nagtangkang tumakbo si Cassandra ngunit agad siyang nahawakan ng isa sa kanila.
"Tatakas ka pa ahh" sabi neto habang nakasabunot sa buhok ni Cassandra habang nakaluhod."Hanapin niyo anak niyan!" utos ng isa sa kanila atsaka nag-umpisa na silang halughugin ang buong bahay.
"Wag niyong idadamay ang anak ko!" sigaw ni Cassandra na patuloy sa pagtakas ngunit nauuwi lamang sa pananaksak sa kanya hanggang sa manghina ng tuluyan at napadapa nalang sa sahig.
"W-walang ginawang masama ang anak ko. W-william.. anak mo yun demonyo ka!"
"Wala akong anak mula sayo! Pagkakamali lang lahat ng iyon at hindi pwedeng masira ang pamilya ko ng dahil sa bata na yun!" sabi ni William.
"Ang sama sama niyong lahat. Pagsisisihan niyo ang ginawa niyo sa buhay ko. Pagsisisihan niyo to..." galit na galit na sabi ni Cassandra habang patuloy ang pagdagak ng dugo nito.
"Bakit? Maghihiganti ka? Pano ba yan... unting minuto nalang mamamatay ka na?" sabi ng isa sa kanila.
"Mama!" napalingon silang lahat at halos madurog ang puso ni Cassandra ng makitang buhat buhat ng isang lalaki ang kanyang anak.
"Anak ko! Pakawalan niyo siya! Wag niyong sasaktan ang anak ko!"
"Mama!" sigaw ng bata ng saksakin siya sa tagiliran ng taong may hawak sa kanya.
"ARGHHHHHHH! BITIWAN NIYO AKO! WAG NIYONG SASAKTAN ANG ANAK KO SABI!" sigaw ni Cassandra ngunit wala na talaga siyang magawa. Masyado na siyang nauubusan ng dugo...
"Ahh!" magkaharap ang mag-ina habang nakaluhod at hawak hwak ang kanilang mga braso. Iyak ng iyak ang bata...
"May huling salita ka ba para sa anak mo Cassandra? Sabihin mo na... pero wag ka mag-alala, susunod din naman agad tong bata sayo sa impyerno" sabi ng isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
10270171127D
Teen FictionLabing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutiegogo for the lovely cover ^O^