18 : Video

6.6K 186 30
                                    

Hara's POV

"Ne, bawal pumasok dito" sabi nung isang pulis na nagbabantay sa school. Nandito ako sa Cresent Academy. Isang linggo kasing suspendido ang klase dito dahil iimbestigahan pa ang buong school dahil narin sa nangyaring pagsabog ng bomba dito.

"Alam ko po. Gusto ko lang po kayong kausapin" sabi ko dun sa pulis. Sa pagkakatanda ko, siya din ang madalas na pulis na nag-eembistiga noon dito simula noong nangyaring patayan dito.

"Pasensya ka na ineng. Busy ako at umuwi ka na muna sa inyo." sabi pa niya.

"Pero may alam po ako"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tutulungan ko kayo... sasabihin ko na po lahat ng nalalaman ko" sandali niya akong tinitigan, wari'y nagdadalawang isip kung paniniwaaan ako o hindi.

"Hindi ko ho kilala ang killer pero sigurado ako... magkakaugnay lahat ng nangyaring patayan dito. Sasabihin ko na laht ng nalalaman ko... nawa'y paniwalaan niyo po sana ako" sabi ko.

"O sige, ano ba ang mga nalalaman mo?"

Nagsimula na akong magkwento. Wala akong pinalagpas na pangyayari. Sinabi ko din ang pagkawala ng mga magulang ko dahil iisa lang din ng may gawa noon. Lahat ng nalalaman ko ay sinabi ko na.

Mag-isa lamang akong pumunta dito. Wala akong sinabihan ni isa na narito ako at nagsusumbong sa pulis. Ginawa ko na ang gusto ni Sean... sa tingin ko naman ay ito din ang tama. Sana nga tama itong ginagawa ko.

"Hmmmmm...." sabi niya habang nakatingin sa isang notebook kung saan niya sinulat ang mga mahalagang bagay na nasabi ko.

pinagdikit ko ang dalawa kong palad. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang nakakaramdam ako ng matinding takot at kaba.

"Salamat sa pagsasalita mo pero idadaan muna natin ito sa masinsinan na pag-eembistiga. Ito nga pala ang aking numero, maaari mo akong tawagan kung may kailangan ka at pwede mo ding puntahan ang prisinto namin" at may ibinigay siya sa aking kapirasong papel.

Tinitigan ko iyon sandali bago muling mag-salita.

"Salamat po." yun na lamang ang nasabi ko.

Nadismiya ako sa mga nangyayari. Bakit kalmado parin ang pulis na ito? Hindi ba niya ako pinaniniwlaan?

Napabuntong hininga na lamang ako. Akmang aalis na sana ako ng mahagilap ng aking mga mata si Elisha na masama ang titig sa akin.

N-nandito siya?

"Maaari po ba akong pumasok sa loob? Sandali lamang ako..." pagpapaalam ko kay chief.

"O sige ngunit siguraduhin mong sandali lang dahil mahigpit ang pagpapapasok sa loob" pagkasabi niyang iyon ay agad akong pumasok sa loob at hinanap si Elisha.

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon