Hara's POV
"Ano bang sasabihin mo?" tanong ko. Kaharap ko si Elisha ngayon at walang nakabantay na pulis sa amin dahil sa kagustuhan niya. Wala naman siya sigurong gagawing masama dahil nasa prisinto kami at madaming pulis na pakalat kalat lamang dito.
"Excited ka masyado. Pero bago ko sabihin ang sikreto, gusto ko lang malaman mo na tinuring din kita bilang kaibigan" nagulat ako sa sinabi niya. Anong gusto niyang palabasin ngayon?
"Hindi ako naniniwala sayo" matigas kong pagkakasabi. Napabuntong hininga siya.
"O galit ako sayo. Galit na galit ako sayo dahil nasayo ang lahat. Parehas lang namang demonyo ang pamilya natin pero bakit lumaki kang masaya ako hindi? Napunta sayo ang taong gusto kong maging kaibigan. Pati ang lalaking di ko inaakalang magustuhan nasayo din. Galit ako sayo dahil nakaranas kang maging masaya samantalang ako, hindi ko na maalala kung kailan ang huli kong tawa dahil sa kasiyahan" biglang namula ang mga mata niya at nangingilid ang mga luha sa kanyang mata. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Napaiwas ako ng tingin dahil sa kirot na nararamdaman ko. Pero hindi! Bakit ako maguiguilty? Wala naman akong Kasalanan! Binalik ko ang mga tingin sa kanya.
"Ganun ba? Kaya ka ba galit sakin? Kaya mo nagawa lahat ng to? Kaya mo nagawang paglaruan ang buhay ko? Pero kasalanan ko ba? Ano bang malay ko sa buhay mo? At kung alam ko lang... sana ibinigay ko na lang si Keilah sayo! Sana pala kayo nalang ang naging magkaibigan tutal parehas lang naman kayong dalawa. Mang-aagaw at manloloko" singhal ko sa kanya. Naiyukom ko ang mga palad sa ilalaim ng mesa... kanina pa ako nagpipigil sa kanya.
"Hindi ako mang-aagaw dahil wala naman akong kinuha sayo at hindi ako manloloko dahil hindi naman ako nagsinungaling sayo"
"Hindi ka nga nang-agaw pero nagkagusto ka parin kay Sean! At oo nga pala, wala ka ngang kasinungalingang sinabi sakin pero manloloko ka parin... pinaniwala mo akong pwede kitang pagkatiwalaan" malungkot kong pagkakasabi at nasilayaan kong muli ang kanyang mga ngisi.
"At ang isang bagay na pinaka-ikinagagalit ko sayo. Masyado kang uto-uto. Lahat pinapaniwalaaan mo. Balang araw matatawa ka rin sa mga pinagsasabi mo Hara. Balang araw, at napakalapit na mangyari nun"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Gusto mo na bang malaman ang sikreto?" nakakaloko niyang tanong at wala sa huwisyong tumango ako bilang sagot. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.
"Hindi ako si Elisha Ross Jalnaez" bulong niya na nagpakiliti sa tenga ko atsaka bumalik sa pagkakaupo. Ngumiti siya ng mapang-asar.
"Anong ibig mong sabihin? Sino ka ba?" naguguluhan kong tanong.
"Kunin mo to" at may inilapag siya sa mesa na isang USB flashdrive at inilapit iyon sa akin.
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko habang hawak-hawak ang USB niya.
"Nandyan ang ksagutan sa mga tanong mo. Sana lang at at hindi mo ulit pairalin ang katangahan mo. Papalapit na siya ng papalapit Hara... Unting-unti na lang, maaabutan ka na niya kay gumawa ka na ng paraan"
BINABASA MO ANG
10270171127D
Teen FictionLabing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutiegogo for the lovely cover ^O^