Hara's POV
**
"Mama, papa... aalis na kami ni Keilah!" sigaw ko para marinig ako nila mama."Oh, eh nasaan si Sean?" tanong ni mama na lumabas pa talaga ng kusina namin at may suot suot na apron at pot holder. Napangiti ako sandali, kahit kailan talaga... ako ang inuuna niya sa lahat ng bagay.
"Nasa labas na po si Sean. Aalis na kami mama... pasabi na lang kay papa" at mabilis kong hinalikan ang pisngi niya saka pinulupot ang kamay sa braso ni Keilah.
"Oh.. kumain muna kayo. Naghanda pa naman kami ni manang Sena"
Nakangiti akong umiiling iling.
"Hindi na mama. Baka ma-late pa kami ehhh tsaka naghihintay na si Sean sa labas"
"O sige----"
"Aalis na kayo Hara?" napalingon kaming lahat kay papa na papalapit samin.
"Opo bye papa" hinalikan ko siya sa pisngi atsaka mabilis na hinatak si Keilah. "Tara Keilah, aalis na po kami" at patakbo kaming lumabas ng bahay.
"Mag-ingat kayo! Sabihan mong mag-ingat si Sean sa pagda-drive ah! Umuwi ng maaga at baka umulan ma-----"
Hindi ko na narinig ang mga pahabol ni mama dahil nakalabas na kami ng bahay. Si mama talaga, sa katunayan parehas sila ni papa.
"Hahahahaha" tulad ng nakagawian, sabay kaming tumawa ni Keilah. Palagi kasing ganito, kailangan naming magmadaling lumabas dahil wala na namang katapusan sa paalala sila mama at papa. Pero nakakatuwa, ramdam a ramdam kong mahal talaga nila ako at kailanman, di ko pagsisisihang sila ang mga magulang ko.
"Anong nakakatawa?" napalingon kaming dalawa kay Sean.
"Wala. Ang kulit kasi nila tita haha" masayang sagot ni Keilah.
"Kayo ah, lagi niyo silang pinagtatawanan... isumbong ko kayo eh" pananakot nito.
"Loko!" sabay binatukan ko siya ng mahina. "Asa naman... kung alam ko lang kung gaano ka katakot kay papa haha!" saad ko.
"Nakakatakot naman kasi. Parang mapapahamak ka pag kasama kita, wagas sa mga babala eh." sa pagkakasabi ni Sean noon ay sabay-sabay kaming tumawang tatlo.
Pati si Sean nakukulitan din pala sa mga magulang ko. Pero kahit na ganun, di ko magawang magalit sa kanila. Ewan ko ba, sanay naman na ako at pakiramdam ko... tama ang sabi ng mga tao sakin. Isa nga akong perpektong tao.
Sumakay kami sa kotse ni Sean at sabay-sabay pumasok sa Cresent Academy.
BINABASA MO ANG
10270171127D
Teen FictionLabing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutiegogo for the lovely cover ^O^