Hara's POV
"Sigurado ka ba Hara dito?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng pilit saka tumango.
Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Inilalayan niya ako makababa at hanggang sa paglalakad, maingat niya akong inilalayan.
Naka-cast kasi ang kaliwang paa ko.
Tumigil kami sa paglalakad at matagal ko iyong tinitigan.
Brian dela Cruz Hereza.
Ang puntod ni Sean.
Limang minuto ang nakalipas bago ako magsalita.
"Wala na talaga siya..." malamig kong pagkakasabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot ngunit ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko. Narinig ko ang buntong hininga niya.
"Ayos lang ba talaga na nandito tayo?" tanong niya na parang di mapakali. Humarap ako sa kanya at ginawa ang lahat upang makita niya ang aking matamis na ngiti.
"Ayos lang ako. Puntod na lamang ito ni Sean. Patay na siya. Hindi na niya ako magagalaw o kaya masasaktan pang muli. Walang dapat ikabahala Eron" pagkasabi kong yun ay tumango siya at ipinakita sa akin ang napakaganda niyang ngiti.
Tama. Hindi patay si Eron.
Noong October 27, ang araw ng aking kamatayan na naging para kay Sean... nakita ng mga pulis ang katawan ni Eron na nakatali sa kwarto ni Sean habang walang malay.
Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang lahat. Ang kalungkutang nadama ko habang nasa hospital ako noon.
Dalawang buwan na rin ang nakakalipas ngunit hindi pa sapat iyon upang mag-hilom lahat ng sugat sa katawan ko at pati na rin sa puso ko.
Kulang na kulang pa.
Pero atleast payapa na ngayon ang buhay ko. Wala ng Sean, wala ng killer. Sana nga lang kasama ko pa ang mga magulang at kaibigan ko.
"Umiiyak ka na naman" bigla akong napatingin kay Eron. Humakbang siya palapit sa akin at pinunasan ang mga luha ko.
"Hahaha. Trinatraydor na naman ako ng mga luha ko. Sabi kong di na ako muli pang iiyak ehh... kaso masakit talaga. Hindi ko pa kaya..." nagpatuloy ako sa pag-iyak. Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko saka pinaharap ako sa mukha niya.
"Mahal kita" pagkasabing pagkasabi niyang iyon ay awtomatikong tumigil ang mga luha ko. Hindi ko siya tinugunan, bagkus ay nginitian ko lamang siya.
Naalala ko, noong mga nasa ospital pa ako at inakala kong wala na talaga si Eron. Walang araw na hindi ako umiyak noon. Walang nakapagtahan sa mga luha ko hanggang sa nakita kong pumasok sa kwarto ko si Eron. Doon nila kwinento sakin lahat ang nangyari kung paano naging buhay si Eron. Si Eron lamang ang nagpapagaan ng loob ko.
BINABASA MO ANG
10270171127D
Teen FictionLabing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutiegogo for the lovely cover ^O^