6 : CR

8.6K 240 55
                                    

Hara's POV


Usap-usapan kami ng mga estudyante ngayon. Hindi pa kami nakakauwi mula kagabi. 

Saka lang dumating ang mga pulis kasama si Apple samupung minuto matapos bawian na ng hininga si Alden.

"Bakit siya namatay? Bakit siya pa?" hindi matigil sa pag-iyak si Apple simula makita niya ang katawan ni Alden.

"Mukhang sanay ng pumatay ang killer" sabi ng isang pulis.

"Nagawa niyang putulin ang signal sa paaralang ito at walang kahirap-hirap na naidala ang biktima sa science lab na nasa pangalawang palapag ng gusali" pagpapatuloy niya.

"Ang sabi niyo, humingi kayo ng tulong sa mga nag-dodorm ngunit tinangggihan kayo nila?" at tumango naman kami ni Eron.

"Maaaring isa sa mga estudyante na nagdo-dorm ang killer dahil madali nalang silang makakalibot sa school."

"Sabihin niyo, paano kayo naka-lusot mula sa mga guards kung mahigpit na pinagbabawal ang pagi-stay ng mga estudyante sa school kung hindi sila nagdo-dorm?"

"Hindi namin alam. Basta sa building ng mga first year kami tumambay dahil doon ang pinaka-dulong gusali at naisip namin na hindi kami mahuhuli ng guards doon" paliwanag ni Daryl.

"At sinabi mong nakita mo ang isang guard sa isang kwarto ng mga fourth year?" tanong sakin ng pulis kaya tumango ako.

"Kung ganun, pinatay muna ng killer ang mga guards habang nag-iikot ito sa buong school. Pinatay niya agad ito bago kayo makita ng mga guards dahil sa oras na mahuli kayo ng guards, ay pauuwiin kayo agad nito. Masisira ang plano ng killer. Sino lang ang nakakaalam na mag-iinuman kayo sa loob ng school?"

"Kaming magkakabarkada lang ang nakakaalam pero niyaya ni Irene si Hara" sabi ni Trisha.

Binigyan naman nila ako ng mapaghinalang tingin.

"Yun lamang sa ngayon." at umalis na ang mag pulis at dinala ang bangkay ni Alden para sa gagawing eksaminasyon.

"Hara!" lumingon ako sa likod at nakita ko si Sean na tumatakbo palapit sa akin. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at naramdaman ko ang pag-aalala niya.

"Ayos ka lang ba Hara? Pinag-alala mo ako, alam mo bang tinawagan ako ni manang at hinahanap ka niya sakin? Di ko alam kung saan ka hahanapin tapos nabalitaan ko pa ang nangyari dito..." humiwalay ako sa yakap niya at nakita ko ang mga luhang tumulo sa mga mata niya.

"Ayos na ako Sean. Wag kang umiyak please..." at pinunasan ko gamit ang aking daliri ang kanyang mga luha.

"Alam mo namang mahal kita eh. Paano kung nadamay ka? Paano kung pinatay ka ng killer?"

10270171127DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon